Imbis na i-rationalize ko sa utak ko na hindi dapat ako malungkot at mabahala, na hindi ko kailangan ma-please (at imposibleng ma-please) ang buong miyembro ng pamilya ko, na mas madaming tao ang mas malaki ang problema sakin, na magiging okay din ang lahat, iniyak ko na lang. Tinanggap ko na lang na malungkot talaga ko ngayon at gusto kong umiyak.
Bakit ba nilalabanan ko na lang palagi? Bakit ba ko nakikipag-debate sa utak ko at dinidikta ang dapat kong maramdaman? Bakit hindi ako maglaan ng oras ng pag-iyak? Pwede namang malungkot paminsan-minsan. Wala namang nakakakita. Kahit pati meron. Eh ano kung ma-bother ko sila? Minsan lang naman.
Eh ano kung mangibabaw ang lungkot? Eh ano naman kung sa mga sandaling ito, hindi ko kayang bilangin kung anong meron ako at na madami akong dapat ipagpasalamat? Eh ano naman kung pagbigyan ko ang sarili kong umiyak ng ilang minuto at magmistulang ang laki laki ng problema ko? Eh ano naman?
2 replies on “Pwedeng Umiyak”
Huhuhu sana maging okay ka rin! At oo, pwedeng pwedeng umiyak kahit kailan, kahit sino nasa paligid. Yakap mahigpit Glenice!! 🥺
LikeLiked by 1 person
Mas okay na. Salamuch ❤️
LikeLike