It’s mah birthday! Actually kahapon ko pa talaga birthday kasi mas advance ang oras sa Pinas and since sa Pinas ako pinanganak, kahapon ko pa birthday. Pero anywayzzz. It’s mah birthday! Ang aga ko nagising. 6:30AM pa lang dito. Busy ako mamaya pagluluto ng baby back ribs. Di ako sure kung nabanggit ko na pero meron kaming birthday cook off ni Kenneth π Sya ang nagluto nung birthday nya (Dec 1) tapos ako ngayon (Dec 15). Pero wala din naman kwenta kasi kami lang yung taste testers. Haha. For sure sasabihin nya na sa kanya yung mas masarap tapos ako syempre yung sakin. Bawal pa din kasi tumanggap ng bisita dahil pa rin sa COVID. Hanggang New Year na ata ganito.
Pero excited pa rin ako kasi simula nung dumating kaming Canada, ngayon lang kami nag-effort maghanda sa birthdays namin. Ang pinaka-excited ako is yung pagluluto ko ng baby back ribs. Yun yung main course. First time kong magluluto ng ganito kaya sana masarap. Sana masarap! Tapos ko na lutuin yung mga side dishes kahapon para hindi ako masyadong haggard ngayon. Tapos mamaya ipipick-up ni Kenneth yung ube macapuno cake dun sa bakeshop. Ngayon na lang ulit ako makakatikim nung masarap na cake na yon π
Okay magbabasa na muna ako. Normal morning routine. Pero baka hindi ko mapigilan i-check phone ko para makita kung sino nang mga bumati hehe. Ay, nag-advance celebration nga pala sila sa Pinas. Kakainggit yung handa ko pero hindi ako nakatikim huhu. Eto yung mga pics nila.
Amishuuuuu
Update: Nagbasa na ko ng mga bumati sakin. Kakatuwa yung mga nag-private message at nag-post sa wall ko ng throwback pic namin. Haha. May napansin pala ko na bagong pag-greet. Diba nauso dati yung HBD. Tapos ngayon merong MBTC. Kala ko kung ano. Para kasing MTRCB. Tapos after a few seconds na-gets ko na, ‘more birthdays to come pala’. Haha daming alam.
Unti unti nang nagiging masaya ulit ang December. Nabanggit ko noon na sinira ng Canada ang December, my favorite month of all time. Favorite month kasi nga, birthday month namin ni Kenneth tapos feel na feel mo sa paligid yung festive mood sa Pinas. Tapos eto din yung time na uuwi kami ng probinsya from Manila (kung san kami nagw-work noon) para mag-celebrate ng Pasko at New Year with family and friends. Kaya ang saya saya talaga ng December. Pero yun nga. Pagdating namin dito, parang ang bitin at ang pilit nung saya.
Road test ko na next week sana makapasa akoooo. Since September, almost every week akong nagd-driving lessons. Magastos pero kelangan ko talaga kasi hindi ako natutong mag-drive sa Pinas. So sana makapasa talaga ako para no more additional gastos.
Pero kung hindi man ako makapasa, masaya pa din kasi marunong na talaga kong mag-drive! As in nakakaliko na ko, nakakapag-drive na ko sa highways, marunong na kong magpark with little assistance. Tinuruan din akong mag-parallel park pero more practice pa. Yun. Malalaman sa Nov 12 kung pasado ba ko.
Balita naman sa aking digital minimalism journey (complete review here), so far okay talaga ko. Hindi ako super nahihirapan mag-adjust. Nafi-feel ko yung JOMO (joy of missing out). Pag nahahapyawan ko yung red notifications, hindi ako nate-tempt i-check. Super konting temptation lang kasi out of habit pero kayang kaya. Hindi ako naaatat makita.
