More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.
Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.
Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.
Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. 😄 Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).
Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*
