Categories
Canada Health Hobbies Life

Happy Things #5

Gloomy

Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.

Happy Hormones

Medyo nasu-sustain ko yung high from my PH vacation. Pero tinanggap ko na na hindi ko sya kayang i-maintain. Imposible. Pero I will try my best to protect it. Kaya iwas talaga muna sa mga triggers at negative energy.

Magic Pills

Another reason para umiwas sa mga masasamang elemento, lumabas na yung result ng ultrasound ko! Lumiit daw yung cysts ko HUHUHU 🤍 SOBRANG SAYA KO. Kasi sa dinami-rami ng ultrasound na ginawa sakin, eto yung first time na ang lumabas na result ay lumiit yung cysts.

Last year kasi, may pina-try saking treatment. Yung tinuturok so medyo may kamahalan. Last attempt na sya para subukan kung liliit yung cysts. Walang nangyare. Hindi daw effective sakin yung gamot sabi ni Doc. Eh ayoko naman mag-pills (nakakasira ng mood at madalas nalilimutan kong uminom), magpa-opera (nanaman??) or magbuntis. Kaya sabi ko, obserbahan na lang muna. Wala kaming gagawin. For repeat ultrasound na lang ulit ako after a few months.

Yung mga previous months bago yung repeat ultrasound, ang nagbago lang naman ay mas physically active na ko, umiinom na ko uli nung mga na-research kong supplements for endometriosis (pero not religiously), at yung bagay na feeling ko, ito talaga yung main reason bakit nag-improve yung endo ko, ay nung nag-spend ako ng 1 month with my family nung umuwi akooo 🥰 Feeling ko yun talaga. Yun talaga! Sabi ko na nga ba magic eh!

Bonjour Take 2!

I started my French classes! Nag-enroll na ko finally. So far (currently on Day 3), maganda yung experience. Kasi ang babait at ang gagaling magturo ng mga teachers. Every class, ine-encourage talaga kaming magsalita. Pinagbabasa kami ng mga sentences kahit minu-murder namin yung pronunciation. Hindi ka mahihiya kasi lahat kayo beginners and professional naman yung teachers.

At yung pinakagusto kong part (or yung pinaka-exciting part? 😂) kahit medyo nakaka sabaw ng utak, ay 90% of the time, French yung language of instruction ng teachers so na-i-immerse ka talaga dun sa language. Ayun. Excited ako sa klase ko mamaya. Ang topic ay pagbibilang at kung pano umorder sa restaurant.

Neighborhood Adventures

Last ay nung naglakad-lakad ako sa neighborhood nung isang araw. Since tapos na nga ang bakasyon ko at malayo na uli ako sa pamilya ko, feeling ko kailangan kong gumawa ng mga activities na makakatulong sa mood ko. Pag nga kasi masyado kang madaming time mag-isip, nagigi syang playground for random thoughts. At hindi maiiwasan na yung ibang thoughts na papasok ay negative.

Tapos nag-take din ako ng pictures kasi frustrated photographer ako. As in umikot lang ako around our apartment. Next time try kong mas malayo ang mahayon pag hindi na malamig.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s