
Nakasalang na ang maduduming pinagkainan sa dishwasher at ang maduduming damit sa washing machine. Kumain na rin ako. Kaya ngayon.. Hello!
Bakasyon day
Pahinga muna ako sa drawing ngayon kasi 3 days na kong tuloy tuloy. Nararamdaman ko na yung persistent na pagsakit ng likod ko at ayaw ko nang hintayin na pati kamay ko ay sumakit na rin.

Kaya ngayon, eto magsusulat, magbabasa siguro mamaya, aayusin yung mga pictures para sa PH 2022 series, tatapusin ang mga labahin, etc. Basta anything na hindi related sa drawing at hindi masyadong stressful.
Masaya ako na may ongoing commissions ako ngayon. Feeling ko extra useful ako. Kasi may maaambag ako sa household namin na income. Pero ayokong masyadong mag-focus dun kasi kahit naman wala akong projects, alam ko namang useful pa rin ako. At pinaintindi sakin ni Kenneth yun. Pero extra happy lang ako ngayon. Masarap mag-drawing ng may bayad 😆

Teen forevah
Kanina, nakikinig ako ng podcast ng isang successful illustrator na idol ko. May nabanggit sya na feeling nya raw, forever syang magiging teenager kahit almost 30 y/o na sya at may asawa at anak na sya. Pero hindi yung type of teenager na kung pano sya before, yung teenager daw na mature and responsible.

Nag-connect ako dun kasi yun yung pakiramdam ko. Lalo na nung kasama ko yung mga pinsan ko (na nagre-range yung age nila from 10-15 y/o) kasi nakakasakay pa rin ako sa mga trip nila. Pero at the same time alam kong may ginawa or may ugali ako nung teenager years ko na nabago ko na ngayon.

Kaya sobrang saya talaga ng bakasyon ko gawa nila. At hindi yung tipo na pine-pwersa ko yung sarili ko na sakyan sila kasi gusto kong maging close kami or para makipag-bonding sa kanila. Natural lang. Sabi nga nung isa kong pinsan, “I can’t believe you’re 20 years older than me.” You and me both.

Bonjour take 5
Eto nanaman ako sa learning French journey ko. Pero sana this time tuloy tuloy na at magkaron na ng evident results. Nag enroll ako sa French classes. Paid sya PERO, pag complete attendance ka, ire-refund nila yung bayad mo. Super good deal diba.

Ang catch, everyday sya for 2 months. Wala akong full-time work pero kinakabahan ako na baka di ko sya makumpleto. Every single day for 2 whole months! Hmm. PERO ulit, hindi pwedeng hindi. I need that refund!!