Categories
Pilipinas Travel

Bohol Trip: Day 1 | PH 2022 Series

April 21

First time kong makapuntang Bohol. Yung first day namin, may konting inconvenience nung una pero naging okay na rin nung naka-relax na. Tsaka maganda yung resort at masarap yung food kaya na-distract na rin kami.

Ang Mama ang may idea na mag-Bohol kami for 4 days. Kami = Mama, Tricia (kapatid ko), Ate Beng2 (tita ko, kapatid ng Mama) at ako. Pareho kaming panganay na babae ng Mama tapos parehong bunso si Tricia at Ate Beng2. Yung dynamic namin, parang aso’t pusa ang Mama at Tricia 😂 Pero mamaya bati na ulit. Tapos kami ni Ate Beng2 yung mas chill tapos pinagtatawanan lang namin yung dalwa minsan.

Etong trip na ‘to ay replacement dun sa hindi namin natuloy na trip supposedly last year. Nag-book kaming apat pa-Japan kaso di natuloy dahil nga sa pandemic. Sayang ang saya din sigurado nun. Sa 2024 na lang daw sabi ng Mama.

3-4 hours ang byahe from probinsya namin to NAIA. First time namin nalaman na may Terminal 4 na pala. Kasama namin ay yung driver at pinsan namin na si Marcus kasi clingy sya. Sad sya na mawawala kami ng 4 days lalo pa at kasama ang kanyang favorite cousin na si Tricia.

Bye Marcus!

Sa airport, ang daming tao. Tapos delayed yung flight namin ng 1 hour ata. Eh gutom na sila tapos disappointed sila na wala man lang Jollibee. Mga stalls lang na pang-meryenda. Pero natuwa ako kasi may Muhlach Ensaymada, favorite ko.

May pini-picturan ako dito 😆
Buti may charging station. Sakto low batt na ko.
Finalleyy

Okay naman yung flight. May batang iyak lang ng iyak buong flight. Di naman ako masyadong na-bother, humahaba na ata ang pasensya ko. Yung hotel namin ay sa South Palms Resort. Sabi ni Tricia, isa daw sa pinakamagandang resort sa Bohol. 5-star ata. Tapos officemate nya raw yung may ari pero hindi sila close. Sayang naka-libre man lang sana ng lunch or spa 😂

Mali spelling 😂

Bad experience yung pagcheck-in namin. Pero bago yun, ang ganda nga nung resort! Pinaka magandang resort na napuntahan ko. Pero sabi ni Tricia, mas maganda daw yung Amorita. Nag team building ata sila dun dati. Same lang daw yung may ari nung dalwang resorts na yun pero mas mahal daw sa Amorita kaya dito kami sa South Palms. Eh kung super nagagandahan na ko sa South Palms, di ko ma-imagine yung Amorita. Next time siguro pag may budget na ulit ang Mama kasi sya ang sumagot ng accommodation namin haha! Thanks Mamaaa 😘 Pero niloloko namin kasi parang naging high blood. Basta after nya magbayad nung balance sa accommodation, laging nakakunot tapos ang taray. Napapaisip ata sa nagastos nya 😂

Di malamig
Mama 🤍
We so cute 🥴
Natuloy din ang mga soledad 😂
😋

Back to our unpleasant experience, pagdating namin, hindi pa ready yung room. 3PM ang check-in time, 3:30PM kami dumating so dapat ready na. Basta ang tagal naming naghihintay. Hindi umubra yung pa-welcome drink nila na cucumber lemonade. Kahit super sarap at refreshing, ang tagal talaga. Hindi pa raw nalilinis yung room.

Commercial. GGSS yern 😂

Nung nag-follow up na yung kapatid ko, saka kami pinapunta. Pero pagdating namin sa room (medyo malayo-layong lakarin), saka pa lang lilinisin! As in magsisimula pa lang yung maglilinis. Ako’y nagsisimula nang masura (mainis) kasi ang init, ang layo, tapos wala man lang kaming mauupuan sa labas nung room habang naglilinis si ate. Sura na rin ang Mama at Tricia kaya bumalik si Tricia sa reception para mag-complain.

The rooms

Pagbalik ni Tricia, may dala na syang bagong key card. Nilipat kami sa ibang room pero mas malayo. As in konti na lang dulo na. Inisip ko na lang na sa dinami-rami ng masasarap na kinain ko mula nung uwi ko, maigi na ring exercise. Tsaka gusto na namin mag-ayos ng gamit at mag-chill kaya okay na lang kahit malayo.

Nakapasok din

Una sa agenda: dinner. After ng hassle, gusto na namin kumain ng masarap. Dun kami kakain sa restaurant nila, Oceanica Seafood Restaurant.

Shrimp mango corn salad. Sarap nito 😋
🤍🤍🤍
🍽
Mango tapioca. Tamis nung mangga 🤤

Kung nung mga nakaraan ay tinatamad akong mag-swimming, dito nag-swimming na ko. After kumain, pumunta kami ni Tricia sa beach.

Tulugan na 😴
End of Day 1

Bohol Trip

Day 1 | you are here
Day 2
Day 3 & 4

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s