Too early to celebrate kasi 2 weeks pa lang pero in fairnezzz
And na-practice ko din yung sinabi dun sa book na mag-set ng schedule on when to use social media and almost 100% ko syang nasusunod. Nagka-deviation lang nung in-upload ko yung vlog ko kasi nag-post ako about it sa IG pero after kong i-post, hindi ko na tinignan kung may nag-like ba, sino na bang nakakita, etc. Ang layo ko na talaga sa mga dati kong gawi.
And since may sched na nga ako ng paggamit ko ng social media, sched ko ngayon na mag-check ng Messenger (every Friday PM and Sat AM) plus tawagan ang family ko. Ang Kuya, as always, mas nauuna syang tumawag pero after namin mag-usap, tinawagan ko si Tricia at Ate Beng2. Ang saya lang. Sarap makipagusap sa kanila ng hindi sa chat lang.
Bukas naman ng umaga ay time for my friends. Sasabihan ko ang isa sa kanila, kung sino mang available, na tumawag sakin. Kasi unlike family, nakakahiya na bigla na lang akong tumawag kasi baka busy sila. At least kung sila ang patawagin ko, ibig sabihin non available na talaga sila.
And kaya tawag kasi na-convince ako nung book (Digital Minimalism) na conversations (through calls, video calls, face to face) are better than connection (liking someone’s photo, short comments na same lang ng comments ng iba and chatting). So I will almost eliminate chatting and will stick to calling. I will also refrain from liking, commenting and reacting. And I believe it’s great advice.
I know, kung ako yung old self ko, iisipin ko, “Hassle. Bakit di na lang chat??” Eh sakin mas better na ang calls eh. Kung ayaw mo kong kausap eh di wag. Kung gusto mo kong kausap, magtawagan tayo. And yun na din yung point. Mas may effort ang conversations. It will show kung sino ba sa friends mo ang magbibigay ng effort na mag-make ng time and makipag-usap sayo. And yung nakalagay naman sa sched ko, at least once a month lang. It’s not as if every other day magta-try akong makipagtawagan. Sa families ko naman at least twice a month.
Kaya sobrang na-appreciate ko ngayon ang Kuya. Kasi ang Kuya, almost everyday yun tumatawag. Ngayon ko lang na-realize, nakaka-flatter na yung free time nya sa umaga, na pag tulog pa yung mag-iina nya, ako yung pinipili nyang kausap. Love you Kuya!! And si Tricia din, yung bunso naming kapatid, siguro mga 3-4x a month sya tumatawag and almost never ako yung nag-initiate sa mga tawag na ‘yon. Kaya kanina, ako naman yung nag-start. At kasama na din dun ang Mama, Papa at si Kim kasi magkakasama naman sila sa bahay. Saya lang sa feeling. This digital minimalism is working so well for me.
Random Pics:
Si Kenneth lang umubos πEto naman sakin. Masarap naman pero nagsisi ako. Natakam lang ako.Ooohh fancySarap. Pero di ko sinunod recipe. Nag-dagdag ako ng asukal para sumarap.
Gumawa ako ng siomai pero hindi maganda yung wrapper na nabili ko. Masarap pa din naman.
Inayos ko yung website ko at yung listings ko sa Etsy shop ko
Since hindi ako ganun natuwa sa siomai, umorder ako ng takoyaki at maki
Masinsinan heart to heart with Kenneth kasi down nanaman yung pakiramdam ko ngayon
Ka-video call ko ang kuya kanina tapos napagkwentuhan namin ang Daddy nung buhay pa sya. Death anniversary ng Daddy sa July 14. Halos araw-araw kaming magkausap ng kuya at masaya ako na lagi pa din kaming nakakapagusap kahit magkakalayo kami.
Kachat ko din si Tricia nung umaga at na-share ko din sa kanya kung bakit ako down. Thanks Triciaba!
Umorder ako sa Amazon ng Neutrogena moisturizer and grippy socks
At nag-workout nga pala ako kaninang umaga. Pang 3rd consecutive day na ngayon.
