
Ows di nga?
Yung mga inaalala ko sa paguwi ko, hindi lahat nangyari. Kung alin pa yung akala kong hindi magkaka-problema, dun pa nagkaron ng disaster. Kasama siguro ‘to sa top 3 worst na nangyari sa buhay ko.


All good pa dito. Nakasakay na ko ng eroplano papuntang Korea. Tapos isa pang plane going to Manila naman.


Enjoy while it lasts
Since 11 hrs ang byahe from Vancouver to Korea, madami akong ginawa para libangin ang sarili ko. Eto yung calm before the storm.










Disaster in Korea
A day before my flight, sobrang relieved ko na nag-negative yung antigen test ko. Tapos nung nasa airport na ko, wala silang pake kung magkaiba yung apelyido ko sa passport at vaccination card ko. Yan kasi yung mga inaalala ko sa paguwi ko. Yan yung mga naiisip kong dahilan kung bakit nila ko ide-deny. Kaso merong unexpected na nangyari.
From Winnipeg to Vancouver, tapos from Vancouver to Korea, walang naging problema. Na-delay lang yung flight papuntang Korea pero maliit na bagay lang naman. Kaso pagdating naming Korea, chineck ulit yung antigen test result ko. Na-sense ko na may something wrong. Kasi parang binubusisi nila masyado yung papel ko. At yung mga tao na nasa likod ko sa pila, mas nauna pa silang pinaalis para makapunta sa boarding gate namin.

In short, ayaw nilang tanggapin yung negative antigen test result ko kasi ginawa daw yung swab sa pharmacy. Dapat daw sa clinic or lab. Nung sinasabi nila yun, pumasok sa isip ko na, “Di nga? Hindi ba talaga nila ko papalampasin? Papabalikin ba talaga nila kong Canada after kong magbyahe ng 18 hrs??” Super in denial pa ko nung una. Nasa isip ko, “Napapanood ko lang ‘to sa movies. Naririnig ko lang ‘to sa mga kwento ng iba.” Tapos sobrang sobrang looking forward ako dito sa paguwi ko na ‘to. “Hindi ba talaga??!!”

After an hour siguro, in denial pa rin ako. At this point, and dami na naming naka-hold. Kasi sa pharmacy din sila nagpa-test. Nase-sense ko na yung stress at frustration ng mga tao. Tapos yung iba pa ay families na merong maliliit na kids. Meron pa ngang baby na ilang months pa lang. Wishful thinking pa rin ako na bigla nilang sasabihin samin na pwede na kaming lumusot at sumakay ng eroplano papuntang Maynila.
FYI lang kasi may mga nagsabi rin sakin na bakit ba ko nagpa-antigen test sa pharmacy. Iba kasi yung setup ng pharmacy sa Canada. Meron silang mga mini clinics sa loob tapos dun ginagawa yung swab. Nag-i-issue din sila ng mga vaccines and booster shots. Authorized sila ng government na mag-administer ng ganitong services. Matatanggap ko pa kung solo lang ako pero ang dami namin na na-hold.
Bye bye Gleniz
7:30PM ang alis ng eroplano. 7:30PM na. May konting hope pa rin sa puso at isip ko na joke lang ang nangyayari. Pero after ilang minutes, nagsi-sink in na. Hindi ako makapaniwala na iniwan kami ng eroplano. Ang worst pa, gutom at uhaw na ko. Sobrang stressed ko na talaga. Pakiramdam ko mahihimatay ako. Hinang hina na talaga ang utak at katawan ko.
Yung susundo sakin (Mama, kapatid at tita ko), nasa Maynila na sila. Taga probinsya kami so lumuwas pa silang Maynila. Ready na silang sunduin ako anytime. Nung sinabi na talaga samin na hindi kami lulusot, tinawagan ko na ang Mama para ma-inform sila na walang dadating 😞 Nung kausap ko na ang Mama, di ko na napigilan umiyak. Sobrang uncertain ng mga nangyayari. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.
Na-comfort naman ako ng Mama kasi parang calm and collected sya. Wag daw akong umiyak. Ramdam kong worried sya pero sure daw sya na makakauwi ako. Antayin ko lang daw yung magiging update.
Tubig please
Habang nangyayari ang paghihintay at paguusap namin ng Mama, ramdam ko pa rin yung uhaw. Sobrang pangit pala na stressed ka at uhaw ka. Feeling ko talaga tutumba ko. Yung bilihan ng tubig, malayo. Eh ayokong umalis basta basta kasi nga baka biglang magka-update tapos maiwan ako kung sakaling ilagay kami sa ibang flight pa-Manila. Pero since tutumba na ko, ni-risk ko na.
Magkakasamang stress, uhaw, gutom, sakit ng balikat, pagod, etc. ang nararamdaman ko habang papuntang bilihan ng tubig. Kaya pinipilit ko talagang i-pep talk yung sarili ko na kaya ko. Konti na lang makakainom na ko ng tubig. Isa pang lesson learned yun. Pack light para hindi nakakapagod maglakad.

