Categories
Family Life

Driving Lessons + Video Calls

Road test ko na next week sana makapasa akoooo. Since September, almost every week akong nagd-driving lessons. Magastos pero kelangan ko talaga kasi hindi ako natutong mag-drive sa Pinas. So sana makapasa talaga ako para no more additional gastos.

Pero kung hindi man ako makapasa, masaya pa din kasi marunong na talaga kong mag-drive! As in nakakaliko na ko, nakakapag-drive na ko sa highways, marunong na kong magpark with little assistance. Tinuruan din akong mag-parallel park pero more practice pa. Yun. Malalaman sa Nov 12 kung pasado ba ko.

Balita naman sa aking digital minimalism journey (complete review here), so far okay talaga ko. Hindi ako super nahihirapan mag-adjust. Nafi-feel ko yung JOMO (joy of missing out). Pag nahahapyawan ko yung red notifications, hindi ako nate-tempt i-check. Super konting temptation lang kasi out of habit pero kayang kaya. Hindi ako naaatat makita.

Too early to celebrate kasi 2 weeks pa lang pero in fairnezzz

And na-practice ko din yung sinabi dun sa book na mag-set ng schedule on when to use social media and almost 100% ko syang nasusunod. Nagka-deviation lang nung in-upload ko yung vlog ko kasi nag-post ako about it sa IG pero after kong i-post, hindi ko na tinignan kung may nag-like ba, sino na bang nakakita, etc. Ang layo ko na talaga sa mga dati kong gawi.

And since may sched na nga ako ng paggamit ko ng social media, sched ko ngayon na mag-check ng Messenger (every Friday PM and Sat AM) plus tawagan ang family ko. Ang Kuya, as always, mas nauuna syang tumawag pero after namin mag-usap, tinawagan ko si Tricia at Ate Beng2. Ang saya lang. Sarap makipagusap sa kanila ng hindi sa chat lang.

Bukas naman ng umaga ay time for my friends. Sasabihan ko ang isa sa kanila, kung sino mang available, na tumawag sakin. Kasi unlike family, nakakahiya na bigla na lang akong tumawag kasi baka busy sila. At least kung sila ang patawagin ko, ibig sabihin non available na talaga sila.

And kaya tawag kasi na-convince ako nung book (Digital Minimalism) na conversations (through calls, video calls, face to face) are better than connection (liking someone’s photo, short comments na same lang ng comments ng iba and chatting). So I will almost eliminate chatting and will stick to calling. I will also refrain from liking, commenting and reacting. And I believe it’s great advice.

I know, kung ako yung old self ko, iisipin ko, “Hassle. Bakit di na lang chat??” Eh sakin mas better na ang calls eh. Kung ayaw mo kong kausap eh di wag. Kung gusto mo kong kausap, magtawagan tayo. And yun na din yung point. Mas may effort ang conversations. It will show kung sino ba sa friends mo ang magbibigay ng effort na mag-make ng time and makipag-usap sayo. And yung nakalagay naman sa sched ko, at least once a month lang. It’s not as if every other day magta-try akong makipagtawagan. Sa families ko naman at least twice a month.

Kaya sobrang na-appreciate ko ngayon ang Kuya. Kasi ang Kuya, almost everyday yun tumatawag. Ngayon ko lang na-realize, nakaka-flatter na yung free time nya sa umaga, na pag tulog pa yung mag-iina nya, ako yung pinipili nyang kausap. Love you Kuya!! And si Tricia din, yung bunso naming kapatid, siguro mga 3-4x a month sya tumatawag and almost never ako yung nag-initiate sa mga tawag na ‘yon. Kaya kanina, ako naman yung nag-start. At kasama na din dun ang Mama, Papa at si Kim kasi magkakasama naman sila sa bahay. Saya lang sa feeling. This digital minimalism is working so well for me.

Random Pics:

Si Kenneth lang umubos 😂
Eto naman sakin. Masarap naman pero nagsisi ako. Natakam lang ako.
Ooohh fancy
Sarap. Pero di ko sinunod recipe. Nag-dagdag ako ng asukal para sumarap.
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s