Categories
Hanash Life TV

3AM Thoughts: Stranger Things + Earthing + Good Juju

Bakit kaya hindi pa ko inaantok. Ang aga kong nagising, hindi ako nag-nap, tapos 3AM na ngayon pero buhay pa yung diwa ko. Mga 5-10% pa lang yung antok ko.

Siguro dahil masyado akong nadadala sa mga ganaps sa Stranger Things. Ang galing pa din ng Duffer brothers. Super engrossed at interested pa rin ako sa mga nangyayari sa kanila both major and supporting characters. Kelangan ko pang mag-warm up dun sa bagong monster nung una pero ngayon nakasakay na ko. I am here for the ride. Roller coaster talaga yung emotions kahit episode 4 pa lang kami.

Discovered a new, yummy and (most importantly) cheap pizza place

Medyo home sick din pala ko kasi nasa Baguio ang aking pamileeh. Tumawag si Tricia so na-FOMO ako ng more than slight. Kaya ko naman. Nakatulong din siguro na kasama namin kanina ang mga Winnipeg friends almost maghapon.

Tapos nung gabi kachikahan ko ang kuya (although I hope na mas madami yung good vibes stories nya kesa sa negative). After kuya, kausap ko si Gillian, my pamangkin. Sabi nya tapos na nya yung Stranger Things so sabi ko no spoilersss! Tapos nag-demo lang kami ng skincare routine ng isa’t isa tapos nagba-bye na ko para ituloy ang panonood para mapagusapan na namin yung ending ng season 4 part one.

Ay. Worthy of note: I bought a grounding (or earthing) mat. I’ll admit I’m a wee bit skeptical but! Anything for my endo. Plus the science makes sense! I’m a tiiiny bit skeptical because it seemed so easy! Unbelievably easy. But the science! The peer-reviewed studies! The testimonials!

Anyway, more pluses: it’s non-invasive, cheap, and believe it or not, I experienced instant results. Pwedeng psychological or placebo effect pero sabi rin ni Kenneth ramdam nya. Placebo or not, walampake. Wala naman talagang cure and endometriosis so bakit hindi. Nakaka-feel good sya sakin and that is all that matters. Less stress, less chances of progression.

Beneficial din daw sa pets ang grounding

Overall, it’s a good day. Baka kaya hindi pa ako makatulog kasi ayokong matapos?

  • I spoke with my family
  • I spent time with friends
  • I’m feeling great, I feel like I’m getting better health-wise
  • French classes are getting challenging but I’m doing okay (I wanna say more than okayyy??)
  • I’m making these not-so-restricting daily schedules that I’m able to follow (no more ano-kayang-gagawin-ko-ngayon days)
  • We’re watching shows that Kenneth and I both enjoy (Love on the Spectrum, Final Table, The American BBQ Showdown)
  • At yun lang

Aside from the more than slight FOMO and my mild hand/arm pains, I’m good. More than good.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s