
Improving ang aming social life ni Kenneth. Di na kami couch potatoes (for now). Summer din kasi. Di masyadong nakakatamad lumabas. May pinuntahan kaming pinoy festival event, nag-attend kami ng birthday-an at pumunta kami sa parang level-up perya.
Improving ang aming social life ni Kenneth. Di na kami couch potatoes (for now). Summer din kasi. Di masyadong nakakatamad lumabas. May pinuntahan kaming pinoy festival event, nag-attend kami ng birthday-an at pumunta kami sa parang level-up perya.
Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.
Change of plans.
Bad news: Hindi na ko matutuloy sa French classes
Good news: Uuwi ako this year!
Wala sanang bad news kung na-check ko agad yung start date ng klase. Masyado akong na-excite magpabook ng ticket kaya natamaan yung date na dapat magsisimula na ko. Buti na lang pwedeng ma-refund yung deposit so wala namang nasayang na pera. May option din akong i-rebook yung ticket para ma-move yung date at maka-attend ng klase kaso may babayaran na $32 (1,200 pesos). Pero mas pinili kong walang bayaran. Next time na lang ulit ako mag-eenroll.
I’m back from 2020 Highlights (meron din akong 2017 Highlights)! Sarap lang talaga mag-reminisce. Also, credits to my IG stories. Hindi ko lahat ‘to maaalala kung hindi ako serial story sharer.
Also, I love my new doctor. Naiyak talaga ako sa sobrang tuwa.
Tapos nag-message uli sila later this year kasi gusto daw nilang i-feature yung art koooo. Still waiting for that. But I’m not getting my hopes up.
Parang ito yung year na sobrang dami kong na-explore. Wala masyadong focus pero mukang naging productive at makabuluhan pa din naman. Paalam 2021!
Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod. Kaya yun lagi ang dialogue ko sa umaga. Na mags-start ako bukas maglakad lakad. Pero kinabukasan, sasabihin ko ulit na bukas. Lagi na lang bukas tapos hindi natutuloy.
So kahapon, yun ulit ang sinabi ko. Maglalakad ako sa labas bukas ng umaaga. This time sinabi ko rin kay Kenneth. Nag-check ako ng weather bukas ng 8AM: -30, feels like -40. Tumawa si Kenneth. Alam na daw nya ang mangyayari. Pareho kami ng iniisip.
So kinabukasan (kaninang umaga) nagising ako ng past 8AM. Parang ine-evaluate ko yung sarili ko kung tototohanin ko na ba yung matagal ko nang balak. Siguro dahil gusto kong i-prove kay Kenneth na mali sya. Tsaka mabilis lang naman ako. Pero parang tanga lang kasi sa dinami-rami ng araw na gusto kong lumabas, pinili ko pa talaga yung araw na sobrang lamig na.
Bukas ulit?
Grabe. Wala lang kasi binasa ko yung Christmas posts ko nung 2017, 2019 at 2020. Iba-iba yung mood.
Nung Christmas of 2017 wala akong idea na last Pasko ko na pala yun sa Pinas. Tapos hindi ko pa super nasulit kasi pareho kami ni Kenneth na nagttrabaho sa Maynila at may pasok na sya ng Dec 26. Kaya kelangan namin lumuwas agad ng Dec 25 kasi traffic. Hays kung alam ko lang. Pero masaya pa din naman kasi ang dami kong nakasama. Yung theme ng Christmas 2017 is: bittersweet. Pero natawa ko dito:
Favorite kong kasama si Benson pag may videoke kasi pareho kaming pasikat. Baka ganun talaga pag nangarap kang maging famous singer pero hindi ka naman naging ganun so dinadaan mo na lang sa videoke.
Excerpt from Christmas 2017
Tapos wala akong post nung 2018. Feeling ko distracted pa ko kasi nakatira pa kami sa mga tito ko non. Feel pa yung holiday spirit kasi ang daming niluto nung tita ko tapos may Christmas tree and decorations. Pero wag ka. Pagdating ng Christmas 2019 ang theme ay: devastated. Sobrang lungkot ko pala talaga nung Pasko na yun. Tapos wala akong concept of time. Teary eyed ako after kong basahin.
Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala.
Excerpt from Christmas 2019
Pero. Bumawi naman nung Christmas 2020. Ang saya ko non haha. Ang theme siguro ay: revitalized?
