It really is true. Na kahit anong gawin mo, kahit gano ka-harmless or ka-buti sa tingin mo ang isang bagay, may masasabi at masasabi talaga ang mga tao. Nag-stick talaga yun sa isip ko nung sinabi yun nung kaibigan ko (thank you Aryan!) Basta that time namo-mroblema ako sa ipapasalubong ko paguwi ko ng Pinas.

Nagsimulang bumalik at ma-brew sa utak ko yung thought na ‘to nung pinapanood ko yung documentary ni Harry & Meghan. I don’t follow their story at may nakukuha lang akong bits and pieces sa mga podcast na pinapakinggan ko, so na-curious akong panoorin nung nakita ko sa Netflix.
Kilala ko si Meghan sa Suits pero dun ko nalaman sa documentary na straight A student pala sya, involved sya sa charity work at sa mga women’s issues. Vocal din sya sa mga social injustices pre-Harry. Pero ang dami nya pa ring nari-receive na hate. Dun sa podcast na napakinggan ko, basta may something fishy daw kay Meghan marrying Prince Harry. Na parang F na F daw ni Meghan masyado yung fame at publicity na natatanggap nya.
Okay sabihin na nating totoo yun, given that she’s an actress so malamang sa malamang gusto nya ang public attention. Pero ma-oobserve mo rin naman kung gano sila ka-inlove. Hindi ba pwedeng natutuwa ka sa attention pero at the same time sobrang in-love ka rin dun sa tao? Sabi nga ni Prince Harry, “She’s perfect for the role”. Kasi siguro nga kaya ni Meghan i-handle yung pressure, tapos matalino sya, sanay syang magsalita in public, (and aminin nya man or hindi) unfazed sya sa mga paparazzis kung totoo ngang may pagka fame whore sya. So nakatulong pa nga yung pagiging actress nya as Prince Harry’s future wife. Compatible lang siguro sila talaga.

Tapos kagabi, may binabasa kong money diary sa Refinery29. Basically, people submit how they spend their money during a 7-day period tapos ipa-publish anonymously. I enjoy reading these money diaries kasi I find it insightful at baka meron akong makuhang tips. Yung na-feature that week ay isang multi-millionaire.
Nung binabasa ko yung entries nya, I’m actually impressed. Gumagamit pa rin sya ng coupons, minsan pinipili nya pa rin yung cheaper option, tapos may araw na nagpasundo yung asawa nya kasi may price surge daw sa Uber nung gabi na yun. Yung tipong afford naman nila, but still they make these choices na mas makakatipid.
Dun sa Money Diaries format na sinusunod, ilalagay mo rin yung donations mo. So nakalista rin dun kung gano kalaking pera yung dino-donate nila monthly. Tapos binayaran nya yung vet bill nung isang client (kasi receptionist sya sa isang emergency animal hospital) worth $1,000 and she did it anonymously!
Pero after kong basahin at napunta na ko sa comments section, ayan na nga ang mga bashers. May mga good comments naman. Na kahit aminado silang may inggit, sinabi nilang nag-enjoy pa rin silang basahin yung money diary ni millionaire receptionist kasi parang balanced naman yung choices nya at meron syang good relationship with her husband. So isa ko sa mga yun.
Pero meron talagang hahanap at hahanap ng butas. Yung nakakatawang comments, sinasabi nila na, “You don’t spend enough.” Kung sila daw yung nasa ganung position, ganito ang gagawin nila, pipiliin nila yung mas mahal kasi afford naman nila, etc. Para kayong mga tanga. At SURE AKO, na kung si millionaire receptionist ay gastador, buying luxury brands and always splurging, may hate comments pa rin syang matatanggap. So it’s either, “You don’t spend enough.” or “You don’t save enough.” Ano ba talaga??
Kaya tama talaga yung sinabi nung kaibigan ko. Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi ang tao. Kaibigan mo, pamilya mo, ka-opisina, kapit-bahay, strangers, kahit sino. Lagi kang masasabihan ng, “You don’t ______ enough.”
You don’t give enough, donate enough, treat yourself enough, invest enough, hustle enough.. You’re not smart enough, relatable enough, humble enough, self-aware enough, political enough, black enough, woke enough.. You don’t smile enough, cry enough, react enough, comment enough, like pictures enough.. at kung ano-ano pang enough. Enough is enough! Wahaha!
Kaya much better to just live your life. As long as wala kang nasasaktan, at nakakatulong ka naman sa ibang tao at hayop sa abot ng makakaya mo, that is? Enough. We’re enough.