Nung nakainom na kong tubig, medyo guminhawa yung pakiramdam ko ng mga 5%. Pagbalik ko, salamat at andun pa sila. Nakikipagtalo pa rin sila sa mga representative nung airline na nag-deny samin (Asiana Airline) at yung airline na nagdala samin sa Korea (Air Canada). Kasi kung ide-deny pala kami dito sa Korea dahil sa maling requirement, bakit kami pinalusot sa Canada. Sana dun pa lang hinarang na kami para nagawan agad namin ng paraan. Kasi may antigen testing center naman sa airports ng Canada (sa Korea wala) so pwede kaming magpa-test dun kung ayaw nila ng galing sa pharmacy.

Ilang oras na ang nakalipas, wala pa ring linaw. Hindi pa rin nila alam kung anong gagawin samin. Nakakaawa yung mga bata at yung mga magulang ng bata. Yung iba, may flight pa pa-Cebu so dalwang flights ang mami-miss nila. Sobrang perwisyo talaga. Ang worst pa, may mga kakilala yung mga kasamahan ko na napalusot kahit pharmacy lang yung antigen test nila. So hindi talaga sila consistent.
Sobrang may point yung sabi nung isa na palusutin na lang kasi nila kami at hayaan nila na Pilipinas na lang ang mamroblema samin. Kasi pagdating naman namin ng Pinas at hindi aprub sa kanila yung antigen test namin, for sure ika-quarantine lang kami. Mas okay naman yun kesa ma-stranded kami sa Korea at pabalikin ng Canada. Sana naisip man lang nila yun at i-consider lalo na at merong mga maliliit na bata. Yung isa pang bata dun ay child with special needs. Kaso wala talaga silang pake.
“Pahingi ng pahinga.” —Linya Linya
Eto yung turning point, feeling ko na-realize nilang may mali rin talaga sila. Although hindi nila in-admit, yung mga representative ng Air Canada, bigla na lang kaming sinabihan na, “Okay follow us. We’re going to the hotel.” Meron palang transit hotel sa Incheon Airport. Dun muna kami ihahabilin habang inaalam pa nila ang next na gagawin. Ang nasa isip ko pa, “Baka naman magbayad pa kami ng hotel.” Pero ang chismis, hindi raw. Pero di talaga clear. Na-sense lang ng mga kasamahan ko.

Ang instruction samin, bibigyan nila kami ng update bukas ng umaga. May available flight daw ang PAL bukas ng gabi pa-Manila. Kaya kokontakin nila ang PAL kung papayagan kaming isabay sa flight na yun. So dun muna kami magpapalipas sa hotel, tapos may breakfast na kasama. At totoo nga ang chismis na sagot nga nila. Aba’y maigi naman. Dapat lang.

Ang una kong ginawa bago ko i-update ang Mama at si Kenneth, naligo muna ako para pampa-fresh. After nun, more iyak and stress habang kausap ang Mama at nire-recall ko ang mga nangyari. Hoping sila na makakauwi ako bukas kaya aantayin nila ko. Naka-book naman sila ng hotel so may tutuluyan sila. Kaso bukas, pano na? Si Kenneth sa sobrang pagalala rin, nag-sick leave na. Hays.

10 or 11 PM ata kami pinag check-in sa hotel. Hindi naman ako halos nakatulog. Kasi pano nga kung hindi positive ang maging resulta bukas? Ano ngang gagawin ko? Wala talagang choice kundi pabalikin kami ng Canada. Tapos pagbalik namin ng Canada, anong gagawin ko? Magb-book ba ko ulit ng flight papuntang Pilipinas? Grabeng gastos nun at hindi ko alam kung kakayanin. Di ko kayang makatulog habang question mark pa ang lahat.