Hindi ako palabati hangga’t hindi ako binabati, pero that time ang dami kong binabati ng Merry Christmas. Feel na feel ko lang.
Excerpt from Christmas 2020
Ngayon namang 2021. Ang theme ay: neutral. Hehe. Hindi ako super lungkot pero wala din ako masyado sa mood mag-celebrate ng Pasko. Tinatanong ako ni Kenneth ano daw plano namin sa Pasko. Wala talaga akong masyadong thoughts about it. Sabi ko kumain na lang kami sa labas kaso nahirapan kaming maghanap ng makakainan.
Si Kenneth halata ko, gusto nyang magluto kami. Kaso naisip ko, ininvite naman kami ng tito ko sa bahay nila na maghapunan ng Christmas Eve. Hindi ba pwedeng yun na yun? For sure ang daming food dun. Tapos nag-book naman kami ng movie tickets ng Spider-man: No Way Home ng mismong Christmas day. Ok na ko dun.
Nung Pasko na sa Pinas, nakita ko nanaman yung mga pics ng pamilya ko na magkakasama. Kung noon pure bitterness yung nararamdaman ko, ngayon kaya ko nang maging masaya para sa kanila. Pero few minutes into browsing ng pictures nila sabi ko kay Kenneth, “Nakakaiyak naman.” So teary-eyed nanaman ako. Kaya hindi ko na rin tiningnan lahat ng pics.
Naalala ko last year nung ang theme ay revitalized, nagpapatugtog ako ng Christmas songs nung malapit nang mag-Pasko. Ngayon wala sa isip ko. Pero nung nakita ko nga yung mga pics nila na magkakasama, naligo ako after at napakanta na lang ako ng, “Diba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditoooo…” “Ang Pasko ay kay sayaaaa… kung kayo’y kapiling naaaaa…” Hays. Yung next next uwi ko talaga, pipilitin kong makauwi ng Pasko at Bagong Taon.
Pero nung binihisan ko na ng Christmas costume yung mga pusa namin, dun nagpick up yung mood ko. Super cute nilaaa.
May pics din ako ni Almond at Whiskey.
Naisip ko naman hindi lang naman ako ang nalulungkot samin pag Pasko. Kasi nag-video call ako sa Mommy (lola) nung andun kami sa mga tito ko. Ayun sa kanya talaga ko nagmana.
3PM yung movie kaya naggayak na kami nung hapon. Halos puno din yung theatre. Ang ganda ng No Way Home. ANG GANDA. Sulit na sulit yung 2 hours. Balak ko next year ganto ulit. Nood ng movie. Parang eto na yung magiging tradition 🙂
Medyo naasar pa ko kay Kenneth kasi gusto kong mag-picture kami dun sa photo booth as Christmas souvenir namin. Tapos sya ang unenthusiastic nya. Di naman nya ayaw. Parang wala lang yung reaction nya. Kaso di na rin natuloy kasi wala kaming $5 na cash. Meron akong $10 pero hindi daw nagbibigay ng sukli yung machine.
Nung nakalabas na kami naisip ko, eh di bibili ako ng kahit ano para ma-break yung $10. Kaso paglingon namin “ang haba” na daw ng pila papasok. Tapos si Kenneth parang ayaw na tumuloy. Yung mahaba sa kanya eh limang tao. Kaya tinamad na talaga ko. Medyo nawala ako sa mood.
Tapos nung nasa sasakyan na kami, dinidistract ako ni Kenneth ng mga thoughts nya about dun sa movie. Alam nya kasing nagustuhan ko yung pinanood namin at alam nyang asar ako sa kanya. Tsss.
Anywayyy. Paguwi namin medyo lumipas na rin naman at naging successful yung pag-distract nya sakin kasi ang dami kong thoughts about dun sa movie. Wala naman akong choice kundi sa kanya i-share. At naisip ko mag-picture na lang kami ng mga kitties.
Ayun. Next year mag-eextra effort na ko. Kasi alam kong ma-FOMO nanaman ako sa mga pics nila next year kaya kelangan kong ma-distract at magkaron ng sarili naming thing.
Bago ako nag-start magsulat, chineck ko sa blog ko kung meron ba kong post nung previous birthdays ko. Nakita ko meron akong 29th at 32nd. Nung 29th birthday ko, yun pala yung last birthday ko sa Pinas. Tapos nagtaka ko bakit wala akong post for 30th at 31st. Tama yung hula ko kung bakit wala.
