Categories
Life

Umay sa Chill

Meron akong cubital tunnel syndrome. Joke hindi ko alam. Nag-self diagnose lang ako pero signs point to:

Sakin pain and weakness sa pinky finger radiating to my elbow. Sometimes may tingling din.

Update: Meron pala talaga as per my PT

Nangyari na ‘to sakin dati so nagpa-physiotherapy ako. Walang diagnosis kasi hindi naman sila doktor (?). Hindi ko rin alam kung tama ba na dun ako pumunta pero nawala naman yung pain at discomfort after a few days. Bumabalik balik sya minsan pero ngayon lumalala nanaman kaya magpapa-physio ulit ako. Kaso next Monday pa yung schedule ko.

Cashew commercial

Wala kasi akong magawa kaya dito na lang ako pumunta. Hindi naman sya sumasakit pag nagta-type (konti lang). Pag gumagamit ng mouse oo. Hindi sa wala akong magawa. Madami akong gustong gawin pero yung mga gusto kong gawin, nagc-cause ng pain. Kaya wala akong magawa. Yun.

Recently kasi madalas akong magsulat kasi nag-aaral nga ako ng French at mas nare-retain ko yung info pag sinusulat ko. Ngayon, isang sentence pa lang ang nasusulat ko, sumasakit na.

Nasa Day 15 pa lang yung notes ko pero Day 20 na ngayon ā˜¹ļø

Nagkaron din ako ng dalwang illustration projects nung mga nakaraang linggo kaya todo drawing ako. Ayun. Di na rin ako makapag-drawing ngayon. Ang dami ko pa namang ideas tapos super motivated pa ko these days. Hindi ko tuloy masulit yung motivated state ko. Natatakot ako na baka mawala nanaman. Tina-try ko pa rin naman maging productive. Nag-attempt akong mag-notes sa Notion pero yung sa drawing, wala talaga akong magagawa 😭

May sakit din kami ni Kenneth ngayon kaya mga 80-90% ng activity namin ay kain, tulog, nood. Puro deliveries din kami kasi wala kaming energy magluto. Kaya etong past few days super chill na nakakagigil kasi ayoko nang maging chill. Gusto ko nang gawin yung mga gagawin ko. Ayoko na lang pilitin kasi baka lalo pang pumangit ang pakiramdam ko. Gusto ko nang gumaling agad.

Walnut comforting me šŸ¤

Weekend ngayon kaya nag-aakit yung friend namin na lumabas. Tapos nag-invite din yung tito ko na mag-dinner sa kanila mamaya kasi fiesta raw dun. How sad. Maganda pa naman ang weather ngayon. At masarap magluto ang tita ko plus madami silang maghanda. Pero magpapagaling muna kami. Nga pala, 3x kaming nag-test, negative naman. Kaya baka eto ay yung usual na flu lang. Pero di na rin muna kami lalabas.

Baka eto yung sign na magbalik-loob na ko sa pagbabasa. Na-distract kasi ako ng iba kong aktibidades. Siguro ang threshold ko lang talaga ay 2 activities at a time. Pero habang may sakit ako, try ko na lang magbasa. Naaaliw kasi ako masyadong mag-doom scroll sa TikTok. Nakakataas ng dopamine. Pero alam kong hindi maganda kaya okey, lilimitahan ko na.

Lastly, birthday ng kapatid ko ngayon. Happy birthday Triciaaa! May surprise kami sayo šŸ˜‚

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s