
Di ako masyadong mapakali. Parang ang dami kong kailangan isipin pero di ko maisip kung ano. Malapit na kasi akong umalis pauwi ng Pinas. 1 week na lang. Feeling ko ang dami ko pang nalilimutan. Iniisip ko yung mga dapat kong ibilin kay Kenneth. Kanina naturuan ko na sya kung pano diligan yung mga halaman ko. At least naka-install na yung pet cam, mababantayan ko sila. Ano pa ba.
Hindi pa rin ako tapos mag-empake. May mga hinihintay pa kong pampasalubong na hindi pa nadi-deliver. Pero natapos ko na yung dine-design kong wedding invitation so wala na kong isipin. Gusto kong makapag-enjoy ng maigi with family and friends. Na-book ko na rin yung antigen test ko. Ano pa ba.

Baka di ko na lang dalhin yung mga vitamins at supplements ko. Baka maharang pa ko sa airport at akalain na kung ano yung mga yun. Tatagal pa ko baka maiwan pa ko ng eroplano. Kailangan ko din palang mag-print ng panibagong ticket kasi na-revise nanaman yung itinerary. Ano paaa.
Anyway, na-eexcite ako para sa Mommy (lola ko). Kasi pauwi rin yung mga tito ko na galing UK naman. As in nasa eroplano na sila ngayon walang kaalam-alam ang Mommy. Tapos yung kapatid ng lolo ko na nasa US umuwi rin. Ang saya. Lahat umuwi tapos nag-abot abot ng hindi sinasadya. Kaya sobrang wini-wish ko talaga na mag negative ako sa antigen test at hindi ako magkaproblema sa byahe. Grr.

Habang kung ano-anong mga bagay ang inaalala ko sa background, nililibang ko na lang ang sarili panonood ng season 2 ng Bridgerton (di ko masyadong bet). Pag hindi kasi ako tumigil kakaisip, nag-iimagine ako ng mga worst case scenarios. Tulad ng pano kung mag-positive ako day before ng flight, or hindi tanggapin yung passport ko kasi maiden name pa rin yung nakalagay, etc.
* napatigil magsulat at hindi napigilan na isipin ang mga worst case scenarios*
Parang napagod yung utak ko kakaisip. Napagod na rin akong mag-alala. Kung hindi ako makakauwi eh di hindi. Wala naman akong magagawa. Uubusin na lang namin yung mga chocolates at pagkain na pinamili ko. Ipapamigay na lang yung iba. Or magpapadala na lang kami ng balikbayan box. Magiiyak na lang ako at maiinggit sa mga pictures nila. Tatanggapin ko na lang yung mga masasayang na pera. Susubok na lang ulit ng paguwi sa susunod.
PERO PLEASE WAG NAMAN SANA!!!
Kitang kita tuloy kung gano ako ka-pessimist. Ganyan ako lagi magisip. Kakapagod. Pero nag-improve na ko sa lagay na yan. Kelangan kong maka-absorb ng konti pang optimism. Takot na takot lang kasi akong ma-disappoint.

Anywayyy. Mukang ganito ang state ng utak ko ngayon. Baka mag-stay ‘to na ganito hangga’t hindi pa ko nakakatapak ng Pilipinas. Magpapaka-busy na lang muna ako sa mga series at libro at podcasts. Almost everyday na rin akong nag-eexercise so baka makatulong din yun sa mood ko. Magiging extra malambing din muna ako sa mga kitties kasi super mamimiss ko sila. Bawal din muna kaming magaway ni Kenneth.
I will end this post in a good note by sharing our panganay’s 4th birthday celeb π»π»π»

One reply on “Ano Pa”
good luck sa pag-uwi mo!! sana walang bulilyaso at sana ma-enjoy mo ang Pinas!! π
LikeLiked by 1 person