Natatakot ako na baka masyado akong matuwa dito tapos malungkot nanaman ako pagbalik sa Canada. Ang saya kasi kahit nakakapagod. Ang hindi ko lang masyadong gusto, mananaba ako dito sa dami ng kainan. Pero naisip ko, baka kaya super saya ng pagbalik ko kasi nga matagal akong hindi nakita so ang bait sakin ng Mama at Papa, pag may gusto akong kainin pinagbibigyan ako lagi, tapos ang sarap sarap ng buhay ko dito sa bahay. Sobrang luwag pati nila sakin sa curfew. Pero siguro kung permanent ako dito, hindi naman sila magiging ganun. Ano ako sineswerte. Haha.
My pasalubongs
First time to see snow on a plane window
So pagdating kong NAIA paglabas ng immigration, nakita ko na agad ang Papa. Tapos sinalubong ako ng Papa tapos nag-hug kami. Feel na feel ko nga ang love nung paguwi ko kasi puro hugs. Tapos ang Mama nakasunod sa likod ng Papa, naiiyak. Haha.
Love you Mama and Papa!!!
Nag-overnight kami sa BGC kasi late na ko nakadating, mga 11PM. So bukas, magiikot lang kami sa SM Aura kasi sabi ko magsh-shopping ako. Hindi kasi ako masyadong namimili ng damit sa Canada kasi mahal na, pangit pa ng designs. Napa OA yung pagsh-shopping ko kasi halos hindi ko na tinitingnan yung price tag. Basta pag gusto ko, yun na ang bibilhin ko. Medyo Ariana Grande ang theme ko non, “I see it, I like it, I want it, I got it.” Eh di ang ending, ubos agad ang baon ko. Feeling ko kasi non ang dami kong pera. First day pa lang ubos agad.
Feeling ko sobrang nakukuriputan sakin mga kaibigan ko at kapamilya ko. Hindi kasi ako nanlilibre. Haha eh kasi nga naubos na agad sa damit. Tsaka sa dami ng taong kinikita ko, kung libre ko lahat bawat labas namin, aba wala na talagang matitira sakin. Baka ma-trauma na kong umuwi. Selected days lang yung nanlibre ako. Syempre ang Mama at Papa nung first day tapos si Bogs and friends nung lumuwas ulit akong Maynila para puntahan si Tricia. Lagi kasi akong nililibre ni Bogs, never ko pa sya nalibre kaya talagang naka-set ang isip ko na ililibre ko sya. Nilibre ko din pala yung former officemates ko pero milk tea lang naman yun kaya medyo kaya pa. Tapos ngayon naman magde-date kami ng Mommy (lola) sa Mesa, libre ko ang Mommy syempre. Aba nung isang araw ba naman, dumaan dito sa bahay may dalang ang pao. Pabirthday at papasko daw nya sakin. Tapos pagka-abot, buksan ko na daw. Nagulat ako, 10k ang laman! Eh eh nakapa-generous talaga ng Mommy. Kaso hindi talaga ako nagmana sa pagkagalante nya. Buti na lang din.
Nung shopping day sa Aura, umuwi din kami agad tapos dumiretso kami agad sa mga Mommy. Naghihintay na sila (mga tita at pinsan ko). May funny back story pala sa paguwi ko. Hindi alam ng mga tita at pinsan ko na uuwi ako. Pero na-sense nila na may uuwi. Hindi sila mapakali kung sino. Chinat ako nung isa kong tita, si Ate Beng2, na parang hinuhuli ako. Kasi ang-nasense nilang uuwi is yung tito ko (Kuya Jon2) na kasama namin sa Canada. Ang bungad na chat sakin ni Ate Beng2, “Anong oras ang flight ni Kuya Jon2?” So naisip ko, hindi nila alam na ako yung uuwi so sinakyan ko lang. Sabi ko, “Pano mo nalaman?”. Eh di tuwang tuwa si Ate Beng2 kasi “tama” yung hula nila. Sabi pa sakin, “Wag mong sasabihin sa Mama mo na alam ko nang uuwi si Kuya Jon2.” Wag ko din daw sasabihin sa Kuya Jon2. Tawang tawa ako ay. Hindi alam ay sya ang pinapasakay. Sa kwento ng Mama, as in hindi daw sila mapakali sa panghuhula kung sinong uuwi. Eh tapos nung kasama ko na ang Mama, nag-selfie kaming tatlo ng Papa tapos sinend agad sa family group chat namin. Di gulat yung mga tita ko. Haha naisahan ko daw sila. Kaya daw pala hindi na ko sumasagot sa tawag kasi nakasakay na kong eroplano. So paguwi naming Pagbilao (probinsya namin), ayun iyak na iyak ang Mommy kahit alam naman nyang pauwi nga ako. Tapos yung mga pinsan kong dalaginding na, talon ng talon. Ang sarap ng ulam. Sobrang lambot na sinigang na baboy tsaka may biniklad din.
