Swimming day again. Days pala kasi overnight kami this time. Commercial muna sa Papa na paglabas ko ng kwarto nasa dining table nagvi-videoke mag-isa hehe.
Mukang nag-eenjoy sa bigay kong iPad 😄
Swimming timeee again!
Sa Agdangan naman kami nag-swimming. As usual, ang sasarap nanaman ng pagkain. At as usual, wala uli akong planong mag-swimming dahil tinatamad akong magbanlaw pagkatapos. Too much effort sakin ang maligo ng 2x a day kaya din siguro ako tinatamad.
So dun sa pinuntahan naming resort, merong mga floating cottages. Ganito yung itsura:
Eto yung magandang floating cottage. Hindi kami dito dinala nung bangkero. May bayad ata.
Excited akong magswimming kahit hindi naman ako magsi-swimming. Wala lang. Gusto ko lang tumambay by the beach/pool tapos kakain ng masarap pag nagutom na. Gusto ko lang yung summer vibes kasi sa Winnipeg snow pa rin ng snow that time.
Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.
Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?
Yung mga inaalala ko sa paguwi ko, hindi lahat nangyari. Kung alin pa yung akala kong hindi magkaka-problema, dun pa nagkaron ng disaster. Kasama siguro ‘to sa top 3 worst na nangyari sa buhay ko.
Di ako masyadong mapakali. Parang ang dami kong kailangan isipin pero di ko maisip kung ano. Malapit na kasi akong umalis pauwi ng Pinas. 1 week na lang. Feeling ko ang dami ko pang nalilimutan. Iniisip ko yung mga dapat kong ibilin kay Kenneth. Kanina naturuan ko na sya kung pano diligan yung mga halaman ko. At least naka-install na yung pet cam, mababantayan ko sila. Ano pa ba.
Wala sanang bad news kung na-check ko agad yung start date ng klase. Masyado akong na-excite magpabook ng ticket kaya natamaan yung date na dapat magsisimula na ko. Buti na lang pwedeng ma-refund yung deposit so wala namang nasayang na pera. May option din akong i-rebook yung ticket para ma-move yung date at maka-attend ng klase kaso may babayaran na $32 (1,200 pesos). Pero mas pinili kong walang bayaran. Next time na lang ulit ako mag-eenroll.
First time kong makausap yung tito ko na nasa UK. Parang sa lahat ng tito ko sya yung hindi ko masyadong nakakausap kaya medyo big deal for me na nagusap kami over the phone. Yung hindi sa chat lang.
Eh kasi nagbabalak nga kaming mga taga ibang bansa na umuwi ng 2022. Last year pa dapat kaso alam nyo na.
Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod. Kaya yun lagi ang dialogue ko sa umaga. Na mags-start ako bukas maglakad lakad. Pero kinabukasan, sasabihin ko ulit na bukas. Lagi na lang bukas tapos hindi natutuloy.
So kahapon, yun ulit ang sinabi ko. Maglalakad ako sa labas bukas ng umaaga. This time sinabi ko rin kay Kenneth. Nag-check ako ng weather bukas ng 8AM: -30, feels like -40. Tumawa si Kenneth. Alam na daw nya ang mangyayari. Pareho kami ng iniisip.
🥶
So kinabukasan (kaninang umaga) nagising ako ng past 8AM. Parang ine-evaluate ko yung sarili ko kung tototohanin ko na ba yung matagal ko nang balak. Siguro dahil gusto kong i-prove kay Kenneth na mali sya. Tsaka mabilis lang naman ako. Pero parang tanga lang kasi sa dinami-rami ng araw na gusto kong lumabas, pinili ko pa talaga yung araw na sobrang lamig na.