Categories
Family

Poops’ 32nd Birthday Bop

Unti unti nang nagiging masaya ulit ang December. Nabanggit ko noon na sinira ng Canada ang December, my favorite month of all time. Favorite month kasi nga, birthday month namin ni Kenneth tapos feel na feel mo sa paligid yung festive mood sa Pinas. Tapos eto din yung time na uuwi kami ng probinsya from Manila (kung san kami nagw-work noon) para mag-celebrate ng Pasko at New Year with family and friends. Kaya ang saya saya talaga ng December. Pero yun nga. Pagdating namin dito, parang ang bitin at ang pilit nung saya.

Pero this year, mukang nagkakaron na ulit ng kulay. Haha ang baduy. Pero wala na kong ibang way para i-describe. December 1 ang birthday ni Kenneth. A week before ng birthday nya, sabi ko mag-handa kami. Kasi last year, kumain lang kami sa labas.

Pero since COVID times at andito lang kami sa bahay, sabi ko dapat may handa and may cake. Para feel naman namin na birthday namin. Tapos nagka-idea pa ko na mag ‘birthday cook off’ kami. Sya ang magluluto sa birthday nya tapos ako sa birthday ko. Tapos pasarapan ng luto. Nakakatawa na nakakatuwa kasi excited na excited si Kenneth. Sinulat pa nya sa papel yung “menu” daw nya tapos naka-magnet sa ref.

Ayun tapos nag-picture taking kami with the kitties. Ang saya lang nung gabi na yun. Ngayon lang ulit kami nagkaron ng matinong pictures.

Sa birthday ko naman, sa Dec 15, nagiisip pa ko ng menu ko. Pero baka ribs tapos nagiisip pa ko ng appetizer. Tama na yung isang main course at isang appetizer lang kasi dalwa lang naman kami. Bawal mag-aksaya ng pagkain.

At kaya rin nagkaron ng additional celebratory mood kasi meron kaming friends na nag-effort dalhan kami ng birthday snacks. Si Kris and Trix. Sila yung kapitbahay namin na young couple din tapos wala pa rin silang baby. Ang sweet na nag-drop sila ng sweets and drink.

Sa Christmas, balak uli namin mag-handa. Gagawin na naming regular thing kasi kung magmumukmok na lang ako lagi every time magpa-Pasko dahil hindi namin kasama ang family namin, ako na lang din ang sumisira ng favorite month ko. Kaya this year, despite the pandemic, papasayahin ko ulit ang December.

Ay! Tapos binili namin ng Christmas accessories yung dalwa (Cashew and Walnut). Ang cute! Sinukat na namin and okay naman yung fit. Sana mag-cooperate sila sa picture taking 😄 Sobrang cute talaga!!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s