Categories
Life Pals

Good Mood

Madalas pag nagsusulat ako dito, puro mga kalungkutan at pighati (hindi ko talaga alam ang literal meaning ng pighati pero lagi syang kakabit ng kalungkutan). Pero kahapon, ang ganda ng mood ko. So yun naman ang isusulat ko ngayon para maiba lang. Eto yung mga tingin ko na reasons bakit ako good mood kahapon:

  • Madami na ulit akong spins sa Coin Master Sa mga hindi nakakaalam, mobile game ‘to na inintroduce samin ni Nick. Basically, slot machine sya at padamihan ng coins and spins. May mga quests, card collecting, pets, etc. Ang daming components kaya nakakaadik. Adik kami ni Kenneth tsaka iba pa naming friends. At one point nung naubusan na ko ng spins, gusto ko nang magquit paglalaro. Eh dumami ulit so adik nanaman ako.
  • Speaking of Nick, nagrecord na ulit kami ng new episode ng podcast namin As of this morning, nasakin na yung edited episode and excited na kong pakinggan at excited na ko sa aming pagbabalik. Kaso mukang magbbusy uli si Nick kasi natanggap na sya sa ospital. We will see.
  • Na-hire uli ako ni Dale para i-illustrate ang kanyang novel So nage-enjoy akong magisip ng mga kung ano-anong ideas. Iba talaga yung motivation kapag may direction yung ginagawa mo. Nahihirapan kasi ako sa mga personal projects. Pag may client kasi may goal ka na agad kung anong kailangan mong gawin at may idea ka kung san ka pupunta.
  • And since good mood ako, kinamusta ko yung mga friends ko Nakakatawa yung pinagusapan ni Xali about lack of kilig. In short, tumatanda na kami.
  • Itaewon Class To cap off the night, actually madaling araw na, nanood ako ng isang episode ng Itaewon Class kaso hindi ko natapos kasi inantok na ko

Hindi perfect day yung kahapon dahil may isang makulit. Pero somehow, ang ganda talaga ng mood ko. Parang rare kasi yun sakin nowadays.

Kung good mood ako kahapon, ayos pa din naman ako ngayon. Madami akong nagawang household chores pagkagising na pagkagising ko tapos nagluto akong chicken pastel and may dumating na package from Amazon. Dumating na yung facial wash ko at moisturizer. At ang pinaka-exciting, dumating na yung robo vacuum! Medyo matagal ko nang gustong bumili ng robo vacuum pero naisip ko gastos lang. Pero na-remind ako ulit nung naglilinis ako ng cat litter na nagkalat sa sahig tapos kalilinis ko lang, nagkalat nanaman ang mga kitties. Ang repetitive nya tapos every time na gagamit ng litter box ang mga kitties, magkakalat at magkakalat sila. So naisip ko ang ginhawa sana kung may robo vacuum. Tapos nagdecrease pa yung price ng $50 so grinab ko na agad. Payag naman si Kenneth and banong bano kami kanina nung tinesting na namin.

Pati sila bano

4:30PM na ngayon and ngayon pa lang ako gagawa ng art related stuff. Nadistract kasi ako paglalaro ng Coin Master habang nanonood ng Community. Ang ganda ng tv show na to. Ang daming life lessons. Kaya feeling ko uulit ulitin ko to tapos magttake notes ako.

Orayt yun na muna. Sana tuloy tuloy ang magandang mood. Makabawi man lang sa mga araw na malungkot.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s