First time kong makausap yung tito ko na nasa UK. Parang sa lahat ng tito ko sya yung hindi ko masyadong nakakausap kaya medyo big deal for me na nagusap kami over the phone. Yung hindi sa chat lang.
Eh kasi nagbabalak nga kaming mga taga ibang bansa na umuwi ng 2022. Last year pa dapat kaso alam nyo na.
Ka-chat ko yung bunso naming kapatid. Tinanong ako kung hindi daw ba ko nasasamid kahapon dahil may bago silang nilalaro na board game tapos hindi daw nila maintindihan yung rules. Paulit ulit daw sila na, “We need ate Gleniceee!” Bigla akong nahomesick at humagulhol ng iyak. Hays.
UPDATE: May kadamay na ako pagiyak 😂
Tapos tumawag yung tita ko, pinakita sakin ang Mommy (lola ko), nagiiyak din 😄 Uwi na daw ako. Yung pagkakasabi pa ng Mommy lalong nakakaiyak. Sabi ng Mommy habang umiiyak, “Uwi na!” tapos parang galit na frustrated. Huhuhu. Hays. Kung ganun lang kadali 😭
Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”
At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.
Cutie pies 😻
Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.
Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.
Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.
Dito pala madaming ganito hindi na kelangan bumili
I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.
Pwede ko bang sabihin nang hindi na nagi-guilty na sobrang saya ko na nakapag-resign na ko sa office work ko at freelancer-businesswoman-housewife na ko ngayon. Kahit ngayon lang. Pagbigyan nyo na ko. Pramis magi-guilty na ko ulit bukas. Sa dami kasing masamang nangyayari ngayon sa mundo at sa mga tao na close sakin, nakaka-guilty maging masaya. Pero gusto ko lang syang i-acknowledge ngayon.
I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.
Nagsimula ang 2020 na fairly masaya. Mejo sad kasi hindi ko nanaman nakasama ang family ko nung holidays, pero masaya din kasi nag-book ako ng ticket pauwi. Kaya nung Feb, I’m back to Pinas! Yehu! Thank you talaga sa Papa sa pag-sponsor ng kalahati ng ticket ko. Siguro eto talaga yung pinaka-highlight ng 2020 ko. At sobrang timely pa kasi ito yung time before i-announce yung pandemic. So nakauwi at nakabalik ako ng maayos. At dahil walang kasiguraduhan kung kelan ako makakauwi ulit kasi magulo pa rin, at least nakauwi na ko kahit mabilis lang. Read my whole back to Pinas experience here.
Kaya din gusto nila akong makauwi kasi retirement ng Papa. At age 55, nag-retire na ang Papa. So may pa-party tapos may mga awarding kaya gusto ng Mama’t Papa na kumpleto kami. Since nag-retire ang Papa, ang pinagkakaabalahan nya ngayon ay yung pinaparentahan nila na apartment at Shopee and Lazada online shopping 😅
Bukod sa nakasama ko uli ang family at mga kaibigan at former officemates ko, nakita ko ulit si Almond! Huhu ang laki na ni Almond. At ang sweet pa din nya. Hays excited na uli akong makita sya.
Nung umuwi din ako nagkaron ng opportunity na magbati kami ni Xali. Siguro 6 months kaming hindi nag-usap pero salamat sa efforts ni Nick, naging okay din kami ulit. The F Buddies are reunited again 😂
Dahil sa layovers, nakabalik akong Japan at Korea pero sa airport lang. Haha counted ba yun.
We moved to a new and improved apartment! Eto ulit yung isa sa mga top highlights. Alamin kung bakit dito.
I resigned! Finally may freedom na kong i-pursue ang art ko. And the ‘Most Supportive Husband’ award goes to Kenneth. Sobrang salamat talaga kay Kenneth kasi hindi ko naman ‘to magagawa kung hindi sya sobrang supportive. Super thank you talaga. I love you so much.
Balak ko talaga mag-aral after ko mag-resign. Kaya nag-apply ako sa Digital Media Design program at natanggap ako! Sobrang in-anticipate ko yung araw na ma-receive ko yung e-mail na tanggap ako. Kasi nga dito, hindi ganun kadali makapasok sa gusto mong program (or course kung tawagin satin). Pero hindi ako tumuloy. Pero confidence booster pa din yung natanggap ako. I felt validated.
