SETTING: Tanghali. Sobrang maaraw pero minus 4 degrees sa labas. Andito ko sa office at tulog si Cashew katabi ng monitor ko. Pero umalis na sya. Halos kakatapos ko lang magtanghalian at naisip kong magsulat dito.

HANASH: Nag-snow na kahapon pero patikim pa lang. Tunaw na ulit ngayon. I think medyo madaming chika so simulan na natin.
- First time mag-Seafood City


Not sure kung na-share ko na ba ‘to pero at last! Nakapunta na kami sa Seafood City. Pinoy stuff haven ang lugar na ‘to. Syempre hindi namin pinalampas ang chicharong bulaklak pero grabe yung mantika. Nakakaguilty ang bawat kagat pero ang sarap naman eh. Dami pa naming sinubukan and the week after ata bumalik pa kami.




- Dinnery party with friends
Natuloy din ang get together ng mga Mapuans. So nagkwentuhan lang hanggang past midnight and kain ng masarap na food. Naglaro din kami ng Overcooked 2.

Kahapon andito uli si Trix naglaro uli kami and kwentuhan.
- Book Club Anniversary
Wow lagpas 1 year na pala kami. Ang bilis. Kung wala pang nag-point out, hindi namin marerealize na naka 1 year na pala kami. So ang saya kasi may sarili na din kaming Discord group. Mas masaya na ang kwentuhan and mas madami nang nagpaparticipate sa usapan.

Ang mga binabasa ko ngayon ay Pride and Prejudice, The Wind-Up Bird Chronicle and baka magsimula ako ng isang middle grade book para may pang balance sa dalwang books na ‘to.

- Meal Kits

Tuloy pa din ang mga meal kits deliveries namin. May mga discount codes pa din kasi ako kaya medyo nakakatipid pa. Tapos yung Chef’s Plate binigyan kami ng 2 free boxes kase nagka-aberya yung delivery namin 2 weeks ago ata yun. So yun. Kaso fail yung ibang recipes hindi masarap. Swertehan din.

- Random
Nakigaya ko sa bathtub trip ni Kenneth at ang saya pala talaga! Sobrang nakakarelax nung init sa katawan at sa isip. Mamaya makapag bathtub ulit. At dahil kami ay sosyal, bumili ako ng Lush products. Pag naubos na, dishwashing liquid na lang π

Pagdating sa mga pinapanood, tinatapos ko yung The Haunting of Bly Manor. Kung hindi ko nalaman na andun din pala si Victoria Pedretti, baka di ko panoorin yun.

May bago nanaman kaming biniling game. Hays last na talaga ‘to for now. Pero sa lahat ng games, sya ang may pinaka may pakinabang. Fitness game kasi sya. Ring Fit Adventure ang name.

So consistently naman namin syang ginagamit para sulit na sulit. So basically may body motion sensor (ba yun?) tapos pag tumakbo ka, tatakbo din yung character mo. Tapos may mga monsters din. Mapapatay mo sila pag nag-squat ka or knee to chest press and kung ano ano pang type ng exercise so nakakaaliw π In fairness nakakapagod talaga sya at ang sakit sa muscles kinabukasan.

As mentioned kanina, nag-snow na dito nung isang gabi. Nakakatamad nanaman maglalabas. Sobrang tatamarin akong mag-drop off ng orders. Ang lamiggggg. Nilabas na rin namin yung humidifier namin at ang dry nanaman ng hangin. Ang sakit sa lalamunan.
Medyo heavy ang pakiramdam ko ngayon actually. Parang ang bibigat kase ng mga nangyayare sa mga taong nakapaligid sakin kaya medyo nadala ko ata yung load. Kaya ngayon nagttry lang akong magrelax.
Nagkaka-trouble in podcast paradise din kami ni Nick kasi nagkakatamaran na. Mostly kaya ako tinatamad kasi parang nakikita ko sa kanya na tamad na sya. Eh this was supposed to be fun kaya kung hindi na sya fun, tigil na lang. Sabi naman nya gusto pa din daw nya ituloy pero I don’t know baka unaware lang sya sa sinasabi nya.
Ako kase yung type ng tao na hindi namimilit. Madali akong kausap. So kung tamad ka, mas tatamarin ako. Kung ayaw mo, mas ayaw ko. Hindi sa parang nagmamatigas pero automatic talaga na nagiging ganun yung feelings ko. Kaya sana magkaalaman na lang kung tuloy pa ba o hindi. Parang di na kasi kami same wavelength pagdating sa pagpa-podcast. And hindi naman ibig sabihin friendship over na. Duh. For me ganun pa din, kung pano kami nung wala pang podcast. We’ll see. I’m gonna feel things out muna kung mawawala yung doubts ko sa F Buddies podcast. Kase pag nafi-feel ko pa rin na forced, baka magstep back na ko.
- Random Pics












