- Siguro yung pinaka-major is intern ako ng Linya-Linya. Fan ako ng Linya-Linya so super happy ko nung na-accept ako. Tapos nakatrabaho ko si Ali and si Rob Cham na magaling na artist. Masaya yung experience kasi first time kong maging part ng Creatives Team. So maganda din na may ganito akong klase ng experience since kina-career ko nga nga ang maging artist. One month lang yung internship which is okay lang naman kase namimiss ko na din na mag-focus sa sarili kong art. And ang saya din na may mga tao na nakaka-relate sa ginagawa mo which is yun ang wala ako before this. Wala kasi akong friends na artist/illustrator.

- Siguro etong past few months yung all time high record ng sales ng online shop ko. Nagugulat ako minsan halos araw-araw may orders. So ang saya. Tapos si Dale din may mga illustration na pinapagawa so another extra income. Kelangan ko lang talagang mas maging masipag pa. Hindi pa din ako happy sa productivity ko.


- Natupad yung isa sa mga nasa wish list ko which is yung Wacom Cintiq 16 na tablet! Yehey. In fairness sa pessimistic self ko, nag-improve naman talaga ko sa pagddrawing pero hindi pa din ako satisfied. Masyadong mataas ang standard ko para sa sarili ko which is okay naman yun pero minsan masama rin. So lagi ko din chinecheck yung sarili ko pag masyado akong nagiging too hard on myself.

- Super ganda ng It’s Okay to Not Be Okay. K-drama sya. Kaya din extra maganda kase nagustuhan din ni Kenneth so bonding namin yung panonood nito. Rare makagusto si Kenneth ng k-drama tapos love story pa so yun.


- Pina-spay na namin si Walnut. Buti okay naman yung recovery nya and halos back to normal na sya ngayon. Medyo delicate pa din kami sa paghawak sa kanya just in case tender pa yung surgical site.

- Another bonding moment, yung game na Codenames. Parang ito yung game na pinakang nag-enjoy kami na kami lang yung naglalaro. Basta fun game sya.

- Naka 1 year na yung podcast naman ni Nick! Haha akalain mo yun.
- Yung recent is yung pa-free Google Nest Mini ng Spotify. So far nakakaaliw syang gamitin.

So far yun lang naman yung highlight ng August and September 2020 namin. Tuloy pa din yung monthly book discussions namin and tuloy pa din yung online art courses ko. Medyo nawala yung sipag ko sa pagluluto pero paminsan minsan ginaganahan. Okay din kami ni Kenneth. Feeling ko pa-improve ng pa-improve ang relationship/partnership namin kahit may mga pinagaawayan at pinagtatalunan. Orayt next time ulit. Nanonood ako ng The Notebook ngayon. Kanina Sweet Home Alabama tapos kahapon Legally Blonde 😄