Bumawi ako sa birthday ko ngayon this year. Yung past two birthdays ko kasi hindi ganun ka-okey. Kasi nga wala dito yung family and friends ko. Pero ngayon siguro medyo naka-move on na ko kaya nakapag-celebrate ako ng maganda at masaya.
Excerpt from my 32nd Birthday Bop blog post
Parang ngayon pa lang pala ko nakaka-adjust kasi masaya din yung 33rd birthday ko. Hindi ako masyadong na-homesick. Plus hindi rin ako na-stress pagluluto. Kasi last year napagod kami sa festivities kasi nga ang dami masyadong handaan dahil parehong December ang birthdays namin. So ang plano this year, kain lang kami sa labas kung san namin gusto.
Nung birthday ni Kenneth, gusto daw nya ng steak tapos nanood kami ng Venom 2. First time uli namin makapanood sa sinehan kaya ang saya. Tapos ang konti rin ng nanonood kasi weekday.
Nung birthday ko naman, ramen naman ang gusto kong kainin tapos pumunta kami dun sa bagong bukas na Potato Corner. Sarap. Manonood din dapat kaming Spider-Man: No Way Home kaso Dec 16 pa showing (Dec 15 ang birthday ko). So papanoorin na lang namin sa Pasko. Yun yung special something namin sa Christmas.
After namin mabusog at mag-window shopping, last stop namin ay Starbucks kasi gusto kong i-claim yung free birthday drink ko. Hindi ko kasi na-try last year.
Tapos ni-claim ko din yung birthday freebie sa Sephora para feel ko na may mabubuksan akong regalo sa birthday ko.
Tapos kanina (2 days post my birthday), may dumating na Amazon delivery. Alam ko na kung ano yun. Kasi pinost ko sa family group chat namin yung link sa Amazon birthday wish list ko haha. May kumagat sa bait kaya may mga legit birthday gifts ako. Although hindi ko alam kung anong laman kasi sila yung namili dun sa list. So may element of surprise pa din.
Nakakatuwang magbukas ng regalo. Kahit medyo sapilitan, gagawin ko uli yun sa birthday ko next year haha. At may paparating pa daw. Bukas daw ang dating. Excitinggg.
At may isa pa palang magandang nangyari nung birthday ko. Nasa bookstore kami sa St. Vital. Actually ako lang. Nasa labas si Kenneth inaantay akong matapos maningin. Tapos biglang nakita ko si Kenneth papalapit na parang may sasabihin. Basta na-sense ko na. Tapos yung muka nya parang masaya. Sabi nya uwi na daw kami. Sabi ko bakit. Tinawagan daw sya nung in-applyan nya, in-offeran na daw sya. Hindi ako sobrang na-surprise kasi alam kong makukuha nya yun pero super saya at proud ko kaya napa-hug ako sa kanya. So yun nagyayaya na syang umuwi kasi feeling ko overwhelmed sya masyado.
Pagdating sa bahay parang di sya mapakali tapos binalita nya sa parents nya ang good news. Tapos biglang sabi sakin, “I’m sorry I stole your thunder.” Hahaha!
Tapos hindi pa tapos. Kahapon nasa labas sya kasi may inaasikaso syang requirement para dun sa new job. Tapos nag-chat sakin ng, “When it rains it pours.” Sabi ko bakit? Mamaya na daw nya sasabihin pag-uwi nya. Turns out, tinawagan sya ng boss nya. Ip-promote naman daw sya. Haha kaya tuloy ngayon, torn sya. Pero sabi ko sa kanya, “Sabi nga ni Jihoz, it’s a good problem to have.” So yun hanggang ngayon undecided sya kung lilipat or stay put lang sya.
Few days before my birthday, triny ko yung fundraiser feature sa Facebook. Alam ko namang walang magdo-donate pero baka sakali lang meron. Yung fundraiser is para sa WWF. Tapos may isang nag-donate wow! Thank you Dany. Bait bait mo talaga.
So ayun. Masaya naman. Siguro basta bawas-bawasan ko lang yung sobrang pag-focus sa mga tao na wala, magiging ok naman. Tsaka sabi nga nung boss ko dati, kahit hindi ko sya gusto as a boss, tumatak yung sinabi nya sakin na, “Make the most of where you are.”
