Nakain ko na yung niluto kong sopas kahapon. Masarap nga. Buong araw sopas lang kinain ko.
The last cookie from my Colossal Cookie order
Pumunta akong dentist para ipa-check yung ngipin ko na kailangan ng crown. Sa July 16 at 22 daw gagawin tapos $1,105 ang damage. Hays.
Hindi pa ko nakakapagdrawing ngayon pero baka pagkatapos ko nito magsimula ako
Nag-pack ako ng isang sticker order tapos nag-edit ng pics para sa website. Malapit ko nang matapos ayusin yung online shop may konting products na lang ako na kailangan idagdag
Ganda ng bago kong website 😊
3AM na nga pala ako nakatulog kasi nanood kami ng Ozarks ni Kenneth tapos kachikahan ko si Xali from 2-3AM
Na-move nga din pala yung book discussion para sa binabasa namin this month. Yung bagong novel ni Suzanne Collins, The Ballad of Songbirds and Snakes
Nagluto ako ng chicken sopas. Binigyan kami ng libreng chicken buto-buto nung mama nung bumili kami ng tatlong slab ng pork belly. Kaya naisip ko magandang gawing sopas. Pero hindi ako nakakain ng sopas. Kinain ko muna yung tira kahapon na chicken wings at yung niluto kong bacon sausage chuchu in basil chuchu tomato sauce.
Buy pork belly get free chicken bonesThe ugliest boiled egg
Nag-grocery ako at ang init sa labas ngayon. Minsan kasi may araw na ang lamig na kailangan mong mag jacket kahit summer na dito.
Nagpapa-drawing yung mga pinsan ko kaya sinimulan ko na kahapon dun sa pamangkin ko tapos kanina si Isabelle naman. Bukas ko tatapusin.
Niece
Nag-picture ako ng mga binebenta kong stickers para sa bago kong website.
Modern Family is my jam nitong mga nakaraang linggo kaya lagi lang syang nasa background lalo na pag nagddrawing ako para hindi ako antukin. Minsan bago ako matulog manonood ako ng mga dalwang episodes tapos 2AM na ako makakatulog.
Tinuloy kong basahin yung Steal Like an Artist ni Austin Kleon kaya ako nagsimula nitong daily log. Isa sa mga advice nya na gumawa daw nito pero limot ko na kung bakit.
Almost 11PM na at nag-aakit si Kenneth manood ng Ozarks.
Parang hindi ko pala nakwento kung gano namin na-appreciate ‘tong bagong apartment namin. Nasa ‘washroom’ kasi ako kanina (hindi uso dito sa kanila ang CR) tapos maghuhugas ako ng kamay so binuksan ko yung gripo at bigla kong naalala na dun sa luma naming apartment, mga dalwa o tatlong beses sa isang buwan, ay madilaw yung tubig. Lumang luma na kasi yung apartment na yun. Kaya kalawangin na siguro yung mga tubo. Kaya hindi kami makaligo agad minsan kasi aantayin pa naming luminaw yung tubig.
Ano? Sa Canada naninilaw ang tubig?? Oo. Hindi ko din inexpect. Akala ko dito sa Canada hindi problema ang kalinisan ng tubig. Madami pa akong nadiscover na salungat sa ine-expect ko nung lumipat kami dito sa Canada. Napataas ata masyado ang expectations ko.
Pero dito sa bagong apartment, since last year lang ito itinayo, tapos pangalwa pa lang kaming tenant dito sa unit na to, almost brand new lahat. Kaya love na love namin ‘tong bagong apartment namin. Kaya naman medyo napapasipag ako ng kauntian para ma-maintain yung kagandahan. Pareho pa naman kaming tamad ni Kenneth. Pero kahit sya medyo sumipag.
No more sketchy people
So bukod sa tubig, neighbors. Nakwento ko na before pero again, sketchy yung mga neighbors dun sa dating apartment. Yung landlord na mismo ang nagsabi. Dito hindi kami nawawalan ng package. Mas matitino ang tenants dito.
