Morning Routine
Although this took me 3+ hrs to edit, I enjoyed creating this. This was supposedly for my YT channel but I donβt have the energy to edit with Final Cut that day. IG reels will do.
Although this took me 3+ hrs to edit, I enjoyed creating this. This was supposedly for my YT channel but I donβt have the energy to edit with Final Cut that day. IG reels will do.
GLENIZ: Pwede ba akong mag-enroll sa French class?
KENNETH: Go.
Daling kausap.
Heto nanaman ako sa pa-series. Meron akong favorite conversations series, today’s log series, throwback series (na hindi na nasundan) at yung iba naka-private na series. Ngayon ito naman, happy things series. Tingnan natin kung masusundan

Natapos na ni Kenneth yung lumang Dexter kaya pinapanood na namin yung bagong Dexter. Ok lang. Biased lang siguro ako. Pero hindi ko ide-deny na hindi sya ganun kaganda although hindi pa namin sya natatapos. Pero mababa lang naman ang expectations ko. Usually naman sa mga ganitong sequels mahirap talagang tapatan yung una. Ine-enjoy ko na lang kasi na-miss ko si Michael C. Hall.
First time kong makausap yung tito ko na nasa UK. Parang sa lahat ng tito ko sya yung hindi ko masyadong nakakausap kaya medyo big deal for me na nagusap kami over the phone. Yung hindi sa chat lang.
Eh kasi nagbabalak nga kaming mga taga ibang bansa na umuwi ng 2022. Last year pa dapat kaso alam nyo na.
NEWS FLASH: Ngayon ko lang natanggap na pwedeng gamitin ang non-Pinoy brand tomato sauce sa mga tomato-based Filipino dishes.
Dati kasi, pag naisipan kong magluto ng afritada, o menudo, o pochero, tapos kumpleto na lahat ang ingredients except tomato sauce, at pwede naman akong bumili ng tomato sauce sa katapat naming grocery store, hindi ko pa rin itutuloy kasi foreigner yung brand ng tomato sauce nila. Ang pakiramdam ko, kailangan ko pang pumunta sa Asian store para makabili ng Pinoy brand tomato sauce, para matuloy ang balak kong lutuin.
“Eh di pumunta ka sa Asian store.”
Wow nasusunod ko ang morning routine na ginawa ko. Tapos na kong mag-meditate, yoga, magbasa (naka 45 mins ako agad sa goal kong 1 hour per day), kitty care (scoop litter + refill tubig + vacuum ng nagkalat na litter) at gratitude journal. Naksss.
Pero mukang hindi ko magagawa yung exercise. Kasi after kong mag-yoga, nakaramdam ako ng several sharp pains sa tagiliran ko, yung area na inoperahan ako. Kaya maghihinay hinay muna ako.

SATURDAY
7:20 AM
Nagulat ako gising na rin si Kenneth. Ilagay ko daw yung weighted blanket sa kanya hindi nya daw kaya. Kawawa naman. Nagpa-booster shot kasi sya kahapon plus flu shot. Tig kabilang braso kaya hinang hina.
8:12 AM
Mali. Bakit ko in-open ang Messenger. Pagkatapos ng Messenger, Instagram naman. Wala na. Dire-direcho na.
Nagpa-booster shot ako kanina. Nakakainis kasi nanghihina ako pero ang ganda ng mood ko. Nagmi-mini concert ako dito sa home office namin pero ramdam ko yung katawan ko bumabagsak. Tapos yung sayaw ko unti unting nawawalan ng sigla. Nilalabanan ko pero baka magkasakit pa ko. Makapunta na lang sa salas at mag-doom scroll sa TikTok.
WAAAASDGHLSDJGSLKG!!!! TANGINA!!!π€¬
Time to collect my thoughts and make a 2022 game plan. But first:
2021 REFLECTIONS
The year that Iβ¦
Explored A LOT of hobbies. Kaya naman little success lang ang na-achieve ko in terms of mastering a skill.
Aside from exploring hobbies, we also explored new places here in Manitoba.
This is also the year that I got serious about investing and finances in general.
What worked?