Kinabukasan, naiyak ako. Parang tanga yung reason. Pag bangon ko kasi kakain na daw, ang ulam ay biniklad tapos may hotdog. Sabi ko, “Tender Juicy ito??” Tuwang tuwa ako na napapatawa tapos maya maya, napapaluha na ako! Tawang tawa sa akin ang Mama at Papa. Di ko din inexpect na maiiyak ako sa Tender Juicy. Araw araw ang sarap ng pagkain. Kaya inaalalayan ko pagkain ko kasi talagang mananaba ako. Pero minsan hindi mapigilan pag talagang miss ko yung pagkain. First time ko ulit makita yung kapatid ko na si Kim. May pasok kasi sya kagabi. Natutuwa naman ako at lagi nyang gamit yung pasalubong ko na bluetooth earbuds. Laging nakasabit sa leeg nya. Ang itinerary ko naman nung day na to:
Samahan sa checkup ang Mama
Visit Kuya and family (first time kong makikita yung pamangkin ko na si baby Gustavio!)
Visit my in-laws, Mommy Glo and Daddy Saldi (kaso hindi natuloy kasi nagpacheckup din si Daddy tapos late na nakauwi)
Tuwang tuwa yung isa kong pamangkin na si Gillian pati ang Kuya at si Xantel. Eto pala yung isang pampasira ng uwi ko: jet lag. Nakakainis lagi akong inaantok. Pampasira eh. Pero ngayon parang naka-adjust na ko. Pero ang aga ko nanaman nagising ngayon (4AM) kaya naisip ko munang magpost dito bago ko pa malimutan ang mga nangyari. After namin sa Kuya, kumain naman kaming Buddy’s. Ang sarap nanaman! Iba talaga ang dating ng pizza nila tapos ang order ako ay yung porkchop steak nila. Ugghhh sarap!!
Thursday, third day. Itinerary:
Visit Almond (our cat)
Ninang Rachel’s dinner treat
Visit my in-laws (this time natuloy na)
Hays nakakamiss si Almond. Tapos ang lambig lambing nya. Gusto ko na syang isama pabalik ng Canada. Tanda nya pa kayo ako? Pero nagpapalambing sya sakin. Sana tanda nya pa ko. Tapos nag-video call ako kay Kenneth para makita nya din si Almond. Ang bitin nga ng dalaw ko kay Almond kasi ang Papa ang kasama ko. Mainipin kasi yun. Nagiwan lang ako ng chocolate para kay Yulo kasi alagang alaga niya si Almond simula nung umalis si Arien pa-UK. I’m gonna miss you Almond!
Ang sarap nanaman ng food nung nag-dinner kami ng Ninang ko. Ang sarap nung salads, nachos, wings, etc. After non diretso kami kina manugang. Mga 11PM na kami nakauwi kasi ang dami ding kwentuhan. Tapos pinanood namin ulit yung performance ni Marcelito sa Youtube.