UPDATE:
Received more gifts over the weekend. Thank you Ate Beng2 and Trix!
We also had an early Christmas dinner with friends 😊
Nagpapahinga muna ako sa paglalaro ng Axie. So magsusulat muna ako dito. Mga nangyayari sa buhay ko ngayon. In general ano nga bang nangyayari sakin ngayon? Ah. Medyo nagiging busy ako ngayon. Kasi manager na ko. Haha. Wala akong magagawa kasi manager yung tawag nila pag meron kang pinapalaro na Axie teams sa iba. Yun yung pinagkakaabalahan ko these past few days. Pagha-hire ng scholars. Hindi ko rin alam bakit sila tinawag na scholars.
Busy din ako paglalaro. Yun lang naman yung routine ko eh. Make sure na may pagkain kami during meal times whether magluto ako or umorder online, matapos yung paglalaro ko ng Axie, at try na isingit ang pagbabasa between those two. Plus maki-update sa nangyayari sa cryptoverse para maging at ease na meron pa kaming pera pagdating ng retirement namin. Yun. Importante na meron tayong routine para hindi kung ano-anong pumapasok na mga unnecessary things sa utak natin.
Kausap ko kagabi ang Mama. Nagkkwentuhan lang kami at kinakamusta ko sila kasi nag-positive sila ni Tricia. Ayoko munang makampante hangga’t hindi pa sila nakakarecover talaga. Basta everyday winiwish ko sana maging okay na sila at maging back to normal na. So sa pagkkwentuhan namin, tinanong nya ano daw hapunan namin. Sabi ko ito:
Ayun. Tapos ngayon anniversary nila. Hindi sila makapag-celebrate ng maayos dahil nga naka-quarantine pa sila. Baka umorder na lang daw sila ng food or magluto ang Papa. Hays sana talaga ok na sila. Buong family kasi ng kuya nag-positive din. Daddy rin ni Kenneth. Buti naka-recover sila ❤️ Kaya Mama at Tricia magpagaling na kayo.
Dami naming nadiscover sa Costco last week. Nung nasa Costco kami ewan ko pero parang walang topak si Kenneth. Anything na ituro ko umo-okey sya. Madalas kasi laging kontra. Mahal daw etc. Pero that day di sya masyadong kontra so ang dami naming snacks. Pero nung pauwi na nag-away kami haha. Biglang naging masungit. Lagi talaga yun! Umiinit ang ulo pag naggrocery kami. Sinabi ko na nga na wag na syang sumama. Mag stay na lang sya sa sasakyan. Nakakahawa kasi yung negative energy. Ang saya saya kong maningin ng mga prutas, karne, chocolate, tapos biglang pag tingin mo sa kanya feeling mo tinotorture sya. Kakasura.
Ah tapos last week, pumunta kami sa birthday-an nung officemate ni Kenneth. So na-meet ko din officemates nya. Ang saya din nung gabi na yun. Ang sarap ng food at company. Tapos may karaoke pa so nagkantahan din. Nagpalitan lang kami ng mic ni Hope (katabi ko) kasi mahilig din pala syang kumanta. Sana maulit!
Ang saya din pala nung baby shower nila Trix kaso wala akong picture. Noon na lang ako ulit nakapaglaro ng Pusoy Dos tapos super cute ni Muy.
Wala na kong maisip na significant na nangyari. Ah last. May Nintendo Switch na sila Nick so naglaro kami nung minsan ng Overcooked 2.
Bulok ni Nick! Hahaha joke. Pero medyo kasi merong game na tarantang taranta sya (naka-video call kami) tapos sigaw ng sigaw pero yung character nya nakatayo lang 🤣🤣🤣 Tanga eh hahaha. Sana maging available ulit sya gusto ko ulit maglaro. At para magamit naman yung Switch namin na naka tengga na lang.
Ayun.
Nagkaron nanaman ako ng writing slump. Ang daming moments na gusto kong i-document pero laging hindi natutuloy. Minsan nalilimutan ko, minsan tinatamad ako. Pero siguro ang biggest thing na nangyari ay bigla na lang akong tinamad mag-drawing. Eh nag-resign ako para dito diba. Para magkaron ng more time mag-drawing at mag-improve para makahanap ng work/projects. Pero hindi ko alam. Masyado akong naaliw sa mga ibang bagay.
