Categories
Health

Walang Sense

Ang hirap pala ng walang pang-amoy at panlasa. Feeling ko false negative talaga yung tatlong COVID test ko kasi mas malala pa yung symptoms ko kay Kenneth. Tapos eto na nga, pareho kaming hindi nag-eenjoy kumain.

Kumakain kami ng pizza kahapon, may nalalasahan naman kaming alat pero sobrang faint tapos parang asin lang talaga. Wala yung flavor ng bacon at pepperoni. Tamang imagine na lang kami kung ano ba dapat yung malalasahan namin. Sa isip ko, hindi worth it yung calories netong pizza na ‘to, di ko ma-enjoy.

Pero may naiisip naman akong pros:

1. Wala akong maamoy pag nag-s-scoop ako ng litter box nung dalwa. Minsan kasi matapang talaga yung amoy ng poops nila.

2. Baka eto na ang chance kong mabawasan ang timbang. Since wala rin lang akong malasahan, kakain na lang ako ng mga gulay at kung ano-ano pang masustansyang pagkain hanggang mapuno ang tyan ko.

Mas okay na ang pakiramdam namin, negative na rin sa test si Kenneth. Sabi ni Google at ng kaibigan ko, posible raw na buwan ang itagal bago bumalik ang panlasa at pang-amoy. Grabe naman. Parang ayokong maniwala.

Siguro mga 3 days na kaming ganito at napagisip-isip ko na okay na ‘to. Kesa naman pandinig, or sight or touch ang mawala. Mas pipiliin ko pa rin mawalan ng sense of smell at taste kesa mawala yung isa sa tatlong yun. Ang sakit isipin kung hindi ko na masisilayan ang mga pusa naming sobrang cute, or hindi ko na sila madidinig o mararamdaman. Pero okay lang na hindi ko sila maamoy (wala rin naman silang amoy) at hindi rin naman siguro dadating yung punto na kailangan ko silang lasahan. Kaya okay lang na ganito kami ngayon. Swerte pa rin. Pero wag naman sanang tumagal ng ilang buwan pleaseee.

Advertisement

2 replies on “Walang Sense”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s