Friday itinerary:
Visit Tricia in Manila. Sister bonding π
Meetup with former officemates
Meetup with Bogs and Nick
Kala ko ang dami kong mapapamili kasi yun din yung isa kong purpose bakit ako lumuwas ng Maynila. Kaso parang nagipit sa oras kasi nagpabalik balik kami sa Makati at BGC para i-meet yung mga imi-meet ko. Na-try ko yung mga mukang masasarap na nakikita ko sa IG feed ko kaso disappointing.
Tapos sobrang daming chika with the officemates. Nakakamiss din talaga. Bitin yung usap. Pero happy na nakakwentuhan ko ulit sila. Medyo rated X yung mga kwentuhan kaya na-bother ako na medyo nakikinig ng kapatid ko. Sa Canada naman may mga Pinoy din, pero wala silang kachismis chismis sa katawan. Extremes yung difference. Kung sa Pinas chismis ang bumubuhay sa everyday office work, sa Canada naman work work work bahay lang. Kaya din siguro gusto ko na lang maging freelancer kasi ganun din naman. Parang mas mag-eenjoy pa kong sa bahay na lang. Wala ka pang boss.
Ang bitin din ng meeting with Bogs. Parang di kami halos nakapagkwentuhan. Nag-dinner lang talaga tapos konting usap. Kasama ni Benjo (asawa ni Bogs) yung kapatid nya na halos ka-age ni Tricia. So niloloko namin yung dalwa. Nakipagkita din si Nick kasi pauwi din sya ng Lucena. As usual super nakakamiss si Nick kahit ang dalas naman namin magusap dahil sa podcast. Plano naming gumawa ng episode na magkasama na kami kaso nasa 2nd week na ko ng stay ko, hindi kami makakuha ng time kasi nasa Maynila sya ng weekdays. Baka this weekend umuwi sya para lang makapagrecord kami. Ang boring naman kasi kung wala man lang kaming episode na magkasama. Hindi pati ako mahihirapan mag-edit kasi walang delay.
Ang mahal palang magpa-drive sa Manila. Bukod sa bayad sa driver, syempre kelangan mo din syang bigyan ng pangkain, tapos bayad pa sa toll and gas and parking. Eh ayaw ni Kenneth mag-commute ako (holdapan incident) kaya magpa-drive daw ako. So yung baon ko, lalong lumiit. Eh mamimili pa ko ng mga medyas namin at boxers ni Kenneth. Kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan stressed ang Mama sa mga bayarin. So nung day na to, mga 1AM na ata kami nakauwing Pagbilao. Puyat nanaman. Kahit puyat at pagod, ang hirap pa din matulog. Medyo maingay kasi dito sa bahay tapos ang aga din nilang nagigising. Ang Papa parang 4AM gising na para mag-jogging. Tapos ang Mama may pasok ng 8AM kaya nagpprepare na ng mga 6AM. Hays kelan kaya makakabawi ng tulog.
Saturday. Eto yung isa sa mga eventful na day. Eventful naman lahat pero yung imi-meet ko kasi nung day na to, hindi ko nakausap ng 6 months. Nagaway kasi kami and ang naging resulta, hindi na kami nagusap. Pero bago mangyari yun, birthday bash muna ng Papa. Eto talaga ang reason bakit ako umuwi. Nag-sponsor ang Papa ng kalahati ng ticket ko kaya din ako nakauwi. Iyak ako ng iyak nung day na nakausap ko ang Papa tapos nagtatatalon ako. Few days after namin magusap, binook ko na agad yung ticket. Ang saya ko talaga non na makakauwi ako. Nung pumutok yung balita ng Taal (pun medyo intended) at Corona virus, hindi nag-fade yung saya ko sa paguwi. Looking forward pa din talaga ako. So birthday ng Papa and at the same time, retirement day. Kaya extra special and gusto nyang kumpleto kami. I love you Papa and Mama!