Natupad ang wish ko simula nung bata pa ko. Nagkaron na ko ng sarili kong piano!
Naka-1 year ang podcast namin ni Nick. Akalain mo yun umabot ng more than a year ang F Buddies podcast. But it came to an end nung September ata kasi nga naging clout chaser si Nick. Hahaha! Joke lang (pero half meant 😆).
Speaking of anniversaries, naka-1 year na din ang Pod Sibs Book Club. At sana magtuloy-tuloy pa sa coming years.
And in line with the above bullet point, I read 25 books this year! A personal record. Wow sobrang amazed talaga ko na nakabasa ko ng ganito kadami. To more interesting reads next year!
We made new friends! Nung medyo maluwag pa ang protocols, madalas kami mag-hangout with our neighbors na couple din, si Trix and Kris. At dahil nga magkapitbahay lang kami, madalas kami nakakanood ng movies or maglaro dun sa Switch or mag-bake. Kaso sad kasi before Christmas, nag-red zone dito sa Manitoba and bawal na tumanggap ng bisita. Bawi na lang kami next year.
At dahil mas adventurous si neighbor couple, for the first time, nakapunta kaming beach dito. Two years na kami dito sa Winnipeg pero di namin naisip mag-beach. Siguro nga kasi alam namin na hindi ganun kaganda compared satin sa Pinas. Pero na-enjoy pa din naman namin. Sabi nga, make the most of where you are.
I became a part of the Linya-Linya creatives team as a Linya-Linya intern sensation! Saya nung experience kahit 1 month lang and na-challenge ako ulit kasi may mga deadlines, kelangan mong magproduce at mag-present ng madaming drawing, etc. Back to work yung feeling kumbaga after months of being a freelancer na hindi masyadong busy. Pero masaya kasi ang saya nung team. Pero dun ko din na-realize na kahit gano kabait nung team, lone wolf talaga ko. Gusto ko talaga hawak ko yung oras ko. Yung pwede akong tamarin pag tamad ako. Pag wala ako sa mood mag-drawing at feel kong mag-cross stitch halimbawa, magagawa ko. Pero super happy pa din na na-meet ko sila 😊
Kakaunti man, super saya ko pag nakakatanggap ako ng freelance work. Kaya thank you sa mga kaibigan kong suki na binigyan ako ng extra income this 2020 lalo na at resigned na ko.
This is the year for games. Kasi for the first time in a long while, naadik ulit ako sa isang mobile game. Dati Clash of Clans pero sobrang ilang years ago na yun. This year naman Coin Master. Haha. Tapos eto din yung year na bumili kami ng Nintendo Switch. Pero mukang wala talaga kong potential maging gamer kasi sa una ko lang inaraw-araw yung Switch. Tapos after a few weeks waley na. Pero hindi naman nasayang kasi bumili din kami ng fitness game at yun yung madalas namin “nilalaro”.
At since mahilig ako sa gadgets, ang mga bago kong gadgets ay yung Wacom Cintiq 16, Google Nest Mini (free from Spotify), robo vacuum, Airpods Pro, plus yung na-mention ko kanina na piano nga at Switch, at yung latest na hindi pa dumadating, iPhone 12 Mini. Tagal kong inaantay na sana magkaron ulit ng maliit na iPhone. XS yung gamit ko ngayon pero nabibigatan pa din ako at nalalakihan sa screen. Ang wish ko siguro in the future, not necessarily for 2021, ay iPad Pro at MacBook Pro with the new Apple chip. Yun lang naman sana 🤣
Naka-attend ako ng LighBox Expo kahit online lang. Sana next year maka-attend ako in person with someone na mahilig din sa art.
I discovered meal kits.
I became a digital minimalist and a stoic. Well at least trying to be. Sobrang beginner ko pa pero I’m trying to improve everyday. Pero naisip ko may advantage din pala ang pagiging serial story sharer ko sa IG. Kasi ngayon, yun yung reference ko sa paggawa ng blog post na ‘to.
