April 11-15
DAY 5
Swimming time!

Excited akong magswimming kahit hindi naman ako magsi-swimming. Wala lang. Gusto ko lang tumambay by the beach/pool tapos kakain ng masarap pag nagutom na. Gusto ko lang yung summer vibes kasi sa Winnipeg snow pa rin ng snow that time.



Hindi kami nakapwesto sa beach kasi ulan ng ulan so dun lang kami sa pool. Pagkatapos mag-swimming ng mga kids, naglaro lang uli kami ng Avalon tapos yung iba nagti-TikTok tapos yung matatanda nagkkwentuhan lang. Pasira lang talaga ng vibes yung ulan kasi sobrang lakas.

More kainan
May dalwa pa kaming pinuntahan pagkatapos nito. Nag-dinner ulit kami sa Potch kasi nagbigay ng pang-dinner si Tito Ric na balikbayan din (kapatid ng lolo ko). Sa US naman sya. Ang galing lang na nagabot-abot kami lahat.

Masasarap yung food. Kaso minsan di ko na ma-appreciate ng todo kasi busog pa ko, tapos kakain nanaman.

Conjoined twins *inside joke*
Yung last stop namin ay sa kapehan. Nag tsaa na lang ako tapos nag-beer ata yung mga boys. Tawanan kami ng tawanan kasi sinama namin sa TikTok yung lola namin. Tapos yung mga tito at tita gusto na rin sumali.



Slumber partey II
Since sinusulit ang pagkakataon, nag-slumber party uli kami. This time sa bahay naman ng lola namin. Actually kami lang ng kapatid ko yung naki-slumber party kasi the rest ng mga pinsan namin, sa mga lola namin nagsi-stay. Kaya yung laging tanong samin eh, “Pupunta kayo dito?” Kasi andun sila lahat.

Nakatulog ako agad kasi magulo pa yung body clock ko. Hindi ko na rin matandaan kung anong movie yung pinapanood nila. Kaya niloko nanaman nila ko na “sleep over family”.
DAY 6

Habang tulog pa ang mga puyat, namataan ko na nagluluto si Ate Elena, yung kasambahay ng lola ko. Magaling magluto si Ate Elena kaya nagdesisyon ako na panoorin at obserbahan sya. May mga bago akong natutunan. Tulad ng tamang paggayat ng repolyo at kung gano kadaming paminta ang nilalagay. Nag-take notes pa ko in case mawala sa isip ko.

Maya-maya, pumasok na ang Mommy. May comment sya kay Ate Elena, masyado raw malalaki yung gayat ng karne na pang-caldereta. Kaya tinulungan nya si Ate Elena na maggayat. Masarap din magluto ang Mommy š

Palaisdaan
Gusto ng Papa na lumabas nang kami-kami lang. Mama, Papa at kaming magkakapatid. So pumunta kami sa Palaisdaan. Eto yung kainan sa Quezon na pag gusto mo ng Filipino food, matic dito kayo pupunta.

After Palaisdaan, dumaan kami dito.

Secret kung anong meron jan.
Extracurricular activities
Madami pang nangyari after. Nagpa-wax kami ng kili-kili, sumimba, at nakipag hangout sa mga 2nd cousins naman namin.



At since nabitin kami sa oras, nag-slumber party kami ulit haha! This time kasama na ang mga 2nd cousins kaya siksikan na kami sa bahay ng lola namin.
Slumber partey III
Sabi sakin ni Marcus, “Are you going to just sleep again?” Eh that time antok na talaga ko so wala, tumulog ako agad š Pero nagising ako ng mga 1AM ata tapos may pinapanood silang “scary” movie. Limot ko na yung title basta walang sense. After nun ay Mr. Bean’s Holiday pero wala nang masyadong nanonood.

Di namin namalayan ang oras. 4AM na pala. Apat na lang kami. Ako, Tricia, Illysa and Marcus.
Important Note: Ang recurring theme saming magpipinsan ay being emo. Nagsimula kay Louisa kasi may nanloko sa kanyang emo tapos lahat naglokohan na. Hinalungkat pa nila yung luma naming pics na magkakapatid during our emo phase. This will explain the next photos.
So 4AM na tapos wala na kaming magawa. May nakaisip na gumawa kami ng parody nung emo pic ni Louisa at Gillian:

So eto yung version namin:

Nag-TikTok kami tapos natulog na.
DAY 7

Sarap nanaman ng breakfast!!! Tapos ito pala yung day na na-discover ko na yung mga pinsan kong nagre-range ang age from 10-15 y/o, alam yung kanta ni Avril Lavigne na Complicated. Super amazed ako kasi 20 years ago ni-release yung kantang yun. Tapos halos ka-age ko rin sila non. Hahaha. Tanda ko na talaga.

Icing sa ibabaw ng cupcake
Yung schedule ko ng araw na ‘to ay makikipagkita kila Nick. At since marunong na nga pala si Tricia na mag-drive, driver ko raw sya. Sumama si Marcus sa paghatid sakin kina Dimpol. Pero hindi agad umalis yung dalwa, naki-hangout pa sila ng mga ilang oras.

And dami naming pulutan tapos ang sasarap! May embutido, crispy pata, fishball at kikiam na super sarap nung sawsawan, nagdala akong gourmet isaw, tapos yung mushroom sisig na unexpectedly masarap.

Napasali si Nick sa aming unofficial ‘British Accent Lovers Club’ kasi everytime magsasalita yung pinsan ko, super na-aamaze sya. Nung sinabihan sya in British accent ng, “Could you please pass the water?”, tumingin muna sakin ng nakangiti tapos nanlalaki yung mata. Banong bano rin š

Kahit kami aliw na aliw sa accent nila. Kaya naman siguro umabot ng 2M views yung pinost ko sa TikTok. Tuwang tuwa si Louisa. Famous na daw sya haha.
12AM ako nakauwi sa bahay tapos nagulat ako sa sinabi ng Mama. Bakit daw ang aga naming natapos. Haha sobrang kakaiba sa pandinig ko kasi dati nung studyante pa lang ako, pinapauwi na ko ng 8PM. Swerte na yung 9PM.
Sya dito na muna nagtatapos. Madaming madami pa. Ang sayang balikan kahit medyo nakakalungkot kasi di ko na sila kasama. Pero mas lamang yung saya. Ang daming magagandang memories š¤
Quiz: Ilang beses kong tinype yung word na ‘sarap’?

PH 2022 SERIES
Part 1: Reunions + Yummy Food
Part 2: You are here
Part 3: Boodle Fight + Sarah G + Sweetie Almond
Part 4: Bohol Trip ⢠1 | 2 | 3
Part 5: Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant
Part 6: Last Few Days