So after ng birthday bop, nag-meet na kami agad ni Nick para pumunta sa meeting place. Si Nick na common friend namin, may plano nga kaming pagbatiin ni Xali. To cut the story short, nagbati na kami. Awkward nung una kasi hindi kami nagsasalita sa isa’t isa directly. Si Nick yung super trying his best na pagusapin kami. Tapos sya yung naiiyak, tapos napansin ko parang nagte-tremors na yung pisngi nya. Kinakabahan din kasi sya. Haha. Tapos ramdam naming hirap na hirap na sya. Pero eventually nagusap na din kami kasi ang usapan, move on na lang. Hindi na namin pinagusapan yung details kasi naisip naming magaaway lang pag binalikan pa. Hindi ko alam kung awkward sa kanya pero sakin nung medyo tumagal-tagal na, parang hindi na awkwardness yung nafi-feel ko. Parang medyo shy type na nacoconscious kasi nga ang tagal naming walang communication. Parang hindi awkward para sakin kasi kilala ko naman sya eh tapos feeling ko ang daming stories na dapat naming pagkwentuhan especially yung situation ni Dale (another common friend). At the same time, pinapakiramdaman ko kung okay na ba talaga sya or may something pa kasi sakin wala na. Pero since hindi ko naman ma-figure out, iniisip ko na lang na sana nga okay na talaga. Kung 15 years kami ni Nick magkaibigan, kami almost 18 years. And masaya na magkaron ng kaibigan na ganun katagal.
After magka-ayos, videoke na with the other close friends. Of course namiss kong mag-videoke kasama sila. Sa Canada walang ganun. Boring talaga. Tapos first time kong mag-inom ulit ng hard. After videoke, kain sa tapsihan tapos nag beach trip kami. Dun namin tinuloy yung inuman. Dumaan pa pala kaming 7-11 before sa beach tapos kumuha ako ng TJ hotdog tapos di ko binayaran. Tawang tawa sakin si Nick. Hindi sya maka-move on. Nakatulog na ko sa beach, hindi na din ako masyadong nag-inom. Mga 5AM na ko nakauwi ng bahay. Puyat nanaman!
Sunday, kainan ulit. Since sabi ko sa Papa na seafood ang pinaka namimiss kong kainan, nagset sya ng lunch sa Ancent Seafood Restaurant. Para syang seafood paluto. Sobrang daming seafood! Nakakaconscious kumain at nananaba na nga ako. Lahat napapansin na tumaba ako. Ok lang kasi at least nagiging conscious akong lumamon.
After busog lusog lunch, dinner naman sa Gerry’s Grill with Kenneth’s side of the family. Ang sarap na naman! Namiss ko yung shanghai nila at adobo flakes. Basta Pinoy food okay na okay sakin. After dinner inakit ko ang F Buddies (Nick, Bong, Xali) na lumabas kasi hindi kami masyadong nakapag bonding na kaming apat lang. Nag tsaa kape lang kami sa Anneville (kung san naiwan ko yung phone ko) tapos nung magsasara na yung Anneville, lumipat kaming Cafe Jungle. Eh since 10PM na and kina Kenneth ako matutulog, nakakahiya naman na gabihin ako masyado kasi mapupuyat sila pag-aantay sakin, tapos si Nick eh kailangan na din lumuwas ng Maynila, nag-decide na din kaming maguwian na. Nakakatawa lang lagi pag topic si Mamshie of the decade. Very controversial kasi kaya between sa aming apat lang nao-open yung topic. Pagkauwi ko nagchat lang ako kay Xali na “Happy ako na ok na tayo ulit.” Parang yun na yung closure. Feeling ko kasi may kulay nung nagkita kami tapos biglang usap na lang na as if walang nangyare. So feeling ko kelangan ko syang i-verbalize. Happy din daw sya. Sana naman wag na kaming mag-away. Sabi nga ni Gel matatanda na kami. Tama nga naman.