Location
Katapat namin ang No Frills (grocery store), Shell, Starbucks, Dollarama (mga stuff na mura sa standards nila dito), Pizza Hut, may pet store, KFC, A&W (famous burger chain dito) at tsaka may isa pang kainan na burrito ata yung tinda. Yung No Frills pa lang ok na ok na. Sobrang walking distance lang. Pero for sure pag winter na kahit gano pa kalapit yan hindi ko gugustuhing maglakad papunta dun.
Yung yellow yung grocery store
Parking
Sa basement yung parking namin kaya kahit mag-snow, hindi na mahihirapan si Kenneth magpa-init ng sasakyan o magtanggal ng tumigas na snow sa ibabaw ng sasakyan. Less hassle.
Mas malaking office space
Appliance
In short, yung convenience. Sobrang sobrang convenient dito sa bago naming apartment. Yung kahit mas mahal ang binabayaran namin dito, parang sulit na sulit. Siguro madami pa pero ang last ko na lang naiisip ay yung dishwasher. Since pareho nga kaming tamad, hate na hate namin magdayag (maghugas). Eh since may eczema ako, si Kenneth ang designated dishwasher. Pero nung lumipat kami dito, may dishwasher nang kasama. Kaya ang ginhawa. Parang hindi na namin alam ang buhay ng walang dishwasher. Mawala na yung microwave wag lang yung dishwasher.
Kenneth’s saviorAnother major plus, sariling washing machine at dryer. Hello Cashew 😘
Orayt yun lang. We love you new apartment. Kahit si Cashew at Walnut (mga pusa namin) sure kami na mas gusto nila dito.
Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.
Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.
Ang mga supposed classmates ko na very Gen Z
Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.
Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.
Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.
Say bye to your balls Cashew
Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.
Still a cutie with his cone on
So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.
Ito ata ang pinaka-mahal na cookie na natikman ko pero isa sa pinakamasarap (if not the best)
Ang down ng pakiramdam ko ngayon. Parang ilang araw na ata. Nag-pause kasi. Naging ok ako tapos ngayon ganun nanaman. Eh malamang alangan laging masaya. Pero ang sama lang talaga sa pakiramdam pag dumadating yung mga ganitong araw na pakiramdam mo ginagawa mo naman yung kailangan pero walang nangyayari. Nakakapanghina ng loob. Pakiramdam mo hindi na magbabago kung ano mang nangyayaring hindi maganda. Sumasakit tuloy ang ulo ko.
Minsan talaga kapag ganito yung pakiramdam mo, nakakalimutan mo na magiging okay din ang lahat. Na hindi pa naman katapusan ng mundo (hindi ba talaga? hello covid). Para sa isang pessimistic na katulad ko, ang hirap maging optimistic. Pag maganda nga ang nangyayari naiisipan ko pa din ng negatibo, ano pa kaya kapag ganitong malungkot. Kaya eto nagsa-soundtrip na lang ako (currently playing: big big world by emilia).
Gusto ko lang magsulat dito ngayon kasi nakakatulong talaga pag naglalabas ako ng sama ng loob sa kawalan. Kahit 99% na walang makakabasa nito, nakakatulong kahit papano. Minsan nga mas therapeutic pa to kesa mag-share ako sa ibang tao. Kasi kapag sa ibang tao, may certain expectation ka sa isasagot nila para mapagaan yung pakiramdam mo. Eh pano kung tinawanan ka lang o na-sense mong wala naman silang pakealam, eh di madidisappoint ka lang. Baka lalo ka lang malungkot. At least kapag dito, nami-meet yung expectation ko kasi wala akong ineexpect na sagot. Gets ba.
Anyway, kulang din kasi ako sa tulog. Alas-tres ng madaling araw na ko nakatulog kakapanood ng Youtube tapos ang walang kwenta nung pinapanood ko. Gusto kong bawiin yung isang oras na panonood ko ng walang kwentang video tungkol sa isang Youtuber. In short, chismis. Ang sama din talaga pag di mo makontrol yung sarili mo minsan. Alam mo namang basura yung pinapanood mo pero di mo mapigilan. Pag gising ko tuloy, lambot na lambot ako tapos ang sakit pa ng ulo ko. Pagkakain ko natulog ako ulit. Halos kakagising ko nga lang ulit ngayon (time check 5:46pm) at diretso ako dito sa office para gumawa ng something productive. Pero pinaalala nanaman sakin yung rason kung bakit ba talaga ako nasstress kaya napunta ako dito sa blog ko. Para maglabas ng negative chakra.