10,000 Steps
Since summer at suitable ang weather for walking, pag hindi kami tinatamad, naglalakad kami sa trail. Kahapon tinatamad talaga kong lumabas pero buti na lang may kailangan akong i-drop na order kaya napilitan ako. Si Kenneth tinatamad din pero nung nalaman nya na maglalakad ako whether sumama sya or hindi, napilitan na rin sya.
Pinilit ko din talaga yung sarili kong lumabas kasi alam kong hindi ko pagsisisihan once naglalakad na ko. Alam kong mag-eenjoy ako kasi makakakita ako ng ibang scenery, may rabbits, fresh air at mababanat ko man lang yung mga buto ko. Yung first step lang talaga yung mahirap. Kelangan mo talagang i-drag yung mga paa mo papalabas.
Tsaka effective yung nabasa ko na wag mo nang masyadong pagisipan. “Maglalakad ba ko? Sinisipag ba ko? Bukas na lang kaya?” Wag kang magspend ng time na magisip basta gawin mo na lang. And ilang beses na ‘to nangyari na pag andun ka na sa act of doing it, you will gain momentum. Tapos mahihirapan ka nang tumigil. Kelangan mo lang talagang lampasan yung first crucial step.
Crypto Millionaire
Naniniwala talaga kami na magiging millionaire kami sa crypto. Haha ang crazy pakinggan. Pero ang basis nito ay hindi lang feeling. It’s mathematically possible. At based sa mga news about crypto, unti unti nang nangyayari yung mass adoption. Although nasa early stages pa lang, some institutions and small countries are already getting involved. At merong job posting ang Apple na naghahanap sila ng IT person na merong knowledge about cryptocurrencies. Basta madami pang bullish news. Kaya undeniable na talaga.
2017 nagtry na kaming mag-invest sa crypto. Kaso yun yung time na na-reach nya yung all time high price tapos nagkaron ng correction. So nabili namin ng mataas then medyo bumagsak so nalugi yung investment namin. That time kasi nakiuso lang kami without any knowledge about sa purpose ng crypto.
Pero kung nagtiwala kami at hindi namin pinull out yung investment (naglagay kami ng mga 20k pesos), milyon na sana yung investment namin ngayon! Yung kakilala ko na kasabayan ko noon ganun yung nangyari. Hindi nya inalis. Tapos nung inopen nya yung account nya nung 2020, ayun milyon na. At ngayong nagbabalik loob na kami ulit sa crypto, hindi na talaga kami magbebenta. HODL na talaga 😂
Kung in 10 years at nagretire na si Kenneth (by that time 42 na kami), alam nyo na. Haha.
Chef Bumburumbum
Mga notable na niluto at binake ko these past few weeks:
Book Club
Consistent pa din ako sa pagbabasa ko although merong days na may nami-miss ako. Nung recent days kasi masyado akong preoccupied sa mga crypto news kaya nawawalan ako ng time and energy na magbasa. Pero ngayon na medyo nag-die down na yung crypto hype sa puso ko, feeling ko I can properly manage my time again.
Isa sa mga exciting news about books ay nag-join ako sa book club ni Jenn Im! Isa sya sa mga YT personalities that I adore kaya medyo na-star struck ako nung nag-join na sya dun sa Zoom call para i-discuss yung book of the month which is Crying in H Mart. Ang ganda nyaaa 😍 (ni Jenn Im pero maganda din yung book, 4 out of 5 stars).
Herb Mom
Ang bushy na nung mga herbs ko sobrang nakakatuwa. Hindi ko talaga inexpect na mabubuhay sila. First time ko kasing magalaga ng halaman. Kung ika-count yung succulents, second time pala. Pero eto kasi yung super nagseryoso ako. Bumili pa ako ng planters, potting soil, etc.
So far buhay na buhay naman sila. Gusto ko pa ngang dagdagan kasi naka-gain na ko ng confidence. Kung may backyard lang kami or balcony gusto kong magtanim pa ng mga gulay.
Randomness
Naggupit ako ng buhok. Actually tulong kami ni Kenneth. Akin yung sides, sya yung nagpantay sa likod.
Done with the first dose.
