Categories
Canada Food Life

Organization + Meal Kits + Socialization

Medyo madaming happenings ang naganap na gusto kong mabalikan in the future kaya kelangan ko na tong isulat bago pa lumipas. Gawin ko na lang chronological order.

Singit ko lang yung binili ko sa Dollarama. Ganda šŸ˜

Few weeks ago, napa-binge watch ako ng vlogs ni Penelope Pop. Matagal ko na syang finafollow and aware ako noon na may Youtube channel sya pero hindi ko masyadong pinapanood. Pero nung napanood ko yung isang vlog nya about organization, ayun nagtuloy tuloy na. So peg na peg ko sya ngayon and sya yung naging driving force ko para i-organiza ang space namin. As of today, ang dami ko nang naayos and super happy ako sa result.

Made this para di ako masyadong malito

Yung isa pang bago, meron akong sinubukan na meal kit subscription from Hello Fresh. Malaki yung discount nya for first time customers kaya napa-try ako. Pumatak lang na less than $5 (P185) ang isang meal and since mahina akong kumain, yung isang serving ay 2 servings sakin. Mura na yun kase ang typical meal dito ay $10 (P380) so naging $2-3 per meal lang yung sakin (around P95). And in fairness, not bad yung mga food. Mostly masarap pa nga. Ikaw pa rin ang magluluto pero okay lang naman kasi mahilig din akong magluto. Kaso pag tapos na ang promotion, papatak na $10-11 ang isang meal.

Jerennn
šŸ˜
Living for the visually appealing packaging

Next week, Chef’s Plate naman yung parating na box samin since malaki ulit ang discount kase first time ulit. May isa pa kong gustong i-try. Goodfood naman ang pangalan nung company.

Meal #1 – 5/5 🌟
Nice infographic
No more excess parsley na malalanta lang

Ang question ko sa sarili ko ay, oorder pa din ba ko after ng promotion kahit papatak na $10-11 ang isang meal? I think yes. Worth it pa din naman. Lalo na kasi nga nakakadalwang kainan ako sa isang serving nila. And totoo din kasi na kapag sarili naming grocery, ang daming nasasayang lalo na yung mga gulay kasi hindi mo naman pwedeng ifreezer yun. So more or less same gastos lang. Ang difference lang pag naggrocery compared sa meal kits ay food waste. And ayaw naman natin magaksaya ng pagkain. So I think yes. May mga weeks pa din siguro na go kami sa meal kits lalo na kung masarap yung menu nila ng week na yun. Every week kase iba iba yung nasa menu and ikaw ang pipili kung anong meal kit yung gusto mong ipadala nila.

Meal #2 – 2.5/5 🌟
Cuteee

So yun another discovery and fun experience sa mga meal kits. Namiss ko tuloy nung nagpapadeliver pa ko ng food sa Dear Diet. Ang sasarap din ng food nila and yun, luto na. So mas convenient tapos may mga healthy desserts pa. Talagang another proof na mas spoiled tayo sa Pinas.

Meal #3 – 4/5 🌟

Next naman. Nahulog si Walnut sa bathtub šŸ˜… Lately kasi nagiinarte si Kenneth and nahilig syang magbathtub para daw relaxed and chill. So pag nagbabathtub sya, lumalapit si Walnut and Cashew tapos naglalakad lakad sila dun sa edge ng bathtub. So ayun si Walnut nadulas. Takbo ako agad kase ang lakas nung splash tapos alam ko na kung anong nangyare. Kawawa yung dalwa kase syempre basang basa si Walnut tapos si Kenneth ang daming kalmot šŸ˜… Bathtub pa more šŸ˜†

After a few minutes…
Kawawa ka naman Walnut šŸ˜‚
Tried Lush for the first time
Smells so good pero and mahaaaal

May mga social events din na naganap tulad ng baking and dinner party. Pumunta dito si Trix (kapitbahay namin) and nagyaya magbake kasi ang dami daw nilang peanut butter. Ayung nagbake kami ng peanut butter swirl brownies. Masarap sya pero lately naumay ako. Nakarami na ako masyado ng kain.

Tapos nung isang araw naman 25th anniversary ng tito and tita ko so ayun nagdinner kami sa kanila. Actually medyo nabother ako kasi ang dami nilang bisita. Puno yung taas and baba ng bahay nila kase ilang families yun. Kaya after non parang ayaw muna namin makipag socialize. Pass muna sa mga gatherings at mahirap na.

Doubled the recipe
Happy silver wedding anniv!
Foooood

So yun lang pala ang mga nangyari. Ay wait hindi pa pala! Nung Friday nag e-numan kami with the Linya-Linya team dahil last day na namin as an intern sensation! Super mami-miss kong maging part ng Linya-Linya Creatives Team. Bukod sa pagddrawing, isa sa pinaka mamimiss ko eh magdeliberate ng mga new shirts. Feeling ko yun yung favorite part ko šŸ˜‚ May access kami sa mga future shirts na gagawin and kinukuha nila yung input namin kung okay ba sya, bebenta ba sya, etc.

Medyo successful heart šŸ˜‚
Nice meeting everyone!😊

Lastly, pinanood ko sa Netflix yung famous na documentary nowadays called The Social Dilemma. Really really interesting. Buko sa personal concerns ko, mas naging concern ako sa mga bata na sobrang adik and nagkakaron sila ng poor body image. Nakikita ko kasi to sa mga pinsan ko and as much as gusto kong sabihan yung nanay nila, ang hirap din namang maki-epal. And hindi ko naman sila nakakasama 24-7 so baka dinidisiplina naman sila, hindi lang namin nakikita. Sana. And with that, I’m gonna end this blog post.

Watch it!

Random pics throughout the past few weeks:

One of the many video calls with Gillian and Kuya ā¤ļø
šŸ’™šŸ’™šŸ’™
šŸ˜†
Beautiful sight 😻
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s