Doing a monthly recap for the past month at nagulat ako na ang dami ko palang social activities. Sometimes our minds really like playing tricks on us kasi may mga days nung August na down ako tapos pumapasok yung negative thought na, “Feeling ko wala talaga kong kaibigan or support system.” Pero ngayong nire-review ko ang buwan na nagdaan, ang dami ko naman palang nakausap at naka-hangout both in person and virtually. Ang labo. Ang labo ng utak ko. Gusto ko lang ‘tong maging reminder sa sarili ko na hindi lahat ng pumapasok sa utak ko, kahit gano pa ka-totoo sa pakiramdam, ay totoo.
Bukod sa ang dami kong niluto today (2 dishes and 1 dessert), extra proud ako sa sarili ko dahil nag-grocery ako ng umuulan. Sobrang babaw pero ewan ko. Natuwa ako. Normally kasi, pag nakita kong umuulan, ipagpapabukas ko na lang ang paglabas. Tatamarin ako. Pero hindi ko alam kung bakit iba ngayon. Determined ako masyado na bilhin ang mga missing ingredients para sa menu of the day ko.
The word ‘creative’ has been attached to me for a very long time. It’s just a common fact that some people are more into the arts and some people are more analytical and logical. And when your family and friends and other people tag you as a ‘creative’ as well, it’s hard to separate yourself from that label.
May pinapakinggan akong podcast at minention nung guest (artist sya) yung importance of keeping a sense of wonder. Dinescribe nya yung point sa buhay nya na umay na sya sa pagka-umay everytime kelangan nyang mag-grocery or mag-car wash siguro. Yung mga menial tasks. Mga should-haves natin sa buhay.
I encountered somewhere (YT or IG) something about a mid-year review. I’ve never done this. Nung beginning of 2022, gumawa ako ng game plan at na-excite akong malaman kung nag-stick ba ko sa kanya.
May theme pala?
Nung binabasa ko yung 2022 game plan ko, meron pala kong theme. Haha nalimutan ko na. Ang theme ko raw sabi ko ay, “Be physically stronger and more focused.”
Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.
Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.
Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?
NEWS FLASH: Ngayon ko lang natanggap na pwedeng gamitin ang non-Pinoy brand tomato sauce sa mga tomato-based Filipino dishes.
Dati kasi, pag naisipan kong magluto ng afritada, o menudo, o pochero, tapos kumpleto na lahat ang ingredients except tomato sauce, at pwede naman akong bumili ng tomato sauce sa katapat naming grocery store, hindi ko pa rin itutuloy kasi foreigner yung brand ng tomato sauce nila. Ang pakiramdam ko, kailangan ko pang pumunta sa Asian store para makabili ng Pinoy brand tomato sauce, para matuloy ang balak kong lutuin.
You’re in the mood for something weird and quirky but also dark and disturbing
You’re interested in a book that examines identity and conformity. But it’s also a love story between a woman and a store.
Kung at one point in your life you felt like you didn’t belong in your inner circle (or the society as a whole) which resulted to a “need” of having to fit in
QUICK AND TAMAD SUMMARY
Keiko is a 36 year-old Tokyo resident who works in a convenience store since she was 18. Masaya naman sya at wala syang balak na mag-quit kasi sobrang kuntento sya sa trabaho nya at sa buhay nya in general. Kaso andaming echosera na sobrang judgmental kasi sa age daw nyang yon, dapat daw may asawa at anak na sya. At dapat daw makahanap na sya ng ibang trabaho kasi minamaliit nila yung trabaho ni Keiko as a convenience store worker.
I would assume you already read the book so hindi na ko magta-try ikwento, pero gusto ko lang i-highlight yung mga moments na meron akong na-feel na strong emotions while reading the book like yung sobrang natawa ako or nagulat ako. Tapos may konting personal stories kung pano ko naka-relate.
At speaking of gulat, matiwasay lang akong nagbabasa kasi sinimulan nung author yung storya na bata pa si Keiko. So na-imagine ko naglalaro sila sa park with her playmates. Cutie cute cute. Tapos may nakita silang patay na ibon. Nung pinakita nya yung dead birdie, at nai-imagine ko pa yung enthusiasm nya, sabi nya sa nanay nya, “Let’s eat it!” At dun ko na-realize na kakaiba ‘tong si Keiko at kakaiba ‘tong librong binabasa ko.