
Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”

At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.

Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.

Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.
Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.

I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.