4AM na ko nakatulog.
Breakfast time

Ang nakalagay sa breakfast stub namin, buffet. Pagpasok namin dun sa parang restaurant, una kong nakita yung mga naka-linyang cup noodles. Sa isip ko, “Ano ‘to? Cup noodles buffet?” Hindi naman ako nag-expect pero ang nasa isip ko, may tinapay man lang. Pero paglakad namin sa medyo dulo pa, andun pala yung totoong breakfast. In fairness, naka-improve ng mood yung breakfast spread nila. Nakarami pati ako ng kain pambawi man lang sa mga nangyari.




Dun ko rin nakausap yung iba ko pang mga kasama habang nag-aagahan kami. Yung isa na solong Pinay din, 10 days lang pala sya sa Pinas. Ang saklap na nabawasan pa ng isang araw yung bakasyon nya. Tapos yung purpose ng paguwi nya ay para i-surprise yung nanay nya kasi birthday raw bukas. Hays. Tapos yung isang couple, 3 weeks lang ang bakasyon nila tapos surprise din sa mga kamaganak nila. Ako naman 1 month ang bakasyon ko. Dun ko lalo na-realize na ang daming mas worse pa yung sitwasyon compared sakin kaya kelangan ko talagang mas tapangan pa.
After mabusog, medyo nag-lighten up nga yung mood ko so dun ko pa lang na-appreciate yung ganda nung hotel.



Commercial
Medyo may comedy na pangyayari nung kausap ko ang Mama nung gabi. Sa sobrang galit nila dun sa airline na nag-deny samin, nilahat na nila. Nadamay lahat ng Koreano 😆 Kahit naman ako, ang initial reaction ko, ayoko nang bumalik sa Korea. Nakakadala. Tapos yung nakakatawa nga ay ang Mama tsaka lola ko, pati BTS dinamay! Hahaha! Sinasabihan nila yung mga army kong pinsan na wag na raw manood ng BTS 😆 Super react naman yung mga pinsan ko kasi malay daw ba ng BTS sa nangyari samin 🤣🤣🤣 Tapos si Kenneth ayaw na nya tapusin yung Business Proposal na K-drama 😆 At least nung time na yun medyo nakatawa ko kahit papano.

Waiting game
Fast forward after namin mag-breakfast, sinundo na kami ng mga Air Canada representatives. Iba na ‘to kesa dun sa kahapon na kumakausap samin. Parang mas organized sila at mas clear yung progress ng mangyayari samin. Ang dalwang options: 1. Antayin yung PAL na mag-go signal para i-accommodate kami sa flight nila mamaya pa-Manila 2. Papalabasin kami ng airport para pumunta kami sa isang testing center at i-test kami ulit para maging valid yung document namin (kaso for approval pa ‘to from the immigration peeps). So until this point, wala pa ring kasiguraduhan. Hindi pa rin kami lahat mapakali.

Ilang oras kaming naghihintay para malaman kung i-aantigen test ba nila kami or kung pumayag na ba yung PAL na isabay kami. Medyo kalmado na ang mga tao kasi may idea na kami kung ano bang hinihintay namin. Nagiging positive na lang rin sila na magiging okay ang resulta. Pero as a pessismistic person, feeling ko hindi ko sila ka-level ng kalma. Nagke-kwentuhan na lang kami at yung iba nagta-try mag joke as a coping mechanism. Sabi kasi nung isa kagabi nung dadalhin kami sa hotel, baka daw kung san kami dalhin tapos maging Squid Games ang mangyari. Haha. Nakakatulong naman somehow.

Option #1
Around 2 PM, nagka-update. Ayaw daw pumayag ng PAL. And dayaaa! Bakit yung iba pinalusot?? Few minutes after nila sabihin na ayaw samin ng PAL, nag-reply sakin yung official FB page ng PAL. Kung sino-sino na kasi ang kinontak ko sa FB at Twitter nung gabi para maliwanagan yung mga nasa Korea at paliparin na kami pa-Manila. Kaso walang nagre-reply nung time na yun. Late na kasi eh. So eto nag-reply na nga ang PAL and it seems like na pwedeng pwede naman pala talaga kaming makasakay ng eroplano.