Mga old photos na sinend ng lola ko sa group chat namin.
Random things na nakita namin sa paglalakad.
Kitty cuteness
9:15 AM
Hindi ko inexpect na iiyakan ko ‘tong driving. Every after practice, gusto kong umiyak (twice yung totoong umiyak talaga ko). Frustrate na frustrate na kasi talaga ako kasi hindi ko sya magawa ng tama. Kung tumama man ako, hindi naman ako consistent. Pano na ko papasa?
Kahapon kasi nag-practice kami ulit at nilampasan ko nanaman yung stop sign (yung 4-way stop). Hindi ko alam bakit hindi ko napansin. Tapos ang daming comments nung tito ko sa pag-drive ko pero hindi ko naman minamasama kasi totoo. Nakaka-frustrate lang talaga kasi ginagawa ko naman yung best ko at naka-focus naman ako pero ang bulok ko pa din. Ang bulok ng coordination ko. Siguro oo expected naman, kasi nga baguhan pa lang ako. Pero eto yung mga moments na gusto mo nang umayaw at ang tumatakbo sa isip ko ay baka hindi ko talaga ‘to kaya.
Ang dami ko lang talagang feelings sa driving ngayon. Kasi ngayon na yung road test ko kaya extra hindi ako mapakali. Hay gusto ko nang matapos. Gusto ko nang mag fast forward sa 5 PM tapos malalaman ko na lang kung pasado or bagsak ba ko. Ayokong i-experience yung mismong road test, gusto ko na lang malaman yung result.
Hindi ako makapagisip ng maayos at hindi ko magawa yung mga gagawin ko dahil dito. Basta after nito, bagsak man o pasa, sobrang luluwag na yung pakiramdam ko. Pero sana naman pumasa na ko para wala na talaga kong iisipiiiiin. Kasi kung bagsak nanaman, prolonging the agony nanaman until mag road test ako uli.
Ah pota tama na nga. Ayoko nang bigyan ng emphasis masyado ‘tong road test na ‘to. Gusto ko lang i-address yung current kong nararamdaman. Mukang nakatulong naman ang pagsusulat (as always).
Okay magbabasa na ko. Ang fitting pa nung binabasa ko, Anxious People. Pero feeling ko hindi ako ma-aanxious dito kasi funny yung book.
Orayt tingnan na lang natin mamaya. Mamayang 3:40 PM ang road test ko.
6:10 PM
So eto na nga. Bagsak nanaman ako 😂 Laughing emoji pero umiyak nanaman ako kanina. Hahaha. Kay Kenneth lang ako nakakaiyak pero pag iba yung kausap ko napipigilan ko. Pero pag kay Kenneth, bagsak lahat ng defenses. Ang bilis ko umiyak. Tsaka iyakin naman talaga ko di lang halata. Tapos chinat ko yung tito ko nangasar pa lalo.
Tanginang driving talaga ‘to. Hindi ko magawa gawa. Mas okay pa sakin hindi matanggap sa trabaho kasi may ibang companies naman or pwede akong mag-change ng career. Pero etong road test, dun at dun pa din ako babalik. Wala akong kawala.
Kaya din siguro extra extra yung frustration ko dito, kasi sa mga major happenings na na-experience ko, hindi ako bumabagsak. So hindi ako sanay sa ganitong feeling. Board exam, pasa. IELTS, pasa. Japan at Korean visa, approved. Application pa-Canada, approved. Kaya naman siguro ganito na lang yung iyak ko dahil lang dito sa road test na ‘to. Siguro it’s about time daw na makatikim naman ako ng sunod sunod na failure. Masyado na daw akong na-spoil ng universe.
MONDAY
8:49 AM
Nag-snow.
Kakatapos ko lang magbasa. Inaantok ako sa binabasa ko. Deep Work pa rin ni Cal Newport. Medyo nadisappoint ako sa book nyang ‘to. Sobrang nagustuhan ko kasi yung isa nyang libro. Yung Digital Minimalism. Try kong ituloy yung pagbabasa pero pag inantok pa rin ako, magbabasa na lang ako ng ibang libro.
10:19 AM
Nagluto akong sinigang na bangus belly. My favorite. Kahit ano namang luto ng bangus paborito ko. Kala ko hindi masarap tapos kulang pa sa sahog. Pero in fairness masarap naman.
