It’s mah birthday! Actually kahapon ko pa talaga birthday kasi mas advance ang oras sa Pinas and since sa Pinas ako pinanganak, kahapon ko pa birthday. Pero anywayzzz. It’s mah birthday! Ang aga ko nagising. 6:30AM pa lang dito. Busy ako mamaya pagluluto ng baby back ribs. Di ako sure kung nabanggit ko na pero meron kaming birthday cook off ni Kenneth 😂 Sya ang nagluto nung birthday nya (Dec 1) tapos ako ngayon (Dec 15). Pero wala din naman kwenta kasi kami lang yung taste testers. Haha. For sure sasabihin nya na sa kanya yung mas masarap tapos ako syempre yung sakin. Bawal pa din kasi tumanggap ng bisita dahil pa rin sa COVID. Hanggang New Year na ata ganito.
Pero excited pa rin ako kasi simula nung dumating kaming Canada, ngayon lang kami nag-effort maghanda sa birthdays namin. Ang pinaka-excited ako is yung pagluluto ko ng baby back ribs. Yun yung main course. First time kong magluluto ng ganito kaya sana masarap. Sana masarap! Tapos ko na lutuin yung mga side dishes kahapon para hindi ako masyadong haggard ngayon. Tapos mamaya ipipick-up ni Kenneth yung ube macapuno cake dun sa bakeshop. Ngayon na lang ulit ako makakatikim nung masarap na cake na yon 😋
Okay magbabasa na muna ako. Normal morning routine. Pero baka hindi ko mapigilan i-check phone ko para makita kung sino nang mga bumati hehe. Ay, nag-advance celebration nga pala sila sa Pinas. Kakainggit yung handa ko pero hindi ako nakatikim huhu. Eto yung mga pics nila.


Update: Nagbasa na ko ng mga bumati sakin. Kakatuwa yung mga nag-private message at nag-post sa wall ko ng throwback pic namin. Haha. May napansin pala ko na bagong pag-greet. Diba nauso dati yung HBD. Tapos ngayon merong MBTC. Kala ko kung ano. Para kasing MTRCB. Tapos after a few seconds na-gets ko na, ‘more birthdays to come pala’. Haha daming alam.
O sya. Ako’y magbabasa na. Mamaya ulit.