
Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.
Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?

Basta napansin ko na hindi na masyadong magulo yung utak ko. Yung mga unnecessary na bagay na pinoproblema ko, nawala. May overthinking pa rin na nagaganap pero ang minimal na lang. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakawala sa kung ano mang pangit na phase ng mga nakaraan na buwan.
Yung isang buwan na araw-araw kong kasama ang pamilya ko, magic. Wala akong idea na sobrang kailangan ko pala yung isang buwan na yun. Nami-miss ko si Kenneth at yung dalwa naming pusa dito pero alam ko naman na babalik din ako after 1 month. Pero yung next time na makakasama ko ulit yung pamilya ko, question mark. Kaya sinulit ko talaga.

Babalik ako dun sa nagbago. Kasi amazed pa rin ako hanggang ngayon. Siguro kasi, pag matagal kang malayo sa mga mahal mo sa buhay, kung ano-anong papasok sa isip mo. Na hindi naman nila ko naiisip. Or baka malayo na ang loob nila sakin. O kaya baka hindi naman nila ko miss. Which is ang stupid pakinggan pero ewan ko ba kung bakit ganun yung mga naiisip ko. Kaya ko nasabi na kailangan ko yung 1 month na yun kasi lahat ng negative thoughts na yun, nag-vanish.
Hays. Kung pwede lang umuwi ng every 6 months or kahit every year.

So eto na lang muna. Masaya ako sa naging bakasyon ko at masaya ako na nandito na ko ulit. Ang sarap lang talaga ng flow ng utak ko ngayon. Sana ma-sustain. Kung magkaron man ng interference, sana madali kong maibalik.