Inaantay ko lang si Kenneth matapos mag-vacuum at maghahapunan na kami. Baka naman gumanda ang mood ko sa bulalo. Siguro dahil ilang days ko na din hindi nakakausap ang mga Mama. Matawagan nga.
I was listening to this podcast (Wake Up with Jim & Saab) and I just felt a sudden surge of nostalgia. Parang nabalik ako dun sa highschool days. Kahit hindi naman sobrang perfect ng highschool life ko, it gives me a certain level of comfort and warmth. Kaya siguro napaka sentimental kong tao, bigla ko na lang naaalala ang mga bagay bagay.
Nung highschool ako, isa sa mga pastime ko ay magbasa ng magazines. Una Candy then naging Seventeen then Cosmopolitan nung college. Pero mas nag-eenjoy ako sa Candy and Seventeen. Dito ako super na-fascinate sa buhay sa Manila. Nakakapasyal kaming Maynila oo pero yung dun ka mismo titira, parang yun yung wini-wish ko nung mga panahon na yun. Sobrang ganda ng perception ko sa Manila that time. Sobrang oblivious pa ko sa mga krimen na nangyayari at sa traffic, sa pollution, at kung ano ano pa. Basta kung ano lang yung nababasa ko dun sa magazines (which is mostly good and fun), yun lang yung pinipili kong tanggapin about Manila.
Tanda ko nung may nabasa kong article about sa the best chocolate chip cookie, pinunit ko yung page na yun at dinikit ko sa dingding ng kwarto ko (na pinagalitan ako ng Mama kasi masisira daw yung pintura ng dingding pag dinikitan ng kung ano ano). At habang binabasa ko yung article na yun, ang tanging wish ko lang that time ay makapuntang Maynila at pumunta sa Brother’s Burger at umorder nung cookie na yun. Fast forward to mga 5 years, nung nagtatrabaho na ko sa Maynila, at last! Natikman ko rin! Tuwang tuwa ako pero truth be told hindi sya ang the best for me pero sobrang natuwa lang ako kasi naalala ko yung highschool self ko na pinunit yung page ng magazine at dinikit sa dingding.
Nakita nyo ba yung cookie articleThe caption 😆
Bukod sa food and fashion (which is hindi ako masyadong interested kasi lagi lang akong naka-pants and t-shirt nung highschool and college), meron ding mga articles na madidiscover mo yung iba-ibang adventures ng iba ibang tao na nasa ibang lugar. Ang interesting lang.
Sobrang na-miss ko tuloy sa Manila. Almost 6 years din akong tumira dun. At kahit na-holdap ako dun at nasungitan ng mga kung sino-sinong tao na kala mo kung sino, nakaka-miss pa din talaga. Na-miss ko yung ingay. Dito kasi masyadong tahimik. Parang sobrang kulang. Kulang sa personality yung lugar. Oh well. Pero ang sarap lang mag-reminisce. Parang limot ko na yung mga unpleasant encounters. Puro masasaya yung naaalala ko. Feeling ko ngayon may comfy blanket na nakabalot sakin. Although ibang iba na sa Maynila ngayon dahil sa pandemic, ayaw ko munang isipin yun for once. Let me have this blanket. It’s what I need right now.
Nowadays, sobrang nagbi-binge ako sa anything art related na makita ko sa IG and Youtube. Tapos nagsupport pa ko ng mga artists sa Patreon. Nagiisip nga ako kung gagawa ba ko ng creator account sa Patreon pero for sure naman walang magiging interesado. And isa pa, wala naman akong maisip na content na worthy ng money nila. Btw, Patreon is a platform to support artists by subscribing to their paid content. And actually kung tutuusin affordable lang sya kasi may iba-ibang tiers. As low as $1, magkaka-aaccess ka dun sa ibang content. Pero the higher the tier, syempre mas valuable yung maa-access mo.
