Categories
Hanash Insights

Bano

May pinapakinggan akong podcast at minention nung guest (artist sya) yung importance of keeping a sense of wonder. Dinescribe nya yung point sa buhay nya na umay na sya sa pagka-umay everytime kelangan nyang mag-grocery or mag-car wash siguro. Yung mga menial tasks. Mga should-haves natin sa buhay.

May point daw sa buhay nya na nag-struggle syang pairalin ang curiosity nya para mabasag yung boredom. Siguro yun ang mahirap kung masyado ka nang komportable. Masyado ka nang pamilyar sa mga bagay na nakapaligid sayo. Sabi nya nainggit sya dun sa father-in-law nya nung pumunta sila sa isang grocery store, kasi kung ano-ano raw tinuturo na hindi naman special, “Look at this!” “Look at that!”

Tapos naisip ko na may term kami sa probinsya namin dun sa “sense of wonder” na binabanggit nya: bano /ba-nó/. Pag tinawag kang bano, hindi ka dapat matuwa. Kasi insulto yun (pinagusapan na namin ni Nick dati yung mga bano moments namin dito, tawa lang kami ng tawa). Hindi ko alam kung iba ang meaning nya sa ibang lugar pero samin, yun yung meaning. Pagtatawanan ka sa kabano-an mo. Kasi natatanga ka at hindi mo alam ang gagawin.

Sobrang dami kong experience ng pagka-bano. Tulad nung first time kong sumakay ng MRT, first time kong mag-order sa Starbucks, first time kong mag-grocery dito sa Canada kasi ang lalaki ng gulay, sobrang dami. At na-realize ko na eto yung hinahanap nung artist. Yung pagiging bano. Naisip ko na hindi pala sya insulto. Dahil ibig sabihin lang nun, hindi ka bored sa buhay. Kaya mong humanap ng amazement sa mga bagay na sa ibang tao ay ordinaryo lang.

Ang mahirap pag masyado ka nang nasa comfort zone mo, wala kang chance mabano. Usually kasi yung bano moments, nangyayari sya sa mga first time encounters. I think yun yung challenge. Na hanapin yung wonder sa mga sitwasyon o bagay na sanay ka na. Siguro ang gusto nyang sabihin ay hindi mo kailangang pumunta sa ibang lugar o maka-witness ng something na totally kakaiba para mahanap yung sense of wonder sa everyday life mo.

Yung struggle ng artist na minention ko kanina, naisip ko na hindi pa naman ako ganun sa ngayon. Sobrang layo ko pa dun. Lalo ngayon na nasa ibang lugar kami. For sure madami pa kong bano moments na naka-lineup.

Masyado rin pati akong curious para ma-bore. Madami pa kong gustong subukan (na pwede ring maging problema pero ibang topic na yun). At madali rin akong mabano—sensitive ang bano receptors ko. May makita lang akong ibon sa labas o may malalaking ulap, mapapatigil ako agad. Pero in case na dumating ako sa point of umay, may idea na ko kung anong pwedeng gawin. Baka kailangan ko lang ng shift sa perspective para mabano ulit.

Advertisement

2 replies on “Bano”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s