
Ngayong malapit na kong umalis (bukas na), apat na emotions ang nararamdaman ko ngayon:
Kaba
Kasi baka mag-positive ako sa antigen test mamaya tsaka baka magka problema yung pangalan ko sa passport (kasi maiden name pa rin ang nakalagay.
Lungkot
Kasi isang buwan ako mawawala. Sobrang mami-miss ko si Kenneth at ang mga pusa at yung comfort ng apartment namin.
Takot
Kasi baka mag-crash yung eroplano na sinasakyan ko (minsan talaga wini-wish kong mag magically disappear ang pagka-pessimistic ko).
Excitement
Kasi makakasama ko ulit ang pamilya at mga kaibigan ko.