Categories
Family Life Pals Pilipinas

Pilipinas!

Natatakot ako na baka masyado akong matuwa dito tapos malungkot nanaman ako pagbalik sa Canada. Ang saya kasi kahit nakakapagod. Ang hindi ko lang masyadong gusto, mananaba ako dito sa dami ng kainan. Pero naisip ko, baka kaya super saya ng pagbalik ko kasi nga matagal akong hindi nakita so ang bait sakin ng Mama at Papa, pag may gusto akong kainin pinagbibigyan ako lagi, tapos ang sarap sarap ng buhay ko dito sa bahay. Sobrang luwag pati nila sakin sa curfew. Pero siguro kung permanent ako dito, hindi naman sila magiging ganun. Ano ako sineswerte. Haha.

My pasalubongs
First time to see snow on a plane window

So pagdating kong NAIA paglabas ng immigration, nakita ko na agad ang Papa. Tapos sinalubong ako ng Papa tapos nag-hug kami. Feel na feel ko nga ang love nung paguwi ko kasi puro hugs. Tapos ang Mama nakasunod sa likod ng Papa, naiiyak. Haha.

Love you Mama and Papa!!!

Nag-overnight kami sa BGC kasi late na ko nakadating, mga 11PM. So bukas, magiikot lang kami sa SM Aura kasi sabi ko magsh-shopping ako. Hindi kasi ako masyadong namimili ng damit sa Canada kasi mahal na, pangit pa ng designs. Napa OA yung pagsh-shopping ko kasi halos hindi ko na tinitingnan yung price tag. Basta pag gusto ko, yun na ang bibilhin ko. Medyo Ariana Grande ang theme ko non, “I see it, I like it, I want it, I got it.” Eh di ang ending, ubos agad ang baon ko. Feeling ko kasi non ang dami kong pera. First day pa lang ubos agad.

Feeling ko sobrang nakukuriputan sakin mga kaibigan ko at kapamilya ko. Hindi kasi ako nanlilibre. Haha eh kasi nga naubos na agad sa damit. Tsaka sa dami ng taong kinikita ko, kung libre ko lahat bawat labas namin, aba wala na talagang matitira sakin. Baka ma-trauma na kong umuwi. Selected days lang yung nanlibre ako. Syempre ang Mama at Papa nung first day tapos si Bogs and friends nung lumuwas ulit akong Maynila para puntahan si Tricia. Lagi kasi akong nililibre ni Bogs, never ko pa sya nalibre kaya talagang naka-set ang isip ko na ililibre ko sya. Nilibre ko din pala yung former officemates ko pero milk tea lang naman yun kaya medyo kaya pa. Tapos ngayon naman magde-date kami ng Mommy (lola) sa Mesa, libre ko ang Mommy syempre. Aba nung isang araw ba naman, dumaan dito sa bahay may dalang ang pao. Pabirthday at papasko daw nya sakin. Tapos pagka-abot, buksan ko na daw. Nagulat ako, 10k ang laman! Eh eh nakapa-generous talaga ng Mommy. Kaso hindi talaga ako nagmana sa pagkagalante nya. Buti na lang din.

Nung shopping day sa Aura, umuwi din kami agad tapos dumiretso kami agad sa mga Mommy. Naghihintay na sila (mga tita at pinsan ko). May funny back story pala sa paguwi ko. Hindi alam ng mga tita at pinsan ko na uuwi ako. Pero na-sense nila na may uuwi. Hindi sila mapakali kung sino. Chinat ako nung isa kong tita, si Ate Beng2, na parang hinuhuli ako. Kasi ang-nasense nilang uuwi is yung tito ko (Kuya Jon2) na kasama namin sa Canada. Ang bungad na chat sakin ni Ate Beng2, “Anong oras ang flight ni Kuya Jon2?” So naisip ko, hindi nila alam na ako yung uuwi so sinakyan ko lang. Sabi ko, “Pano mo nalaman?”. Eh di tuwang tuwa si Ate Beng2 kasi “tama” yung hula nila. Sabi pa sakin, “Wag mong sasabihin sa Mama mo na alam ko nang uuwi si Kuya Jon2.” Wag ko din daw sasabihin sa Kuya Jon2. Tawang tawa ako ay. Hindi alam ay sya ang pinapasakay. Sa kwento ng Mama, as in hindi daw sila mapakali sa panghuhula kung sinong uuwi. Eh tapos nung kasama ko na ang Mama, nag-selfie kaming tatlo ng Papa tapos sinend agad sa family group chat namin. Di gulat yung mga tita ko. Haha naisahan ko daw sila. Kaya daw pala hindi na ko sumasagot sa tawag kasi nakasakay na kong eroplano. So paguwi naming Pagbilao (probinsya namin), ayun iyak na iyak ang Mommy kahit alam naman nyang pauwi nga ako. Tapos yung mga pinsan kong dalaginding na, talon ng talon. Ang sarap ng ulam. Sobrang lambot na sinigang na baboy tsaka may biniklad din.