Sa bangus compatibility test, compatible kami ni Kenneth. Kasi mahilig ako sa taba tapos sya ayaw nya. Pag sa bahay sa Pinas madami akong kaagawan. Lahat gigil sa taba. Pero nakakamiss makipag-agawan ng taba huhu. Eto nanaman nagiging senti nanaman ako. Gusto ko nang makauwi 😭😭
11:57 AM
Finally, something productive. I packed a few orders. Ship ko na lang mamaya pag sinisipag na kong lumabas. Ang lamig nanaman. Kahapon 16 na tapos -10 ngayon. Nakakatamad maligo. Mag-Duolingo na lang muna ako.
12:34 PM
It’s a joke. Hindi ako nag-Duolingo. Nadistract na ko sa new episode ng WUWJS.
Tungkol sya sa astrology. After nito maliligo na talaga ko.
2:03 PM
Good news. Nakaligo na ko. Kakatapos ko lang din mag-lunch. Ang sarap nitong binili namin sa Sobeys. Kaso hindi healthy.
So eto na ang simula ng pagiging super productive ko. Magaaral na ko nung mga binili kong online courses. Sana ma-apply ko yung “deep work” na sinasabi ni Cal Newport. Hindi ko pa rin natapos yung book. Pero mga 70% done na ko.
2:37 PM
Nakapanood na ko ng 2 videos about Character Design. Nabili ko ‘tong course na ‘to for $5 lang kasi naka-sale. Yung instructor is nagtrabaho sa Disney for 21 years, si Aaron Blaise.
So far, sa 2 videos na napanood ko, ang natutunan ko sa character design ay to do research first. “Don’t draw too soon.” sabi nya. Yung initial reaction ko is, “Katamad.” Bakit kelangan pang mag-research? Drawing na agad! Pero kung iisipin mo, pano magkakaron ng dynamic or richness yung characters kung magbe-base lang ako sa kung anong alam ko ngayon.
And ngayon ko lang talaga naa-appreciate kung gano pinagiisipan ng mga artists or ng studio yung bawat characters sa mga movies nila. Sobrang daming elements na kelangan i-consider para hindi lang sya magmukang maganda, kundi para din makapag-evoke sya ng emotion. Kasi kung maganda nga yung visual pero wala namang feelings, hindi naman bebenta yung movie.
Okay next video.
3:20 PM
Video #3 is all about expressions. At this point, medyo inaantok na ko. Wala pang 1 hour bumababa agad yung focus and energy ko. Gusto kong manood ng isang animated film para makita ko kung pano in-apply yung character design dun sa movie. Pero parang too early pa kasi 23 videos ‘to. Nangangalahati pa lang ako sa 3rd video. Need to focus!!
3:44 PM
Nag-break lang ako at nagbasa ng 3 chapters ng Anxious People. G na ulit.
4:31 PM
On our third winter:
After ko matapos yung video #3, sinipag na kong lumabas para magship ng orders. Nagpapabili rin ng bawang si Kenneth.
5:20 PM
7:21 PM
Haysss nakakafrustrate. Nagpaint ako ngayon (yung photo sa taas as reference) tapos sabi ko hindi ako map-pressure. Sabi ko for fun lang. Pero nag-end up na nastress nanaman ako kasi hindi ako natuwa sa result. Pag nasstress kasi ako, sumasakit yung batok ko tapos parang nangingimi yung muka ko. Yun ang indication na kelangan ko munang tumigil. Anyway, pinost ko pa rin kahit dismayado ako sa gawa ko. Kelangan ko pa talagang magaral.
Makakain na nga. Or Cozy Grove. Or Gilmore Girls. Or all of the above.
8:06 PM
9:15 PM
Currently reading Anxious People. Ang ganda talagaaaa. No dull moment 😍
9:50 PM
Took a break from reading.
11:13 PM
I purchased another course from this great artist. Sobrang fan ako ng style nya 🤩 Nasimulan ko yung first video dun sa course pero since malapit nang mag-hatinggabi, inaantok na me. Kaya ko pa naman pero gusto kong magising ng mas maaga bukas. Lagi na lang akong past 7AM nagigising. Gusto ko yung dati kong gising na mga 6AM.
Orayt goodnight!