📷: @bitesbythepage
I discovered a new hobby. Macrame. Kala ko na-max ko na ang limit sa hobbies na magiging interesado ako pero hindi. Ang dami pang interesting na pwedeng gawin. Tsaka yun nga, bakit ko naman ili-limit ang sarili ko.
I made 450+ sales sa aking Etsy shop. Nag-increase yung orders lalo na nung December. At ngayon, may orders na din dun sa new hobby ko. Kaya mamaya yun ang gagawin ko.
It’s mah birthday! Actually kahapon ko pa talaga birthday kasi mas advance ang oras sa Pinas and since sa Pinas ako pinanganak, kahapon ko pa birthday. Pero anywayzzz. It’s mah birthday! Ang aga ko nagising. 6:30AM pa lang dito. Busy ako mamaya pagluluto ng baby back ribs. Di ako sure kung nabanggit ko na pero meron kaming birthday cook off ni Kenneth 😂 Sya ang nagluto nung birthday nya (Dec 1) tapos ako ngayon (Dec 15). Pero wala din naman kwenta kasi kami lang yung taste testers. Haha. For sure sasabihin nya na sa kanya yung mas masarap tapos ako syempre yung sakin. Bawal pa din kasi tumanggap ng bisita dahil pa rin sa COVID. Hanggang New Year na ata ganito.
Pero excited pa rin ako kasi simula nung dumating kaming Canada, ngayon lang kami nag-effort maghanda sa birthdays namin. Ang pinaka-excited ako is yung pagluluto ko ng baby back ribs. Yun yung main course. First time kong magluluto ng ganito kaya sana masarap. Sana masarap! Tapos ko na lutuin yung mga side dishes kahapon para hindi ako masyadong haggard ngayon. Tapos mamaya ipipick-up ni Kenneth yung ube macapuno cake dun sa bakeshop. Ngayon na lang ulit ako makakatikim nung masarap na cake na yon 😋
Okay magbabasa na muna ako. Normal morning routine. Pero baka hindi ko mapigilan i-check phone ko para makita kung sino nang mga bumati hehe. Ay, nag-advance celebration nga pala sila sa Pinas. Kakainggit yung handa ko pero hindi ako nakatikim huhu. Eto yung mga pics nila.
Amishuuuuu
Update: Nagbasa na ko ng mga bumati sakin. Kakatuwa yung mga nag-private message at nag-post sa wall ko ng throwback pic namin. Haha. May napansin pala ko na bagong pag-greet. Diba nauso dati yung HBD. Tapos ngayon merong MBTC. Kala ko kung ano. Para kasing MTRCB. Tapos after a few seconds na-gets ko na, ‘more birthdays to come pala’. Haha daming alam.
Unti unti nang nagiging masaya ulit ang December. Nabanggit ko noon na sinira ng Canada ang December, my favorite month of all time. Favorite month kasi nga, birthday month namin ni Kenneth tapos feel na feel mo sa paligid yung festive mood sa Pinas. Tapos eto din yung time na uuwi kami ng probinsya from Manila (kung san kami nagw-work noon) para mag-celebrate ng Pasko at New Year with family and friends. Kaya ang saya saya talaga ng December. Pero yun nga. Pagdating namin dito, parang ang bitin at ang pilit nung saya.
Road test ko na next week sana makapasa akoooo. Since September, almost every week akong nagd-driving lessons. Magastos pero kelangan ko talaga kasi hindi ako natutong mag-drive sa Pinas. So sana makapasa talaga ako para no more additional gastos.
Pero kung hindi man ako makapasa, masaya pa din kasi marunong na talaga kong mag-drive! As in nakakaliko na ko, nakakapag-drive na ko sa highways, marunong na kong magpark with little assistance. Tinuruan din akong mag-parallel park pero more practice pa. Yun. Malalaman sa Nov 12 kung pasado ba ko.
Balita naman sa aking digital minimalism journey (complete review here), so far okay talaga ko. Hindi ako super nahihirapan mag-adjust. Nafi-feel ko yung JOMO (joy of missing out). Pag nahahapyawan ko yung red notifications, hindi ako nate-tempt i-check. Super konting temptation lang kasi out of habit pero kayang kaya. Hindi ako naaatat makita.