Kinabukasan, naiyak ako. Parang tanga yung reason. Pag bangon ko kasi kakain na daw, ang ulam ay biniklad tapos may hotdog. Sabi ko, “Tender Juicy ito??” Tuwang tuwa ako na napapatawa tapos maya maya, napapaluha na ako! Tawang tawa sa akin ang Mama at Papa. Di ko din inexpect na maiiyak ako sa Tender Juicy. Araw araw ang sarap ng pagkain. Kaya inaalalayan ko pagkain ko kasi talagang mananaba ako. Pero minsan hindi mapigilan pag talagang miss ko yung pagkain. First time ko ulit makita yung kapatid ko na si Kim. May pasok kasi sya kagabi. Natutuwa naman ako at lagi nyang gamit yung pasalubong ko na bluetooth earbuds. Laging nakasabit sa leeg nya. Ang itinerary ko naman nung day na to:

  • Samahan sa checkup ang Mama
  • Visit Kuya and family (first time kong makikita yung pamangkin ko na si baby Gustavio!)
  • Visit my in-laws, Mommy Glo and Daddy Saldi (kaso hindi natuloy kasi nagpacheckup din si Daddy tapos late na nakauwi)

Tuwang tuwa yung isa kong pamangkin na si Gillian pati ang Kuya at si Xantel. Eto pala yung isang pampasira ng uwi ko: jet lag. Nakakainis lagi akong inaantok. Pampasira eh. Pero ngayon parang naka-adjust na ko. Pero ang aga ko nanaman nagising ngayon (4AM) kaya naisip ko munang magpost dito bago ko pa malimutan ang mga nangyari. After namin sa Kuya, kumain naman kaming Buddy’s. Ang sarap nanaman! Iba talaga ang dating ng pizza nila tapos ang order ako ay yung porkchop steak nila. Ugghhh sarap!!

Thursday, third day. Itinerary:

  • Visit Almond (our cat)
  • Ninang Rachel’s dinner treat
  • Visit my in-laws (this time natuloy na)

Hays nakakamiss si Almond. Tapos ang lambig lambing nya. Gusto ko na syang isama pabalik ng Canada. Tanda nya pa kayo ako? Pero nagpapalambing sya sakin. Sana tanda nya pa ko. Tapos nag-video call ako kay Kenneth para makita nya din si Almond. Ang bitin nga ng dalaw ko kay Almond kasi ang Papa ang kasama ko. Mainipin kasi yun. Nagiwan lang ako ng chocolate para kay Yulo kasi alagang alaga niya si Almond simula nung umalis si Arien pa-UK. I’m gonna miss you Almond!

Ang sarap nanaman ng food nung nag-dinner kami ng Ninang ko. Ang sarap nung salads, nachos, wings, etc. After non diretso kami kina manugang. Mga 11PM na kami nakauwi kasi ang dami ding kwentuhan. Tapos pinanood namin ulit yung performance ni Marcelito sa Youtube.

Friday itinerary:

  • Visit Tricia in Manila. Sister bonding 😄
  • Meetup with former officemates
  • Meetup with Bogs and Nick

Kala ko ang dami kong mapapamili kasi yun din yung isa kong purpose bakit ako lumuwas ng Maynila. Kaso parang nagipit sa oras kasi nagpabalik balik kami sa Makati at BGC para i-meet yung mga imi-meet ko. Na-try ko yung mga mukang masasarap na nakikita ko sa IG feed ko kaso disappointing.

Tapos sobrang daming chika with the officemates. Nakakamiss din talaga. Bitin yung usap. Pero happy na nakakwentuhan ko ulit sila. Medyo rated X yung mga kwentuhan kaya na-bother ako na medyo nakikinig ng kapatid ko. Sa Canada naman may mga Pinoy din, pero wala silang kachismis chismis sa katawan. Extremes yung difference. Kung sa Pinas chismis ang bumubuhay sa everyday office work, sa Canada naman work work work bahay lang. Kaya din siguro gusto ko na lang maging freelancer kasi ganun din naman. Parang mas mag-eenjoy pa kong sa bahay na lang. Wala ka pang boss.

Ang bitin din ng meeting with Bogs. Parang di kami halos nakapagkwentuhan. Nag-dinner lang talaga tapos konting usap. Kasama ni Benjo (asawa ni Bogs) yung kapatid nya na halos ka-age ni Tricia. So niloloko namin yung dalwa. Nakipagkita din si Nick kasi pauwi din sya ng Lucena. As usual super nakakamiss si Nick kahit ang dalas naman namin magusap dahil sa podcast. Plano naming gumawa ng episode na magkasama na kami kaso nasa 2nd week na ko ng stay ko, hindi kami makakuha ng time kasi nasa Maynila sya ng weekdays. Baka this weekend umuwi sya para lang makapagrecord kami. Ang boring naman kasi kung wala man lang kaming episode na magkasama. Hindi pati ako mahihirapan mag-edit kasi walang delay.

