Categories
Life Today's Log

Today’s Log 6 | Good Day

Slow Wednesday

Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng araw ko ngayon. Ang dami kong nagawa and parang almost perfect day sya kung tatanungin ako kung anong perfect day para sakin. Tsk sana wag ma-jinx hindi pa tapos ang araw. Matulog na kaya ako.

Commercial 😄 Halloween costume ni Cashew 😂

Una, nagising ako ng 7:30 ng umaga tapos almost every morning ganun na yung routine ko. Magtitiklop ako ng kumot, aayusin ang kama, ilalagay yung mga tuyong pinggan sa lalagyan, magwawalis ng nagkalat na litter ng dalwa naming pusa. Tapos ang sarap nung feeling na hindi ako nagmamadali. Wala akong hinahabol na oras. Tapos paglabas ko pa ng kwarto medyo nahapyawan ko pa yung sunrise. Kaya ang saya ko din ngayon eh kase fall na. Hahaba na ulit ang gabi. Maaabutan ko na lagi ang sunrise. So yun ang routine ko sa umaga at more than 2 weeks na ata na ganito. Sobrang amazing nun for me kasi hindi talaga ko nagtitiklop ng pinagtulugan namin dati. Kasali ako dun sa mga advance magisip na magugulo din naman. Pero may inner joy talaga pag maayos ang kapaligiran.

So ang sarap din ng agahan ko. Laing at tinapang bangus. Eto rin ang dinner at tanghalian ko kahapon and ang sarap talaga. Sobrang Pinoy feels and yun yung mga small things na nagpapasaya samin since nandito kami sa ibang bansa. Sana may tira pa para agahan ko uli bukas.

Good job Mama Nors!

Siguro mga past 10am na ko natapos kasi mabagal akong kumain and mabagal nga akong gumalaw. Sumaglit ako sa office at nagtrabaho ng konti. Inasikaso ko lang yung mga orders sa sticker shop ko at nagprint ng konting stickers. Sa wakas gumana na yung Cricut machine ko! Sa wakas talaga.

New sticker sheet

So since magla-lunch time na rin, nagprepare ako nung binili kong salad. Bago sya sa paningin ko nung naggrocery kami kahapon kaya gusto kong subukan (avocado ranch). At since medyo bumibigat na ko eh gusto kong magpaka-healthy ng konti. So another masarap na pagkain nanaman tapos pinaresan ko pa ng ube cheese pandesal na order ko lang din online. Panalo pati tanghalian. I’m on a roll!

Maiba naman muna sa caesar salad

Pagkatapos ng konting trabaho, pumasok ako sa kwarto at nagbasa ng aming September book of the month. As mentioned before, meron kaming book club with my pod sibs at ang book na binabasa namin ngayon ay Stardust by Neil Gaiman. Ang ganda nanaman sa mood kasi ang ganda nung story. Mamaya magbabasa ako ulit kasi malapit na yung discussion namin. So nung nasa almost 20% na ko, as expected, nakatulog na ko. At hindi dahil nakakaantok yung book kasi nga maganda sya. Ganun lang talaga ko pag nagbabasa whether pangit or okay yung book. Kaya maganda din magbasa sa gabi, pampatulog. Pagkagising ko sa idlip ko, nakapagbasa pa ko ng konti so 23% na yung progress ko ngayon.

Ano kayang mangyayari kay Tristan

After non naglaba ako tapos nung napansin kong 4:30 PM na, nag-ready na akong magluto ng hapunan. Eto yung meal kit ulit from Chef’s Plate naman. Hindi ako masyadong nasarapan pero since ang sarap naman nung agahan at tanghalian ko, pwede na. Pagkatapos ng hapunan, ligpit ligpit ng pinagkainan habang naliligo si Kenneth. Tapos nagbonding lang kami sa salas ng konti. May pinapanood syang bagong series na hindi ko trip. Ratched yung pangalan. Ang warm nung hug namin kaya ang sarap sa feeling.

Maple teriyaki pork chops. Ayos ba yung plating?😄

Pagkatapos ng few minutes na hug pumunta na ko dito sa office para ipagpatuloy yung pinagaaralan ko na gesture drawing. I think may improvement naman. So habang nagddrawing ako nakikinig lang ako ng mga new podcast episodes (Eve’s Drop and Telebabad Tapes) tapos ang ganda pa din ng mood ko. Hindi ko pa actually natapos yung isang podcast kase dun ko biglang narealize na ang ganda ng araw na to tapos tinigil ko muna para ma-document ko dito. So ayun. Andito na tayo sa present time. After nito ipagpapatuloy ko na yung pagbabasa ko. Bukas na ko ulit magddrawing habang nakikinig ulit ng podcast.

Medyo excited akong ipagpatuloy bukas kasi nagiimprove na ko 😁

Goodnight! Sana wag ma-jinx please!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s