In short, hindi pa rin ‘to ang naging sagot kasi nga ang inconsistent nila. So etong mga Korean peeps, hindi nila alam kung anong susundin. In doubt pa rin sila. So isang option na lang ang natitira. Waiting pa rin kami sa sagot ng immigration kung papalabasin kami ng airpot para makapag test. Kasi diba kelangan mo ng Korean visa or strong passport para makalabas ng Korea. Pano yung mga hindi allowed? Eh since first time daw to nangyari, natagalan yun approval. Confused rin sila.
Mga around lunch time, may na-receive akong e-mail from Air Canada na meron akong booking from Korea to Manila. PAL yung airline. So eto na yun! Ibig sabihin kaya kaming i-accommodate ng PAL kasi yung isa pa naming iniisip, kung mag negative kami lahat sa antigen test, may available seats ba for all 19 of us. So nung nakita namin na kami lahat may booking pa-Manila, isa na lang talaga ang iniintay. Na makapag antigen test kami at maka-receive ng negative result.
Option #2
Okay eto na nga. Positive ang naging response ng immigration kahit matagal. Pumayag na silang magpa-test kami sa labas. Mabuti at malapit lang naman. Mga 5-minute walk lang raw from the airport pero depende kung nasang part ka ng airport. Since nasa Terminal 1 kami, ang layo pa rin ng nilakad namin kasi malapit yung center sa Terminal 2. Okay lang naman. Ang importante nag-increase na yung chance naming makauwi to 50%. Ang tanong na lang ay positive or negative ba yung magiging result ng test namin. Sobrang nakakakaba talaga ‘tong part na ‘to.

Mahaba pa yung process bago kami na-test kasi nga lalampas kaming immigration. Tapos pagdating namin sa testing center, medyo chaotic kasi ang dami naming sabay sabay. Tapos ang lamig pa kasi 13 degrees sa labas eh yung suot namin pang-Pilipinas na. May nag-joke pa na isa na parang hindi daw kami mga taga Canada kasi ginaw na ginaw kami.


Na-test na kami. 1 hour daw malalaman yung result. Sobrang tagal nung 1 hour. Pero thankfully mga 15-20 mins after, may result na. Ang intense pa nung pag-announce ng result kasi installment. Dun sa first batch, tatlong tao lang yung binanggit tapos lahat negative. Ugh grabe talaga. Please negative rin sana akooo! Siguro pang-pito ako sa tinawag tapos negative din daw! Pinaulit ko talaga sa kanya kasi gusto kong maging sigurado. Pinakita nya sakin yung phone nya with the result so totoo nga talaga. SOBRANG SAYA KO! Sa isip ko mas masaya pa ‘to kesa nung nakapasa ko ng board exam. At ang pinaka masaya, negative kaming lahat!! Hay sobrang saya talaga nung moment na yun. At last makakauwi na kami. Pagkatapos i-print ang result, pinapunta na kami sa boarding gate namin. May nag-suggest ng group pic:

Gate 41
Ang last meal namin ay yung breakfast so nung free to roam around na kami kasi nag-aantay na lang kami ng boarding time, oras na para kumain at mag-relax. Gusto ko sanang bumili ng mga face masks or yung mga favorite kong Korean snacks kaso wala naman akong makita. Bumili na lang kami ng makakain. Dunkin Donuts yung malapit.


May 2% kaba pa rin ako kasi pano kung sa Pinas naman magka-problema. Baka busisiin yung magkaibang last names ko. Pero very minor na lang kaya naka-relax naman. Excited na excited na kong makauwi. Kaawa yung mga naghihintay sakin kasi naghanap lang sila ng matatambayan hanggang sa makarating ako. 11:30PM pa kasi yung dating ko ng Maynila. Nung pagabi raw nag-stay na lang sila ng sasakyan.


Boarding na! See you Manila! See you Mama, Tricia, Ate Beng-beng! See you family! See you Almond! See you Pagbilaoins!

At last!
Smooth naman ang process pagdating.
- Sa immigration, as in walang katanong tanong sakin.
- Sa BOQ, One Health Pass lang ang chineck at yung boarding pass.
- Naki-text ako sa isang kuya habang nakapila ako. Nag-text ako sa kapatid ko na nasa NAIA na ko.
- Tinatakan lang ng “VERIFIED” yung boarding pass.
- Nakita ko agad yung dalwang maleta ko sa baggage claim.
Inabot siguro ng mga 45 minutes total bago ako nakalabas ng airport. Medyo mahaba kasi yung pila.
At yun. 1 week na ko ngayon sa Pinas at ngayon lang ako nabakante kaya ngayon lang ako nakapagsulat. Sobrang enjoy yung first few days kahit nakakapagod. Wala ako masyadong jet lag kasi nung nasa byahe ako sinusubukan ko nang sabayan yung oras dito. Super worth it yung stress. Madami pa kaming upcoming lakad pero ngayon magpapahinga muna ako. Hanggang sa muli!