So currently, andun ako sa $10 tier ni Samantha Mash and Sara Faber tapos nasa $5 tier ako ni Janice Sung. Sila yung mga idols ko ngayon at kino-consume ko yung past posts nila simula nung nag-start sila ng Patreon nila. And meron ding artist like si Samantha Mash, may sticker freebies na exclusive lang sa “patrons” nya. So patrons yung tawag saming mga supporters.
Kaya ako na-engganyo magsubscribe kasi yung paid and exclusive content nila, merong thorough tutorials ng illustration process nila. And sobrang curious ako dun. At meron pang business related tips and advice. So yun yung mga kailangan ko ngayon dahil wala akong ibang source of info. And dito sa platform na to, sobrang generous talaga nila sa information.
Si Sara Faber yung bini-binge ko ang content ngayon. More than a year na kasi syang nasa Patreon and sobrang dami na nyang na-produce na content. May blogs, vlogs, tutorials, step by step process, weekly updates, ang dami talaga. And meron na syang 1k+ patrons. Ang galing nya and parang super sweet and bait nya. Worth it yung money. So yun lang halos yung ginawa ko maghapon.
Was able to finish this yesterday!
I’m happy dito sa latest creation ko. Mas gusto ko sya kesa dun sa huli. The colors, shadows and highlights mukang nag-improve naman. Kaso sobrang ngalay yung kamay at braso ko kaya pahinga muna ngayon. 8 hours yung total tracked time so sana sa next mas bumilis ako. Kasi kung commission to, mga USD200+ siguro isisingil ko dito. And hindi ganun kasulit yung 8 hours sa $200 ngayong nandito na kami sa Canada. Kung sa Pinas ang laking pera na ng $200 pero iba ang cost of living dito so sana mas gumaling pa yung skills ko para mas bumilis ako. And to give context, meron kaming grocery shopping (lalo na pag sa Asian store) na ang total babayaran namin nasa $150. Tapos hindi naman ako bumibili ng mga kung ano-ano. Sakto lang. So yung $200 parang ang liit na para sakin. Eh kung sa Pinas yun tapos icoconvert eh di around 10k pesos. Aba mga sampung groceries na yun! Oh well. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga tao na “Wag ka kasing magcoconvert!” Ay sa hindi ko mapigilan.
Ay. Naalala ko. Hindi dumating yung package ko. Ngayon dapat yun dadating ba’t kaya hindi dumating. Umorder kasi ako ng backing cards para sa shipping ng stickers ko. Excited pa naman akong makita. Umorder din ako ng stickers ni Samantha Mash hindi pa dumadating. Shipped from US kaya siguro medyo matagal. Sana bukas dumating na.
Ok yun lang. Back to binging na ko. Nasa January 2019 na ko ng posts ni Sara so medyo madami pa. Bukas try ko mag-drawing ulit. Medyo wala din kasi ako sa mood ngayon. Tapos sumakit pa yung dibdib ko kanina hindi ko alam kung bakit. Basta may mga episodes akong ganito na bigla na lang kikirot tapos mawawala after a few minutes. Medyo nakakatakot nga baka heart problem kasi may mga times din na basta parang may naffeel ako sa pagtibok ng puso ko (arrhythmia) tapos bigla akong mahihilo and mahihirapan huminga. Hays ano nanaman kaya to. Kailangan ko nanaman i-remind ang sarili kong mag-healthy living.
UPDATE:
Still reading through Sara Faber’s blog posts and it’s making me feel bad kasi ang problema nya eh sobra syang overworked. Na sobrang stressed sya kasi ang dami nyang nagagawa sa buong araw and mentally drained na sya. Tapos ako naman ang problema ko feeling ko ang chill ko naman masyado. Na parang napasobra naman yung pagrerelax and destress ko. Ewan ko. Actually hindi talaga yun ang feeling ko (gulo), feeling ko ang busy busy ko everyday pero kung ibabase ko yung pagka-busy ko sa napproduce kong art, unproductive ako. Pero kung i-eevaluate ko yung araw ko, hindi nga ako masyado nakakapanood ng Netflix. As in parang twice or thrice a week lang. Pero ang takaw ko sa IG at Messenger. Hindi lang talaga siguro ako magaling sa time management. Subukan ko nga gumawa ulit ng schedule.
