Categories
Canada Family Life

Mostly Good News

Change of plans.

Bad news: Hindi na ko matutuloy sa French classes

Good news: Uuwi ako this year!

Wala sanang bad news kung na-check ko agad yung start date ng klase. Masyado akong na-excite magpabook ng ticket kaya natamaan yung date na dapat magsisimula na ko. Buti na lang pwedeng ma-refund yung deposit so wala namang nasayang na pera. May option din akong i-rebook yung ticket para ma-move yung date at maka-attend ng klase kaso may babayaran na $32 (1,200 pesos). Pero mas pinili kong walang bayaran. Next time na lang ulit ako mag-eenroll.

Hindi pa talaga ako dapat magpapa-book kasi ang mahal ng ticket ngayon. Kung ako ang masusunod, balak ko October, November or December para mura mura. Kaso sabi ng Mama ituloy ko na raw ng March or April habang lifted ang hotel quarantine. Baka daw magbago pa pag later this year pa ko tutuloy. Kaso sabi ko di kaya ng budget. Dadagdagan daw nya ang pambili ng ticket ko. Wow Mama big time! Haha. So sweet. Pero medyo nahiya kasi ako kaya sabi ko wag na. Sabi ko sya na lang bahala sakin paguwi ko hehe.

Yung tito ko na taga dito rin sa Canada, pauwi rin ng March. Kaso 100,000 pesos yung ticket nila so naghanap ako ng mura mura. Yung nahanap ko ay April. So hindi kami mag-aabot. Yung tito ko na taga UK naman na gusto ko sanang sabayan, na-postpone yung uwi to next year. January next year daw sila makakauwi. Masyado nang malayo for me. Ako eh gusto ko na talagang makauwi. Kung papalarin at magkaron ng himala na biglang dumami ang pera namin pagsapit ng next year, eh di uuwi na lang ako ulit. Kaso sobrang labo na nun.

Wala pa kong pinagsasabihan sa mga kaibigan ko ng paguwi ko. Sabi ko lang may plano pero di ko sinasabing may ticket na ko. Siguro para maiwasan muna yung pagpplano ng mga lakad. Gusto kong i-prioritize eh yung plano ng pamilya ko sa paguwi ko. Tulad ng kuya, tinatanong ako kung gusto ko raw mag out of town. Ang Mama naman parang gustong mag-Bohol. Walang pandemic?😂

Mali kasi yung ginawa ko nung uwi ko last last year. Parang nabitin ako sa pag-spend ng time sa family kasi lagi akong nasa labas. Pinilit kong i-meet lahat ng pwedeng i-meet. So ang focus ko ngayong uwi ko ay family. Gusto kong tumambay lang sa bahay ng mas matagal, may pandemic man o wala.

Sobrang excited na ko. Sa sobrang excited ko naiyak ako kagabi. Sobrang home sick ko kagabi. Feeling ko gawa nung pinapanood ko na K-drama. Kasi yung babae dun, pinili nyang mag-stay sa Korea kasama yung lola at kaibigan nya kapalit yung work opportunity sa Paris.

Kaya napadalwang isip nanaman ako sa desisyon kong pumunta dito. “Nagkamali ba ko?” Sabi ko kay Kenneth, “Pinagkukumpara ko yung dalwa (Canada vs Pinas), mas masaya talaga sa Pilipinas.” Sabi nya syempre daw mas masaya nga daw dun kasi nandun ang family at friends. So sabi ko, “Bakit pinili natin yung hindi mas masaya?” Tapos sinabi nya na balikan ko yung rason bakit ko ba naisipang mag-migrate dito in the first place. Kasi naholdap ako. Safety. Dahil sobrang na-trauma ako sa experience na yun.

Pagkatapos naming magbatuhan ng mga salita, nandun pa rin yung question mark sa isip ko. Hindi ko pa rin alam. Awan. Saka ko na nga lang ulit poproblemahin.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s