
Nakasalang na ang maduduming pinagkainan sa dishwasher at ang maduduming damit sa washing machine. Kumain na rin ako. Kaya ngayon.. Hello!

Nakasalang na ang maduduming pinagkainan sa dishwasher at ang maduduming damit sa washing machine. Kumain na rin ako. Kaya ngayon.. Hello!
April 7-10
Unang araw, ang ganda ng gising ko. Sarap ng ulam eh.


Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.
Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?
Ang kyut ng Mama’t Papa. Di baga’t uuwi nga ako sa April (tangina sana talaga di magkaproblema na maiden name pa din yung nakalagay sa passport ko), eh kausap ko ang Mama kaninang umaga tapos nabanggit nya na pinapaayos daw nila yung aircon. Kasi daw sabi ng Papa baka daw mainitan ako paguwi ko. Hahahahaha. Ang kyuttttt!
Change of plans.
Bad news: Hindi na ko matutuloy sa French classes
Good news: Uuwi ako this year!
Wala sanang bad news kung na-check ko agad yung start date ng klase. Masyado akong na-excite magpabook ng ticket kaya natamaan yung date na dapat magsisimula na ko. Buti na lang pwedeng ma-refund yung deposit so wala namang nasayang na pera. May option din akong i-rebook yung ticket para ma-move yung date at maka-attend ng klase kaso may babayaran na $32 (1,200 pesos). Pero mas pinili kong walang bayaran. Next time na lang ulit ako mag-eenroll.
First time kong makausap yung tito ko na nasa UK. Parang sa lahat ng tito ko sya yung hindi ko masyadong nakakausap kaya medyo big deal for me na nagusap kami over the phone. Yung hindi sa chat lang.
Eh kasi nagbabalak nga kaming mga taga ibang bansa na umuwi ng 2022. Last year pa dapat kaso alam nyo na.
Ka-chat ko yung bunso naming kapatid. Tinanong ako kung hindi daw ba ko nasasamid kahapon dahil may bago silang nilalaro na board game tapos hindi daw nila maintindihan yung rules. Paulit ulit daw sila na, “We need ate Gleniceee!” Bigla akong nahomesick at humagulhol ng iyak. Hays.
UPDATE: May kadamay na ako pagiyak 😂

Tapos tumawag yung tita ko, pinakita sakin ang Mommy (lola ko), nagiiyak din 😄 Uwi na daw ako. Yung pagkakasabi pa ng Mommy lalong nakakaiyak. Sabi ng Mommy habang umiiyak, “Uwi na!” tapos parang galit na frustrated. Huhuhu. Hays. Kung ganun lang kadali 😭


Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”

At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.

Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.

Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.
Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.

I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.



Pwede ko bang sabihin nang hindi na nagi-guilty na sobrang saya ko na nakapag-resign na ko sa office work ko at freelancer-businesswoman-housewife na ko ngayon. Kahit ngayon lang. Pagbigyan nyo na ko. Pramis magi-guilty na ko ulit bukas. Sa dami kasing masamang nangyayari ngayon sa mundo at sa mga tao na close sakin, nakaka-guilty maging masaya. Pero gusto ko lang syang i-acknowledge ngayon.
I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.
























Paalam 2020!
