
Bukod sa ang dami kong niluto today (2 dishes and 1 dessert), extra proud ako sa sarili ko dahil nag-grocery ako ng umuulan. Sobrang babaw pero ewan ko. Natuwa ako. Normally kasi, pag nakita kong umuulan, ipagpapabukas ko na lang ang paglabas. Tatamarin ako. Pero hindi ko alam kung bakit iba ngayon. Determined ako masyado na bilhin ang mga missing ingredients para sa menu of the day ko.

So sinuot ko ang waterproof jacket, kinuha ang eco bag, at naglakad papunta sa grocery store. Hindi ko rin alam kung bakit, pero hindi uso ang payong dito. Kaya jacket ang suot ko—na bigay pa ng tita ko nung bagong bago pa kami dito kasi never ko maiisip na bumili ng waterproof jacket. Yun pala yun. May nakita naman ako dati na nagpapayong dito pero sobrang sobrang rare.

Kaya din siguro ako nagka-extra push kasi 3 years ago na binigay sakin ng tita ko yung jacket, pero ngayon ko lang sya nagamit. So yun. Natuwa lang ako sa experience.





Bago mag-grocery, may Life Coach with Saab event para sa mga podtrons and nag-join ako for the first time. Medyo maaga sya, 7AM. So gumising ako ng 6AM kasi gusto kong maligo before mag-start, para lang feeling refreshed since medyo seryoso ang topic.
Again, naging proud din ako sa sarili ko kasi nag-ask ako ng question kay Saab. Kung yung dating Gleniz, wala. Baka tamang listener lang ako. Off yung cam. At baka nga hindi pa ko makipag-interact sa chat.

Pero na-feel ko kaninang umaga na umakyat pala ng isang level yung confidence ko. Sa isip ko, may gusto akong itanong eh, kung okay lang naman magtanong, bakit hindi ko itatanong? So yun. Kahit extra kabado kasi si Saab yung kausap ko, I went ahead. And super buti na lang tinanong ko kasi yung sinagot nya, yun yung naging main takeaway ko dun sa session which is: “Persistence is key.”
Medyo nag-introspect ako kung bakit nagiiba na yung mga moves ko. San ko napulot ang new found confidence? Una kong naisip, baka tumatanda na lang talaga ko at nawawalan na ng pakealam sa mga bagay-bagay. Or siguro dahil nung nagde-daily French classes ako, nasanay akong mag speak up (kasi wala naman kaming choice) at baka yun yung reason bakit naging extra comfortable akong makipag interact. Plus yung teachers, gusto nila na naka-on yung cam ng students which is understandable para ma-feel naman nilang may kausap sila. Kaya nung napansin ko na konti lang yung naka turn on yung cam, nag-on na rin ako.
So yun ang theories ko at yun ang little wins ko for today 🤍