Hindi ako mapakali. Masyado akong overstimulated. Ang daming magagandang libro, ang daming magagandang panoorin, ang daming magagandang gawin. Hindi ko na alam kung anong uunahin. Sa mga panahong ganito, ang pinakamagandang gawin ay ito. As in itong ginagawa ko ngayon. Magsulat at magkwento.
Sabi ko nga kanina, ang daming magagandang libro. Sa dami ng librong interesado akong basahin, pitong libro yung tina-try kong tapusin ngayon.
Although nag-eenjoy naman ako, nakaka-bother lang na ang tagal ko nang walang natatapos na libro kahit ang dami kong oras na ginugugol pagbabasa araw-araw.
Anywayz, natutuwa akong mag-type. May bago kasi akong keyboard. Yung takatak keyboard. Nag-decide ako sa Keychron K2V2 after some grueling research. Thank you sa pambubudol ng Intelligent People Discord server. Pero tumupad pa rin naman ako sa pramis kong hindi ako bibili ng kahit anong gadget this year kasi na-reimburse yung pinambili ko nitong mechanical keyboard. So wala pa din akong ginastos. Pero sana mapigilan ko yung sarili ko na bumili nung bagong lalabas na iMac this spring (ayon sa rumors). Baka pag hindi ako nakatiis mangutang ako sa travel fund namin huhu.
My takatak keyboard.
Cashew back to his old favorite spot.
F na f ko lang yung filter.
Naalala ko ring gamitin ‘tong egg mold na ‘to. Cute! Walang egg yolks kasi ginamit ko sa carbonara.
Tinatamad akong mag-drawing nung mga panahon na ‘to pero pinush ko pa rin habang nakikinig ng audiobook. Natuwa naman ako na pinush ko. Pinapagalitan pa ko ni Kenneth bakit daw hindi ako sa table nag-ddrawing at baka sumakit nanaman daw yung kamay ko. Hindi ko pinapansin kasi nasa momentum na ko. Eh di ayun. Sumakit nga ng konti.
Finally dumating na ang kanilang bahay. Ang cute!!
Nag-agawan pa sila nung una pero after non hindi na nila ginamit. Cats 🤦🏻♀️
Excited ako pumuntang Costco kasi more than a year na kaming hindi nakakapunta. Tapos ganito yung pila. Hindi kami tumuloy.
Hindi ako nagkakape except sa occasional iced coffee. As in super occasional. Pag trip ko lang. Tapos dapat matamis at madaming kung anek anek para hindi sobrang lasang kape. Pero nag-decide ako na maging coffee drinker starting yesterday kasi nabasa ko dun sa isang book na binabasa ko (The Whole-Body Microbiome) yung iba-ibang benefits ng kape. Pero para hindi masyadong lasang kape, nag-try ako nitong coffee creamer. Ang sarap!
So nag-request ako kay Kenneth kung pwede kaming bumalik sa Costco nung hapon kasi baka hindi na mahaba ang pila. Buti na lang! Buti na lang pumayag! 10 minutes away lang ata yung Costco from our apartment pero sobrang tamad ni Kenneth mag-drive! Sana makapasa na ko sa next road test ko para hindi na ko nakadepende sa kanya.
Back to Intelligent People Discord, nasabik ako bigla mag-watercolor ulit kasi yun ang pinaguusapan recently. Pero wala yun sa plano ko ngayon. Ang plano kong gawin ngayon ay manood ng tutorials para makapag-drawing ako ng backgrounds. Pero pwede naman sigurong pareho. Why not.
Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”
At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.
Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.
Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.
Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.
I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.
I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.
Paalam 2020!
Syempre hindi papatalo ang mga tao sa COVID. Kahit papano, based on my social media feed, masaya naman ang mga tao pagcecelebrate ng Pasko. Kami din nafeel namin ang holiday spirit lalo na nung December 24. First time namin maghanda para sa Noche Buena. Last Christmas kasi wala kaming pakana, nag-invite lang yung tito ko na mag-dinner sa kanila. Christmas of 2019 yung pinakamalungkot na Christmas sa buong buhay ko. Umiiyak ako. Pero kalimutan na natin yun. Everytime kasi maaalala ko yun, parang nagdi-dip ng konti yung mood ko. Naaalala ko kung gano ako kalungkot nung mga panahon na yun. Pero bumawi naman ngayong 2020 despite of the pandemic. Naitawid namin ang Pasko in high spirits.