Too early to celebrate kasi 2 weeks pa lang pero in fairnezzz
And na-practice ko din yung sinabi dun sa book na mag-set ng schedule on when to use social media and almost 100% ko syang nasusunod. Nagka-deviation lang nung in-upload ko yung vlog ko kasi nag-post ako about it sa IG pero after kong i-post, hindi ko na tinignan kung may nag-like ba, sino na bang nakakita, etc. Ang layo ko na talaga sa mga dati kong gawi.
And since may sched na nga ako ng paggamit ko ng social media, sched ko ngayon na mag-check ng Messenger (every Friday PM and Sat AM) plus tawagan ang family ko. Ang Kuya, as always, mas nauuna syang tumawag pero after namin mag-usap, tinawagan ko si Tricia at Ate Beng2. Ang saya lang. Sarap makipagusap sa kanila ng hindi sa chat lang.
Bukas naman ng umaga ay time for my friends. Sasabihan ko ang isa sa kanila, kung sino mang available, na tumawag sakin. Kasi unlike family, nakakahiya na bigla na lang akong tumawag kasi baka busy sila. At least kung sila ang patawagin ko, ibig sabihin non available na talaga sila.
And kaya tawag kasi na-convince ako nung book (Digital Minimalism) na conversations (through calls, video calls, face to face) are better than connection (liking someone’s photo, short comments na same lang ng comments ng iba and chatting). So I will almost eliminate chatting and will stick to calling. I will also refrain from liking, commenting and reacting. And I believe it’s great advice.
I know, kung ako yung old self ko, iisipin ko, “Hassle. Bakit di na lang chat??” Eh sakin mas better na ang calls eh. Kung ayaw mo kong kausap eh di wag. Kung gusto mo kong kausap, magtawagan tayo. And yun na din yung point. Mas may effort ang conversations. It will show kung sino ba sa friends mo ang magbibigay ng effort na mag-make ng time and makipag-usap sayo. And yung nakalagay naman sa sched ko, at least once a month lang. It’s not as if every other day magta-try akong makipagtawagan. Sa families ko naman at least twice a month.
Kaya sobrang na-appreciate ko ngayon ang Kuya. Kasi ang Kuya, almost everyday yun tumatawag. Ngayon ko lang na-realize, nakaka-flatter na yung free time nya sa umaga, na pag tulog pa yung mag-iina nya, ako yung pinipili nyang kausap. Love you Kuya!! And si Tricia din, yung bunso naming kapatid, siguro mga 3-4x a month sya tumatawag and almost never ako yung nag-initiate sa mga tawag na ‘yon. Kaya kanina, ako naman yung nag-start. At kasama na din dun ang Mama, Papa at si Kim kasi magkakasama naman sila sa bahay. Saya lang sa feeling. This digital minimalism is working so well for me.
Random Pics:
Si Kenneth lang umubos 😂Eto naman sakin. Masarap naman pero nagsisi ako. Natakam lang ako.Ooohh fancySarap. Pero di ko sinunod recipe. Nag-dagdag ako ng asukal para sumarap.
Gumawa ako ng siomai pero hindi maganda yung wrapper na nabili ko. Masarap pa din naman.
Inayos ko yung website ko at yung listings ko sa Etsy shop ko
Since hindi ako ganun natuwa sa siomai, umorder ako ng takoyaki at maki
Masinsinan heart to heart with Kenneth kasi down nanaman yung pakiramdam ko ngayon
Ka-video call ko ang kuya kanina tapos napagkwentuhan namin ang Daddy nung buhay pa sya. Death anniversary ng Daddy sa July 14. Halos araw-araw kaming magkausap ng kuya at masaya ako na lagi pa din kaming nakakapagusap kahit magkakalayo kami.
Kachat ko din si Tricia nung umaga at na-share ko din sa kanya kung bakit ako down. Thanks Triciaba!
Umorder ako sa Amazon ng Neutrogena moisturizer and grippy socks
At nag-workout nga pala ako kaninang umaga. Pang 3rd consecutive day na ngayon.