Categories
Health Insights Life Money

What Happened to My 2022 Goals

Eto ang mga sinabi kong susubukan kong gawin nung 2022. Bago ako gumawa ng 2023 game plan, ire-review ko muna:

PHYSICAL & MENTAL HEALTH

Goal #1: Make healthy food choices

Outcome: Needs improvement

Nagkakaron ako ng phase na healthy for a few weeks tapos babalik nanaman sa food deliveries. Pero super nag-eenjoy na ko sa mga vegan meals. Minsan pipiliin ko yung vegan option pero hindi ko nafi-feel na may kulang. Kasi may mga vegan/vegetarian meals na masarap naman talaga.

Goal #2: Be physically active

Outcome: I can do better. I can do this!

I think naging mas madalas akong mag-yoga netong 2022 pero kulang pa din sa medyo intense exercise. Nakakatamaaaad. Pero nung summer pretty active naman ako. Nung palamig na ng palamig, patamad na ng patamad.

FINANCE

Goal #3: Curb my spending

Outcome: Needs improvement

Since bumalik yung dati kong hobby na analog journaling, medyo madami akong nagastos na journaling related. Pagdating naman sa budgeting, inincrease ko na yung budget namin for food. For the longest time kasi, naka-stick ako sa specific amount na yun at buwan-buwan na lang, lagi kaming lagpas. Tapos sobrang ma-ffrustrate ako kasi lagi na lang hindi nami-meet yung budget.

Eh baka naman kasi mababa masyado talaga yung sinet ko. Baka naman kelangan kong tanggapin na kelangan ko na syang taasan para hindi ako lagi nadi-disappoint every pay day. So yun, tinaasan ko na at madami pa kong areas na tinaasan tulad ng gas, kitty supplies at gifts. Almost 10 yrs na kong nag-ttrack ng spending namin kaya ginamit ko yung data for the past few years para ayusin yung budget allocation namin to make it more realistic.

Goal #4: Invest $5,000

Outcome: Very good.

Nalampasan ‘to ng konti. Mas pagaayusin ko talaga ang pagba-budget this year para maging mas malaki pa.

Goal #5: Get pre-approved for a home loan

Outcome: N/A

Na-postpone ang plans ng pagbili ng bahay kasi ang mahal ng mga bahay ngayon. Sa 2024 namin iniisip bumili.

Goal #6: Continue to set monthly budget for donations

Outcome: I did it!

This became pretty consistent and automatic so hindi ko na sya isasama this year.

PERSONAL

Goal #7: Read 30 books

Outcome: I was able to read 13 books. Mid-year, binago ko ang mindset ko sa pagbabasa so naging null and void na ang goal na ‘to 😄

Di ko na pine-pressure ang sarili ko na makatapos ng specific number of books. Gusto kong ma-enjoy ang pagbabasa and not make it a chore. Pag may sinimulan akong basahin at tingin ko hindi ko magugustuhan, hindi ko tinatapos. Move on na ko sa next.

Goal #8: Spend time at the nearby library

Outcome: Achieved.

Pero baka di ko na ‘to goal this year kasi okay naman akong magbasa na dito lang sa apartment kasi tahimik rin naman.

Goal #9: Visit family in the Philippines

Outcome: Success!

Next year ulit pleaseee (or this year, pleaseee).

Goal #10: Let go of negative assumptions

For the longest time, automatic sakin na i-predict yung mga pwedeng mangyari at basahin ang utak ng mga tao kaya hirap na hirap akong i-let go ‘to kahit gustong gusto ko. I will always judge myself na hindi ko ‘to ma-overcome. Bakit ba ko ganun? Ba’t ang negative ko mag-isip? Nakakapagod. Pero sabi nga sa nabasa ko:

What a liberation to realize that the ‘voice in my head’ is not who I am. Who am I then? The one who sees that.

Eckhart Tolle

So tuloy tuloy lang kasi sabi ulit sa napanood ko naman:

The three aspects of reality that no one can avoid are pain, uncertainty and constant work.

Phil Stutz

Kaya:

Outcome: I’m proud of the mere fact that I’m constantly working on this.

Goal #11: Stop spreading myself too thin

Outcome: Achieved. Very good.

I think sinulat ko ‘to kasi nung 2021, andami kong pinasok na hobbies na hindi ko naman mapanindigan. Pero may bagong hobby uli ako—yung analog journaling. Hindi man ako consistent everyday, I know na regularly ko sya gagamitin kasi nakatulong talaga sya sa pagma-manage ng daily activities ko lalo na nung nagte-take ako ng French classes.

Kasama din sa new hobbies yung pag-aaral ng French. I’m happy to say na pinag-isipan ko talagang mabuti bago ako nag-dive in (both sa analog journaling and French classes) kaya napanindigan ko sya. Siguro dahil natigil din ako sa pag-ddrawing kaya nagkaron ako ng time for these new hobbies.

Goal #12: Nurture existing relationships

Outcome: I think I did a good job.

I’m reaching out more. I try my best to be present when someone needs me. Minsan lang merong feeling na, “Bakit ako lang ang nag-eeffort?” Siguro this year I will just choose yung mga relationships that I will nurture.

I think overall, I did a good job. Consistent struggle ko lang talaga yung eating healthy at exercise for how many years na. Pero at least may improvement. Excited na kong gawin ang aking 2023 Game Plan!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s