Categories
Life

Favorite Conversations #4

GLENIZ: Pwede ba akong mag-enroll sa French class?

KENNETH: Go.

Daling kausap.

Categories
Family

Favorite Conversations #3

GLENIZ: Pano kung after kong i-send sa friends ko yun and malaman nila na hindi na ko masyadong nakikipag-chat, wala nang makipag-usap sakin?

KENNETH: I’m here.

Categories
Life

Favorite Conversations #2

Hindi ko na alam kung anong pinapanood namin basta ginaya nya yung sinabi nung actor na:

“I appreciate you.”

Tapos sinundan nya ng:

“You’re the best wife ever.”

Di ko napigilan yung luha ko 😭❤️

Categories
Life

Favorite Conversations #1

GLENIZ: May naisip akong gawin.

KENNETH: Ano?

G: Gagawin ko yung isa sa mga ultimate dream ko nung highschool.

K: Ano?

G: Maghihikaw na ako sa kilay.

K: You’re too old! (Mahilig kaming mag-Englishan pag kaming dalwa lang 😆)

G: Bakit hindi naman ako mukang matanda ah!

K: Matanda ka na.

G: Hindi nga ako mukang matanda. Tsaka hindi ko yun magawa dati dahil bawal nga. Ngayon wala nang magbabawal hindi na nila (Mama at Papa) ako mapipigilan.

K: Hindi na cool.

G: Ay hindi nga ako mukang matanda. Kung hindi mo ako kilala, tingin mo ilang taon ako?

K: 31.

G: Ano nga??

K: 20.

G: (Naniwala at nag-light up ang mata) Ano nga? Yung totoo.

K: 20 nga.

G: Mamatay man ako? (Ultimate question para malaman mo ang totoo)

K: Oo.

Naks! Hahaha. Favorite ko kasi sobrang rare ako makatanggap ng compliment sa kanya. Pero kahit hindi na cool, parang gusto ko pa din gawin para mafulfill yung wish ko nung highschool.

Advertisement