Ang mahal palang magpa-drive sa Manila. Bukod sa bayad sa driver, syempre kelangan mo din syang bigyan ng pangkain, tapos bayad pa sa toll and gas and parking. Eh ayaw ni Kenneth mag-commute ako (holdapan incident) kaya magpa-drive daw ako. So yung baon ko, lalong lumiit. Eh mamimili pa ko ng mga medyas namin at boxers ni Kenneth. Kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan stressed ang Mama sa mga bayarin. So nung day na to, mga 1AM na ata kami nakauwing Pagbilao. Puyat nanaman. Kahit puyat at pagod, ang hirap pa din matulog. Medyo maingay kasi dito sa bahay tapos ang aga din nilang nagigising. Ang Papa parang 4AM gising na para mag-jogging. Tapos ang Mama may pasok ng 8AM kaya nagpprepare na ng mga 6AM. Hays kelan kaya makakabawi ng tulog.

Saturday. Eto yung isa sa mga eventful na day. Eventful naman lahat pero yung imi-meet ko kasi nung day na to, hindi ko nakausap ng 6 months. Nagaway kasi kami and ang naging resulta, hindi na kami nagusap. Pero bago mangyari yun, birthday bash muna ng Papa. Eto talaga ang reason bakit ako umuwi. Nag-sponsor ang Papa ng kalahati ng ticket ko kaya din ako nakauwi. Iyak ako ng iyak nung day na nakausap ko ang Papa tapos nagtatatalon ako. Few days after namin magusap, binook ko na agad yung ticket. Ang saya ko talaga non na makakauwi ako. Nung pumutok yung balita ng Taal (pun medyo intended) at Corona virus, hindi nag-fade yung saya ko sa paguwi. Looking forward pa din talaga ako. So birthday ng Papa and at the same time, retirement day. Kaya extra special and gusto nyang kumpleto kami. I love you Papa and Mama!

So after ng birthday bop, nag-meet na kami agad ni Nick para pumunta sa meeting place. Si Nick na common friend namin, may plano nga kaming pagbatiin ni Xali. To cut the story short, nagbati na kami. Awkward nung una kasi hindi kami nagsasalita sa isa’t isa directly. Si Nick yung super trying his best na pagusapin kami. Tapos sya yung naiiyak, tapos napansin ko parang nagte-tremors na yung pisngi nya. Kinakabahan din kasi sya. Haha. Tapos ramdam naming hirap na hirap na sya. Pero eventually nagusap na din kami kasi ang usapan, move on na lang. Hindi na namin pinagusapan yung details kasi naisip naming magaaway lang pag binalikan pa. Hindi ko alam kung awkward sa kanya pero sakin nung medyo tumagal-tagal na, parang hindi na awkwardness yung nafi-feel ko. Parang medyo shy type na nacoconscious kasi nga ang tagal naming walang communication. Parang hindi awkward para sakin kasi kilala ko naman sya eh tapos feeling ko ang daming stories na dapat naming pagkwentuhan especially yung situation ni Dale (another common friend). At the same time, pinapakiramdaman ko kung okay na ba talaga sya or may something pa kasi sakin wala na. Pero since hindi ko naman ma-figure out, iniisip ko na lang na sana nga okay na talaga. Kung 15 years kami ni Nick magkaibigan, kami almost 18 years. And masaya na magkaron ng kaibigan na ganun katagal.

After magka-ayos, videoke na with the other close friends. Of course namiss kong mag-videoke kasama sila. Sa Canada walang ganun. Boring talaga. Tapos first time kong mag-inom ulit ng hard. After videoke, kain sa tapsihan tapos nag beach trip kami. Dun namin tinuloy yung inuman. Dumaan pa pala kaming 7-11 before sa beach tapos kumuha ako ng TJ hotdog tapos di ko binayaran. Tawang tawa sakin si Nick. Hindi sya maka-move on. Nakatulog na ko sa beach, hindi na din ako masyadong nag-inom. Mga 5AM na ko nakauwi ng bahay. Puyat nanaman!

Sunday, kainan ulit. Since sabi ko sa Papa na seafood ang pinaka namimiss kong kainan, nagset sya ng lunch sa Ancent Seafood Restaurant. Para syang seafood paluto. Sobrang daming seafood! Nakakaconscious kumain at nananaba na nga ako. Lahat napapansin na tumaba ako. Ok lang kasi at least nagiging conscious akong lumamon.