Yes malapit na kong matapos. Ang next day na idodocument ko is nangyare kahapon, Monday. Grabe ang sarap ng tulog ko kila Kenneth. Ang tahimik kase dun tapos solo ako sa kama. Walang disturbance. Kung hindi pa ako ginising ni Mommy Glo hindi pa ko babangon. Since naiwan ko nga yung phone ko sa Anneville, kelangan namin syang balikan pagkabukas na pagkabukas. Buti naman at mabait yung nakapulot. Gusto ko sanang bigyan ng chocolate kaso wala naman akong dala. Nung kinagabihan kinokondisyon ko na yung sarili ko na wala na akong phone. Na gagamitin ko na lang yung extra phone ni Kenneth. Pero buti na lang napabalik. Umuwi na din akong Pagbilao after lunch. Meron naman kaming spa date ng Mama sa hapon pagkabalik nya ng office. Nakatulog na naman ako habang finu-foot spa ako (natawa ako nung tina-type ko yung finu-foot spa). Umuwi na din kami immediately after. Nood lang ng konting TV tapos natulog na din kami ng Mama. Magkatabi kami matulog kasi yung kwarto ko, ang Papa na ang nag-occupy. Hindi sila magkatabi natutulog kasi malakas daw humilik ang Papa hindi makatulog ang Mama. Dati nga nung kumpleto pa kami dito sa bahay, sa salas natutulog ang Papa. Nasa-sad nga ako nung una pero nasanay na din ako. Pero ayaw kong mangyari yun samin ni Kenneth. Dapat lagi kaming tabi.
And today is another day! Itinerary:
Visit Daddy huhuhu
Date with my lola plus my K-pop fanatic cousin
Parang yun lang
Medyo chill yung day na to kasi nga ang hectic nung mga nakaraang days. Updated si Kenneth sa happenings kasi almost everyday kaming nagvi-videocall. Nakakatawa nung isang gabi kasi nagkkwento ako about sa pagbabati namin ni Xali tapos biglang masisingitan ko ng “granola bars” at “Japan”. Nananaginip ako habang nagkkwento akong nakamulat. Hahaha. Eh pinipilit kong tapusin yung kwento ko kasi fresh pa. Baka may malimutan pa ko. Miss ko na ang kitty cats. For sure miss na miss na ko ni Walnut. Si Cashew kase very walang pake lang. Super rare maglambing.
Nung rare moments na wala akong magawa sa bahay, pumunta ko sa luma kong kwarto. Naghalungkat lang ako ng kung ano-ano. Tapos nakita ko yung wallet ko nung highschool. Ang dami kong nakitang memorabilias. Nakakatawa yung nakita kong papel na nakatupi tapos pag-open ko, song composition ko nung teenage phase ko. Ang cringy eh. Pero ang galing talaga ng sound/music association. Kasi siguro 10 years ko na yung hindi nakikita pero nung binasa ko, alam ko pa din yung tono nung ginawa kong kanta. Nakita ko din yung mga luma kong drawings. Kung pinagpatuloy ko lang yun super galing ko na siguro ngayon.
Okay! Tapos na ang pagre-recall. Feeling ko may di pa ko naisama pero eto yung mga highlights. 8 more days ang makakapiling ko na ulit si Kenneth and kitty cats. Excited nanaman ako! Sana hindi i-ban ng Canada ang mga taong nagtravel from Asian countries. Pota wag naman huhuhu.
Dumating na yung pinakahihintay kong January 2. Pero nung December 31 pa lang, I feel so much better already. Nung tinitingnan ko yung mga New Year photos especially ng mga kapamilya ko, ang saya ko for them. Kita kong nageenjoy sila. May konting sadness kase syempre mas ok na nandun ako; pero walang bitterness. Unlike nung Pasko. Pero nung New Year ang light sa feeling tapos natutuwa akong tingnan yung mga pics ng mga tao. I’m so happy na na-reach ko na din yung state of mind ko na to. Sana wala nang balikan.
