Categories
Family Travel

Travel Dilemmas

First time kong makausap yung tito ko na nasa UK. Parang sa lahat ng tito ko sya yung hindi ko masyadong nakakausap kaya medyo big deal for me na nagusap kami over the phone. Yung hindi sa chat lang.

Eh kasi nagbabalak nga kaming mga taga ibang bansa na umuwi ng 2022. Last year pa dapat kaso alam nyo na.

Since self-employed ako, any time pwede akong umuwi. Pero gusto ko silang sabayan para makita ko din yung mga pinsan ko bago pa sila lumaki. Para malaro ko pa. Kaso ngayon nakikita ko sa mga pictures ang lalaki na nila. Parang hindi ko na sila ma-eentertain. Pero kahit pa, gusto ko pa din sumabay sa kanila para rin madami kami.

Lagi akong nakikibalita dun sa tito ko kung may update na sa paguwi nila, kung nakabili na sila ng ticket. Kasi ang plano sana ay March. Since palapit na ang February, nag-chat ulit ako. Sabi nung tito ko mukang malabo daw sila. Kasi gawa nga ng COVID at mga pabago-bagong protocols. Sabi ko kung pwedeng tumawag.

Ayun nakapagusap kami ng mas maayos. Ako na lang daw ang umuwi kung plano ko talagang umuwi. Pero kaya lang naman ako uuwi kasi pauwi sila. Haha. Kaya sabi ko kung uuwi man ako at hindi kami magsasabay, baka sa December ko na lang planuhin yung uwi ko. Para masaya. Sad for Kenneth and sa mga kitties pero minsan lang naman ‘to. Tumatanda na pati ang Mommy (lola namin).

Tapos sabi ko, kung hindi ako makakasabay sa kanila at hindi ko makikita yung mga pinsan ko, ako na lang ang pupuntang UK. Pa-joke lang nung una. Tiningnan ko lang yung magiging reaction. Eh mukang G naman yung tito ko. Magsabi lang daw ako. Pero baka malayo pa yun. Ticket papuntang Pinas pa lang ang naiipon namin. Pero something to look forward to. Ayoko pati na ako lang. Baka akitin ko ang Mama or si Tricia. Tingnan natin.

Sana matuloy na ang paguwi namin this year. Lalo na yung mga tito ko dito at yung mga nasa UK kasi sabik na sabik na ang Mommy sa kanila. Hays.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s