Umagang umaga, may nagpapa-bad mood sakin. Pinipilit kong wag dibdibin ang mga comments kasi wala naman silang kwenta sakin. Pero eto, affected ako. May internal struggle. Nangingibabaw ang ego. Naglalaban yung feelings at rational thinking ko. So dinadaan ko sa pagsusulat. Baka makatulong.
Pero parang nakatulong na nga. Kasi ang una kong gustong isulat ay “TANGINA NYO!” Pero napatigil ako. Napaisip ako na, “Gusto ko ba talagang simulan ‘tong blog na ‘to ng nagmumura?” Parang hindi.
Sabi sa podcast na napakinggan ko, mahirap kontrolin ang thoughts with thoughts. Kaya may kailangan kang gawin with your body. So eto, gumagalaw ang mga daliri ko. Mamaya kakain na ko kasi 11:31AM na pala. Tapos maliligo. Mamaya lalabas kami. Madami kaming gagawin mamaya na masaya. Dun na lang ako magfo-focus. Masyado ako ngayong hyper focused sa toxicity. NEED. TO. REFOCUS.
Sa mga tao na bastos ang bunganga: Nanalo kayo ngayon. Pero sa susunod… baka manalo kayo ulit 😅 Pero okay lang. Ganun talaga. Sabi ko nga nung June 6, 2020, di naman pwedeng laging masaya.