- Gumawa ako ng siomai pero hindi maganda yung wrapper na nabili ko. Masarap pa din naman.
- Inayos ko yung website ko at yung listings ko sa Etsy shop ko
- Since hindi ako ganun natuwa sa siomai, umorder ako ng takoyaki at maki
- Masinsinan heart to heart with Kenneth kasi down nanaman yung pakiramdam ko ngayon
- Ka-video call ko ang kuya kanina tapos napagkwentuhan namin ang Daddy nung buhay pa sya. Death anniversary ng Daddy sa July 14. Halos araw-araw kaming magkausap ng kuya at masaya ako na lagi pa din kaming nakakapagusap kahit magkakalayo kami.
- Kachat ko din si Tricia nung umaga at na-share ko din sa kanya kung bakit ako down. Thanks Triciaba!
- Umorder ako sa Amazon ng Neutrogena moisturizer and grippy socks
- At nag-workout nga pala ako kaninang umaga. Pang 3rd consecutive day na ngayon.
Categories