
I encountered somewhere (YT or IG) something about a mid-year review. I’ve never done this. Nung beginning of 2022, gumawa ako ng game plan at na-excite akong malaman kung nag-stick ba ko sa kanya.
May theme pala?
Nung binabasa ko yung 2022 game plan ko, meron pala kong theme. Haha nalimutan ko na. Ang theme ko raw sabi ko ay, “Be physically stronger and more focused.”

What a great reminder na i-push pa lalo. Mas madalas na kong nag-eexercise at yoga ngayon. Lagi na syang nasa isip ko kasi lagi rin akong nare-remind sa mga podcasts na pinapakinggan ko kung pano nakaka-benefit ang physical activity sa vitality at moods natin.
Pagdating naman sa focus, medyo laglag ako ng konti dahil sa TikTok. After a week siguro of spending hours on TikTok, saka ko na-recognize na napapasobra na talaga ko so tinigilan ko na. Pag napapansin kong nama-magnet nanaman ako ng pag-scroll, kina-catch ko agad ang sarili ko. Ang dami pa ng nasa to-do list ko para mag-aksaya ng madaming oras. Okay lang sana kung konting oras lang ang naaaksaya pero minsan ilang hours talaga.
SHORT HANASH: Kahapon nga ang galing ko. May chineck lang kasi ako na IG story tapos may bumulagta na headline na yung tatay daw ni Elon Musk, may anak sa step-daughter nya. Andun yung urge ko na i-Google pero sabi ko out loud, “Eh! Wala akong pakealam.” Tapos tine-test talaga ko kasi pag-close ko ng stories, biglang meron naman sa feed ko na may muka ng isang actor na hindi ko naman kilala tapos parang naging scammer sa isang island kasi super broke na raw. Na-intriga ako kung sino yung actor kasi bakit sya mapapabalita sa Buzzfeed kung hindi sya relevant. Tapos nakipaglaban ako sa isip ko na, “Hindi mo nga yan kilala!” So sabi ko, out loud ulit, “Eh! Wala akong pakealam!” Tapos ni-lock ko na yung phone ko. Self high-five!

Check!
Yung iba na sinabi kong gagawin ko, nagawa ko na. Tulad ng pag-apply ng Canadian citizenship, umuwi ng Pilipinas at mag-aral ng ibang language. Kaya very good.
Habits
Pero sabi ko rin nung start of 2022, na I will have better eating, spending, and reading habits… Okay next.
May minention din ako about being consistent with my gratitude journal. Di ko na sya ginagawa ngayon hehe. Madalas naman kasi akong nagsusulat dito so parang ang overwhelming na masyado. Tsaka napipiga minsan yung utak ko pagiisip kung anong ilalagay ko. Masaya na ko sa Happy Things series ko. Okay na yun.

Illustrator Life
Super thankful ako sa mga commissions ko so far. At parang feel ko na mas creative ako these past few months. Super stimulated ako at ang dami kong gustong gawin. Pero kelangan kong i-focus yung excitement ko dahil kung hindi, magiging kalat yung energy so magiging kalat din yung magagawa ko.

Naging hindrance lang talaga yung cubital tunnel syndrome ko. Ang tagal gumaling! I have weekly physiotherapy sessions at may improvement naman pero more than a month na ata ‘to. Hays. Basta gagawin ko ang lahat para gumaling at (hopefully) maging back to normal na ang right arm ko.
Money matters
By October, I would’ve already saved enough money to pay for all our bills for the rest of the year (rent, internet, Netflix, car payments, insurance, etc.) including birthday and Christmas gifts. Naplano ko na yan lahat nung January pa lang. Which means, lahat ng pera na papasok sa November and December, can go straight to our savings. And I plan to set that aside for our house deposit. This type of budgeting is called ‘sinking funds’ according to this financial savvy YTer. Ang saya na nadiscover ko ‘to.
Mood ring + Free therapy
Isa sa mga main struggles ko last year ay yung mood at anxiety ko. Pero sabi ko nga, ever since umuwi ako ng Pilipinas at nakasama ko ang family ko, it magically disappeared. Nagki-creep in sya minsan pero mas naha-handle ko na sya ng maayos ngayon (I would like to think). Masaya lang talaga ako sa naging progress ng mood ko. Kasi dito nakasalalay kung makakakilos ba ko ng maayos araw-araw.

At naisip ko pala na magpa-therapy as a preventative measure para hindi bumalik yung dati kong state of mind. Aalamin ko muna kung magkano at kung maco-cover ng insurance. Basta magre-research muna ako. For now, eto yung mga nakakatulong sakin:
- The Daily Stoic (both the book and the podcast)
- It’s An Adult Thing! podcast
- The Minimalists (podcast and sometimes the newsletter)
- James Clear and Spell Saab‘s newsletters
- Huberman Lab podcast din pero di na masyado ngayon

Di ako super updated sa lahat ng niri-release nila. Basta pag na-catch yung attention ko nung title, saka ko papakinggan so nagro-rotate lang ako sa mga yan. Ah tsaka pala Vivasiti ASMR pag hirap akong makatulog.

So far eto ang kalagayan ngayon.

Mukang naging maganda naman yung half ng 2022 ko. Di maiiwasan na laging may kelangan i-improve. Natuwa lang talaga ko sa idea nitong mid-year check kasi nabalikan ko yung mga nagawa ko at na-remind ako nung old self ko na umayos. Ano kayang mangyayari sa katapusan..

One reply on “Mid-Year Check 2022”
Gandang idea nito!
LikeLiked by 1 person