April 7-10
DAY 1
My pamileeh
Unang araw, ang ganda ng gising ko. Sarap ng ulam eh.



Pagkatapos mag-tanghalian, pumunta na kami sa bahay ng lola namin. May video pa na niloloko nila ang Mommy (lola) na wala daw ako. Pero nung nakita na ko ng Mommy na nagtatago, ayun nag-hug na kami tapos umiyak na sya. Sa kanya talaga kami nagmana ng pagka-iyakin.
DAY 2
Malling + baking with cousins
Pumunta kaming SM. Limot ko kung bakit.
Ah bibili akong tsinelas!




Nung maliliit pa sila, super favorite nila pag yayayain ko silang mag-bake ng cookies. Kaya kasama ‘to sa agenda. Tapos nagpatugtog si Tricia ng BTS kaya nagsasayawan kami habang nagbe-bake.



And the final product:

DAY 3
Lamon time
Nakapag-singit pa ng workout bago lumamon.

Eto yung welcome lunch para sakin. Kumain kami sa Kusina ni Pareng Avel kasi isa ‘to sa mga paborito kong kainan. At nila rin.






Slumber partey
Kina Graciella kami nag-slumber party. Madalas naman sa kanila talaga kasi may entertainment room sila. Naglaro lang sila ng Just Dance tapos kami nina Illysa at Gillian naglaro ng Twister. Tapos after nun, yung card game na Avalon.
Bago pala ‘to nagpamasahe din kami. Okay naman yung massage, nakatulog ako. Pero mas gusto ko na yung nagmamasahe sakin dito kasi parang nangingiliti lang. Ayoko ng hard massage.
Slumber party na!


Illysa, my 1st daughterrr. Pero magpinsan talaga kami 😂 Super clingy nya kasi sakin nung bata pa sya kaya 2nd Mommy nya daw ako. Eh since wala naman akong anak, kaya naging 1st daughter. Tapos sabi nya kapatid nya daw mga pusa namin.



Super naadik kami dito sa Avalon. Simula nung na-discover namin sya, parang 5-day straight namin syang nilalaro. Hanggang sa medyo naumay na kami nung pahuli.


“Annyeong annyeonggg!” — alarm ni isabelle
Time to wake up! Parang 11:30PM pa lang madami nang tulog. Kaya nag-reklamo si Marcus. Basta parang kung anong klaseng slumber party daw yun 😆 Limot ko na yung exact words, English kasi. Bakit daw ganun mga tulog agad.

DAY 4
Breakfast muna.

Almond, here i come!







After nito kumain naman kami sa Potch kasi birthday ni Mommy Glo (Kenneth’s mom). Hindi na sumama si Tricia kasi shy type daw sya tsaka kailangan din ihatid si Whiskey pauwi.

_____ over family


Dito nauso yung “friends over family” tag line naming magpipinsan. Kasi in the middle of playing Avalon, nagpaalam ako sa kanila para i-meet si Nick at Bong. Sorry emo, clingy cousins ✌🏼

Tagal namin nagkkwentuhan. 4AM na kami nakauwi. Napagsarhan na nga kami pero hinayaan nila kaming mag-stay sa labas. Ang tanda na namin. Buhay buhay at future na ang pinaguusapan.
Dami agad nangyari. Madami pang magagandang memories ahead. Pero ako’y matutulog na. Hindi mawawala ang jet lag ko kung madaling araw ako lagi matutulog. Bye!

PH 2022 SERIES
Part 1: You are here
Part 2: Slumber Parties + Unlimited Lamon + Emooo
Part 3: Boodle Fight + Sarah G + Sweetie Almond
Part 4: Bohol Trip • 1 | 2 | 3
Part 5: Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant
Part 6: Last Few Days