Siguro ang isa pa, pag talagang may mga bagay na nillook forward ka, it gives you a purpose. Hindi naman yung tipong very deep na purpose in life. A purpose to go on. Move on. It refrains myself from thinking unnecessary and unhealthy thoughts. So eto yung mga bagay na nillook forward ko as of the moment:
Book club discussion tomorrow. This will be our 4th book discussion and even though hindi consistent yung mga participants, I’m glad that this is still going on. I think I’ll just have to brainstorm to make it more interesting for them I guess? Because I notice in every book discussion, it involves a different set of people. Wala yung consistent na joiner talaga. But at the same time, I think it’s not my job to actually keep them engaged. Kung talagang trip nila tong trip ko, hindi ko na sila kelangan pilitin or laging i-remind. They will just join kase gusto nila. So I’ll just leave it at that. I’m still glad that the book club inspired a lot of people to read again and rekindle their relationship with books.
New podcast episode. It’s a New Year episode obviously. Medyo seryoso yung pinagusapan namin kahapon so looking forward akong i-edit yung recording. Hindi kami vocal ni Nick in terms of how valuable our friendship is, but I really want to thank him for still being virtually present in my life kahit malayo na ako. I think it’s more tricky to maintain connection if it’s a guy friend kasi hindi naman sila madaldal and ma-chat. This podcast acted as a bridge between us two and actually brought us closer. So good luck Nick! I hope your wish will come true on March.
Philippines. I will visit our home country a month from now. Super excited and nawala na yung stress ko about the pasalubong nonsense. I’m putting too much pressure on myself. And I want to thank Aryan for lending her ears (pero eyes talaga kase sa chat). Nawala yung weight ng worries ko after talking to her. I have resigned to the fact that I can’t do anything about what my folks will say if I can’t give them mega pasalubong and all that shit. I will just be comfortable in the fact that this is the reality. The reality being: we’re broke. Broke in the sense that we can’t afford to buy expensive pasalubong for everyone the same way as my uncles used to give us pasalubong when they visit PH before until now. So I’ll just let it be.
I’m looking forward for my friends’ milestones in life as well. Aryen’s exam result (I’m sure she’ll pass), Gel’s wedding this year, Aryan and Hudas’ reunion, Bogs’ health and future baby, Dany having a new baby soon, Benson’s mansion and Dale’s plan to go to Canada.
More years with Kenneth. In the past few months, I notice a change in our dynamic. We are getting along better than ever. I believe it started after my surgery. Sobrang amazing nung recovery period ko kasi never kaming nag-away. Walang inisan, hindi ako naiirita sa kanya, hindi sya badtrip. Basta parang magic. Kelangan ko pa palang ma-operahan para ma-reach namin yung ganun. So when that happened, I noticed it right away. I didn’t want to say anything to him for fear of jinxing it. And I said to myself that we have to maintain this momentum. On my part, I know what I have to do. I have to have more patience and I have to control my temper. So that I did. There are times where I can’t help it but at least I’m watching myself now.
I have to prepare my sticker orders now but I’m also looking forward to my career. It’s still murky and uncertain but I’m excited. As I’ve said on our podcast, my theme for this year and the years to come is discipline. Several times, I find myself mindlessly scrolling through Instagram, watching Youtube videos non-stop, and I just really have to stop. So discipline. And self-control. Less overthinking. More value.
Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.
Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
Snowflakes π
Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
Β Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
Sayang saya sya sa steak nya
After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.
More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.
Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.
Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.
Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. π Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).
Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*
Isa sa mga nakakainis at nakakasad pag nasa ibang bansa ka ay (obviously) yung time difference. Gigising ka sa umaga tapos makikita mo andaming ganap sa Messenger kasi pagabi pa lang sa kanila. Tapos kung kelan may time ka na magreply, mga magtutulugan na sila kasi mga antok na at gabi na nga dun. So maghihintay ako ng matagal na oras hanggang gabi. Looking forward ako lagi na mag-gabi dito kasi umaga na dun, gising na sila ulit. Kaya minsan nagpapakapuyat na lang ako para maabutan ko silang gising para maka-usap ko sila. π Sad.