Lately, lagi na lang akong 2 AM or 1 AM natutulog. Kasi nagsisimula yung mood kong mag-drawing and gumawa ng anything art related pag tapos na si Kenneth magtrabaho. So mga 5 PM sya matatapos, dun pa lang ako magsisimula. Kaya parang nanlalambot ako netong mga nakaraang araw. Tas wala pa kong exercise nga kasi kung ano ano nanamang sumasakit sakin. Kakawalang gana tuloy.
So feeling ko kelangan kong magbago ng routine. Kasi kahit isipin ko na productive naman ako kahit puyat ako, eh hindi naman maganda dahil baka kung ano nanamang maramdaman ko, mas makakasama pa in the long run. Kaya ngayon matutulog ako ng maaga. Mga 10:30 PM matutulog na ko. Tas sa mga susunod na days aagapan ko pa.
Anyway, excited na kong dumating yung washi tapes na inorder ko sa manufacturer. Apat na designs yun so nakakatuwa na makita yung designs ko sa ganung klaseng product. Sana maganda ang kalabasan. Bukas padating din yung order ko na backing slash thank you card para sa mga future orders. Mas professional na syang tingnan pag may ganun. Inutang ko muna sa savings namin yung pinambayad dun so sana naman kumita. Ang dami pa namang kompetensya na washi tapes sa Etsy tapos mas mura. Bahala na. Buti medyo mura lang naman kasi direct manufacturer.
Nakakainggit yung ibang artists na idols ko sa IG, talagang halos araw-araw sila nakakapag-drawing. Ako depende sa mood so ang konti ng napproduce ko. Ang hirap talaga pag innate na tamad. Naffrustrate ako sa sarili ko.
Drawing ko kahapon. Sana ganito everyday.
PS:
11:35 PM na. Matutulog na talaga ko. Toothbrush muna. Nakapag-drawing naman ako kahit papano.
Nung last day ng April ni-log ko yung ginawa ko sa isang buong araw para ma-check kung productive ba ko. Kasi nga feeling ko parang ang konti ng nagagawa ko simula nung nag-freelance ako. So ito ang kinalabasan:
7:10 am Woke up
7:15 am Pooped
7:30 am Nagiisip ng gagawin kung magw-workout
7:40 am Food prep
7:45 am Workout
8:05 am Rest
8:30 am Vacuum
8:45 am Prep and cook (with social media in between kasi pinapakuluan pa yung sopas)
9:45 am Ligo while sopas is cooking
10 am Continue cooking
10:20 am Brunch
10:40 am Impis dishes + laundry
11:10 am Chill
11:35 am Work (ended up journaling)
12:15 pm Figure out what productive thing to do (ate sopas)
12:40 pm Chill
1 pm Work (Etsy store, new listings, business social media posts)
4 pm Chill and eat
5 pm Piano
5:55 pm Chill
7 pm Work (new designs + future plans)
9:45 pm Chill
10:45 pm Zzzz
So ico-compute ko yung hours na productive ako and chill lang. Pero eto ang gusto ko sa freelance. Magbbreak ako kung kelan ko gusto. Hindi katulad sa office na minsan sasapit ang 10 or 11 am tapos antok na antok na ko pero hindi ako makapag-break dahil 12 pm pa ang lunch break ko. Tapos 30 mins lang yung lunch break. Okay so eto ang kinalabasan:
Work – 5 hrs 45 mins
Chill – 3 hrs 55 mins
Homemaking – 1 hr 40 mins
Eat – 1 hr 45 mins
Self care – 2 hrs 10 mins
Daily routine – 30 mins
Hindi ako ganun kasaya sa work hours ko pero since araw-araw naman ako nagttrabaho (including weekends), okay na siguro ang 6 hours a day. Pero siguro yung chill hours ko need kong bawasan ng konti, gawin kong mas productive like reading or learning a new language. Yung sa pagkain ko talagang mabagal na ko kumain ever since so normal na yan. So mukang ang need ko lang i-adjust is yung chill hours. Kahit reduce lang to 3 hours kasi hindi ako pwede nang nas-stress dahil nga ang dami kong health issues.
Ang saya palang mag-keep track ng daily activities. Gagawin ko uli to bukas.
Si Cashew na laging tulog pero sobrang ingay pag gising