Categories
Canada Family Money

Busy Friday

Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.

  • Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
  • Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
Snowflakes 😍
  • Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
  •  Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
Sayang saya sya sa steak nya
  • After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
  • Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.
Advertisement

One reply on “Busy Friday”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s