You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
1.
Kasama namin yung family ng tito ko from Winnipeg two weeks ago. Meron kasi silang a-attendan na kasal dito sa Canmore and nag-book sila ng Airbnb for 3 nights kasama kami. Tapos may pasalubong sila samin na tatlong crispy pata! Hihi. Na-miss kong makipag-bonding sa kanila and it’s always nice to have family around kahit mabilis lang.
Ganda nung Airbnb na binook nila 🤍
Habang uma-attend sila ng kasal, nagikot lang kami ni Kenneth sa isang malapit na lake. Nagyaya na rin ako agad pabalik ng Airbnb kasi ang lamig. Hindi nakaka-enjoy mag-walking. Buti na lang maganda yung mountains.
📍 Quarry Lake
2.
Subscribe to continue reading
Subscribe to get access to the rest of this post and other subscriber-only content.
You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Part 1
During our weekly couples heart-to-heart, at the end of each session, we say things we are grateful for. Since hindi kami nagdadasal, ito yung version namin ng being thankful for our blessings. Nung shinare ko yung sakin, naiyak ako. Kasi sobrang saya lang.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
* this has been in my drafts for sooo long and I’m still not giving up finishing this Japan travel blog series
I’m excited na makabalik sa USJ at makasakay ulit sa Flying Dinosaur, my favorite ride. Pero ang sad na wala na yung isa kong favorite, yung Space Fantasy. Huhu whyyy.
My kyot sistar. Muka ng Mama haha!
Hindi ko alam bakit naligaw nanaman kami papuntang USJ. Nagmamadali pa naman kami para makakuha ng free timed ticket to Nintendo World. Pero buti na lang umabot pa rin kami. Gusto kasi ni Tricia na bumili kami ng Express Passes na pagkamahal-mahal para sure yung entry namin sa Nintendo World. Pero buti na lang nagtiwala sya sakin na makakakuha kami for free. Tsaka hindi peak season kaya rin siguro nakapasok kami.
I’m three months TikTok-free (my longest TikTok detox yet?), and out of curiosity, I asked my cousin what’s happening there and what are the things I should know:
1. KATSEYE
First, she sent me a voice message of her singing and bombarded me with videos of her dancing. Akala ko mga general TikTok dance trends yung sinesend nya. Yun pala dance trends specific to KATSEYE songs. I told her I would finally listen to their music.
You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Good morning/evening!
Ang nasa utak ko ngayon ay Pilipinas. Kasi nai-imagine ko kung gano ka-festive dun ngayon. Yung ramdam na ramdam mo yung holiday cheer, lalo na sa mga malls. Ang sarap umuwi! Ang tagal ko nang dream na makauwi ng holiday season. Kaso hindi pa matuloy-tuloy. Sa ngayon, magpapatugtog na lang ulit ako ng “Di ba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditooo…” like every other December, habang medyo teary eyed.
If we have unlimited funds, we would spend every Christmas and New Year in the Philippines.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
Since sobrang konti nga ng kaalaman ko about LA, nito ko lang nalaman na hindi pala karaniwan umuulan sa LA. Kaya niloloko nila kami na kami yung nagdala ng ulan kasi maulan nung week na punta namin. Ngayon ko lang din nalaman na since hindi nga maulan dito, ito yung ideal place mag-shoot ng movies, plus idagdag mo pa yung varied landscapes like mountains, beaches, and deserts—a perfect shooting location. Good to know.
I was connecting to my Bluetooth speaker at nakita ko sa device list yung speaker ng Mommy. My heart sank. Bumalik sakin yung mga days sa ospital na tatanungin ko ang Mommy kung gusto nyang makinig ng music, tapos tatango sya. Papatugtugin ko dun sa maliit na pulang speaker yung mga paborito nyang lumang kanta, o kaya minsan mga piano music. Tatanungin ko sya ng, “Rinig mo Mommy?” kasi nakikipagsabayan sa music yung tunog ng mechanical ventilator nya. Ipi-pwesto ko yung speaker sa may ulunan nya para sure na rinig nya.
You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
1.
Sa sobrang baliw na baliw yung dalwa kong pinsan sa The Summer I Turned Pretty, hindi nila mapigilan na magkwento sakin kahit wala naman akong gatiting na idea sa story nun. Alam ko lang na libro sya at meron syang TV adaptation pero yun na yun. Alam rin nilang hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nila but it doesn’t stop them from talking about Belly, Condrad and Jeremiah. Hindi nga sila yung, “Ate panoorin mo! Maganda!!” Hindi. As in diretso lang sila agad sa mga ganaps kaya litong lito ako. Ang alam ko lang kilig na kilig sila kay Conrad, hate nila si Jeremiah, at super frustrated sila kay Belly. So ako tuloy, mapapatanong sa kanila kung bakit. At sa kaka-bakit ko, nagkaron na ko ng idea at nagkaron na ko ng interes panoorin pagbalik ko ng Canada.
After almost isang oras na kwentuhan about TSITP, sabi ni Isabelle, “Para tuloy gusto ko ulit panoorin mula season 1.” So ayun. Sinimulan din namin at naintindihan ko na rin kung bakit sila nababaliw dun sa tatlo. Hindi pa ko masyadong makausad sa season 2 kasi nasa episode 3 pa lang ako. Pinaparaya ko kasi sa Mama yung TV para hindi sya mainip.
2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Two weeks na ko dito sa Pilipinas at kakagaling ko lang sa sakit. Wala pa ko sa isang daang porsyentong lakas kasi medyo punga pa rin ako at may konting sakit ng ulo. Hindi pa rin maayos ang tulog ko. Nagigising pa rin ako ng 2AM then hindi na ko makakatulog ulit. Pati sa pagta-type ngayon hirapan ako kasi na-sprain ko yung daliri ko.
Halos kakagising ko lang at dito ako natulog sa in-laws ko. Everytime umuuwi ako na hindi ko kasama si Kenneth, I make sure na matulog dito ng ilang nights to spend time with my in-laws. Looking forward ako lagi na mag-stay dito kasi dito ako nakakabawi ng tulog. Parang ito ang aking mini spa retreat after ng mga sunod-sunod na activities with my family.
1.
Nung hinahatid pa lang ako ni Kenneth papunta sa airport, di ko talaga maramdaman yung excitement paguwi. Umiyak pa nga ako sa byahe. Hirapan pa rin akong i-accept na hindi ko makikita ang Mommy pagdating ko.
Kaming mga nasa abroad, halos sabay-sabay yung flight namin pauwi kaya medyo kagulo sa family group chat tungkol sa updates kung nasan na kami. At the same time, merong lungkot, kasi na-iimagine namin ang Mommy na nakikigulo sa sobrang excitement. Ito yung pinakahihintay nya. Na makumpleto ang mga anak nya. Pero hindi na nya naabutan.
Merong nag-message sa group chat ng, “Mommy andito na sila 😢” at “Ito ang matagal nang inaantay ng Mommy.” Hays lalo na kong naiyak.
2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.