After busog lusog lunch, dinner naman sa Gerry’s Grill with Kenneth’s side of the family. Ang sarap na naman! Namiss ko yung shanghai nila at adobo flakes. Basta Pinoy food okay na okay sakin. After dinner inakit ko ang F Buddies (Nick, Bong, Xali) na lumabas kasi hindi kami masyadong nakapag bonding na kaming apat lang. Nag tsaa kape lang kami sa Anneville (kung san naiwan ko yung phone ko) tapos nung magsasara na yung Anneville, lumipat kaming Cafe Jungle. Eh since 10PM na and kina Kenneth ako matutulog, nakakahiya naman na gabihin ako masyado kasi mapupuyat sila pag-aantay sakin, tapos si Nick eh kailangan na din lumuwas ng Maynila, nag-decide na din kaming maguwian na. Nakakatawa lang lagi pag topic si Mamshie of the decade. Very controversial kasi kaya between sa aming apat lang nao-open yung topic. Pagkauwi ko nagchat lang ako kay Xali na “Happy ako na ok na tayo ulit.” Parang yun na yung closure. Feeling ko kasi may kulay nung nagkita kami tapos biglang usap na lang na as if walang nangyare. So feeling ko kelangan ko syang i-verbalize. Happy din daw sya. Sana naman wag na kaming mag-away. Sabi nga ni Gel matatanda na kami. Tama nga naman.

Yes malapit na kong matapos. Ang next day na idodocument ko is nangyare kahapon, Monday. Grabe ang sarap ng tulog ko kila Kenneth. Ang tahimik kase dun tapos solo ako sa kama. Walang disturbance. Kung hindi pa ako ginising ni Mommy Glo hindi pa ko babangon. Since naiwan ko nga yung phone ko sa Anneville, kelangan namin syang balikan pagkabukas na pagkabukas. Buti naman at mabait yung nakapulot. Gusto ko sanang bigyan ng chocolate kaso wala naman akong dala. Nung kinagabihan kinokondisyon ko na yung sarili ko na wala na akong phone. Na gagamitin ko na lang yung extra phone ni Kenneth. Pero buti na lang napabalik. Umuwi na din akong Pagbilao after lunch. Meron naman kaming spa date ng Mama sa hapon pagkabalik nya ng office. Nakatulog na naman ako habang finu-foot spa ako (natawa ako nung tina-type ko yung finu-foot spa). Umuwi na din kami immediately after. Nood lang ng konting TV tapos natulog na din kami ng Mama. Magkatabi kami matulog kasi yung kwarto ko, ang Papa na ang nag-occupy. Hindi sila magkatabi natutulog kasi malakas daw humilik ang Papa hindi makatulog ang Mama. Dati nga nung kumpleto pa kami dito sa bahay, sa salas natutulog ang Papa. Nasa-sad nga ako nung una pero nasanay na din ako. Pero ayaw kong mangyari yun samin ni Kenneth. Dapat lagi kaming tabi.

And today is another day! Itinerary:

  • Visit Daddy huhuhu
  • Date with my lola plus my K-pop fanatic cousin
  • Parang yun lang

Medyo chill yung day na to kasi nga ang hectic nung mga nakaraang days. Updated si Kenneth sa happenings kasi almost everyday kaming nagvi-videocall. Nakakatawa nung isang gabi kasi nagkkwento ako about sa pagbabati namin ni Xali tapos biglang masisingitan ko ng “granola bars” at “Japan”. Nananaginip ako habang nagkkwento akong nakamulat. Hahaha. Eh pinipilit kong tapusin yung kwento ko kasi fresh pa. Baka may malimutan pa ko. Miss ko na ang kitty cats. For sure miss na miss na ko ni Walnut. Si Cashew kase very walang pake lang. Super rare maglambing.

Nung rare moments na wala akong magawa sa bahay, pumunta ko sa luma kong kwarto. Naghalungkat lang ako ng kung ano-ano. Tapos nakita ko yung wallet ko nung highschool. Ang dami kong nakitang memorabilias. Nakakatawa yung nakita kong papel na nakatupi tapos pag-open ko, song composition ko nung teenage phase ko. Ang cringy eh. Pero ang galing talaga ng sound/music association. Kasi siguro 10 years ko na yung hindi nakikita pero nung binasa ko, alam ko pa din yung tono nung ginawa kong kanta. Nakita ko din yung mga luma kong drawings. Kung pinagpatuloy ko lang yun super galing ko na siguro ngayon.

Okay! Tapos na ang pagre-recall. Feeling ko may di pa ko naisama pero eto yung mga highlights. 8 more days ang makakapiling ko na ulit si Kenneth and kitty cats. Excited nanaman ako! Sana hindi i-ban ng Canada ang mga taong nagtravel from Asian countries. Pota wag naman huhuhu.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s