Categories
Wellness

Walang Sense

Ang hirap pala ng walang pang-amoy at panlasa. Feeling ko false negative talaga yung tatlong COVID test ko kasi mas malala pa yung symptoms ko kay Kenneth. Tapos eto na nga, pareho kaming hindi nag-eenjoy kumain.

Categories
Ramblings Wellness

Fake Twitter #26

Happy (?) New Year. Hays sumama nanaman ang pakiramdam ko. Kala ko pagaling na ko. More than a week na kong may sakit gusto ko nang gumalinggg..

Categories
Insights Money Diaries Ramblings

Enough is Enough is Enough…

It really is true. Na kahit anong gawin mo, kahit gano ka-harmless or ka-buti sa tingin mo ang isang bagay, may masasabi at masasabi talaga ang mga tao. Nag-stick talaga yun sa isip ko nung sinabi yun nung kaibigan ko (thank you Aryan!) Basta that time namo-mroblema ako sa ipapasalubong ko paguwi ko ng Pinas.

Categories
Books Calm

Fake Twitter #21

After reading a chapter, I placed Mary Oliver’s Upstream close to my chest. And this is the first time I’ve ever hugged a book.

Categories
Insights Life

Pwedeng Umiyak

Imbis na i-rationalize ko sa utak ko na hindi dapat ako malungkot at mabahala, na hindi ko kailangan ma-please (at imposibleng ma-please) ang buong miyembro ng pamilya ko, na mas madaming tao ang mas malaki ang problema sakin, na magiging okay din ang lahat, iniyak ko na lang. Tinanggap ko na lang na malungkot talaga ko ngayon at gusto kong umiyak.

Bakit ba nilalabanan ko na lang palagi? Bakit ba ko nakikipag-debate sa utak ko at dinidikta ang dapat kong maramdaman? Bakit hindi ako maglaan ng oras ng pag-iyak? Pwede namang malungkot paminsan-minsan. Wala namang nakakakita. Kahit pati meron. Eh ano kung ma-bother ko sila? Minsan lang naman.

Eh ano kung mangibabaw ang lungkot? Eh ano naman kung sa mga sandaling ito, hindi ko kayang bilangin kung anong meron ako at na madami akong dapat ipagpasalamat? Eh ano naman kung pagbigyan ko ang sarili kong umiyak ng ilang minuto at magmistulang ang laki laki ng problema ko? Eh ano naman?

Categories
Calm Ramblings

Fake Twitter #17

Sinabayan ko ng music at meditation yung yoga ko kanina. Ang sarap. Ang gaan sa pakiramdam.

Categories
Books Insights

Fake Twitter #15

Just finished I’m Glad My Mom Died by Jennette McCurdy and now I’m watching her interviews and crying. I’m glad I got to watch this video which led me to read this heartbreaking, emotional, sometimes humorous book. I do not relate to her past experiences with her mom in any way (the abuse, manipulation, the exploitation) but I could imagine how it must have been. It’s very insightful and teaches you to show more compassion. I also couldn’t stop reading because her writing is so compelling. Love this book!🤍

Categories
Insights Life Ramblings

Hocus Focus

Umagang umaga, may nagpapa-bad mood sakin. Pinipilit kong wag dibdibin ang mga comments kasi wala naman silang kwenta sakin. Pero eto, affected ako. May internal struggle. Nangingibabaw ang ego. Naglalaban yung feelings at rational thinking ko. So dinadaan ko sa pagsusulat. Baka makatulong.

Categories
Happy Things Insights Life

Autumn

Few weeks ago, nagsisimula nang maging yellow-brown-orangey ang mga dahon. Madami kasing puno sa harap ng apartment namin kaya nawi-witness ko talaga ang pagbabago ng panahon. Tapos kanina, as in ilang minuto pa lang ang nakakalipas, napatingin uli ako sa bintana tapos ang dami na talagang yellow-brown-orangey leaves. Napangiti ako kasi gustong gusto ko talaga ang autumn. Lalo pa at wala namang 4 seasons sa Pilipinas. Nakikita ko lang sya sa movies tapos na-i-imagine ko yung coziness at yung atmosphere.

Categories
Career Insights

Carrot, Egg or Tea Bag?

A few days ago, sobrang discouraged ako kasi wala ako masyadong sales sa sticker shop ko. Kung meron akong one thing na gustong mangyari sa future, yun ay maging successful ang sticker shop business ko. But apparently, it’s not happening. So yun, malungkot, ang daming doubts.

Podcast notes