Categories
Family Life

Happy and Guilty

Pwede ko bang sabihin nang hindi na nagi-guilty na sobrang saya ko na nakapag-resign na ko sa office work ko at freelancer-businesswoman-housewife na ko ngayon. Kahit ngayon lang. Pagbigyan nyo na ko. Pramis magi-guilty na ko ulit bukas. Sa dami kasing masamang nangyayari ngayon sa mundo at sa mga tao na close sakin, nakaka-guilty maging masaya. Pero gusto ko lang syang i-acknowledge ngayon.

Sobrang na-appreciate ko nanaman kasi yung fact na ganito na ang everyday life ko. Pagtingin ko sa oras, 10:44AM na pero ngayon pa lang ako magsisimula sa shop orders ko. Sarap sa feeling nung hindi ako nagmamadali. At bago ako pumunta sa workspace ko, ang dami ko nang nagawa. Maaga kasi ako nagising, mga 6AM siguro. At ang saya na hindi ako gumigising ng maaga para magmadali dahil baka ma-late ako. Paggising ko uminom ako ng tubig at nagbasa (1 chapter na lang ako sa Sapiens), nag-breakfast habang nanonood ng Youtube video about productivity (may new fave Youtuber ako, si Thomas Frank), at nakapaglinis ng konti dito sa apartment. Pagkatapos non ayun andito na ko sa home office namin.

Sa mga araw na nagi-guilty ako, minsan kinikimkim ko lang pero minsan naiiyak ako sa sobrang guilty ko. Nag-aassume kasi ako ng mga iniisip sakin ni Kenneth at ng family namin. Si Kenneth na pagkabait-bait, pinapatahan ako at sinasabi nya na wag kong isipin yun. Gusto daw nya na ginagawa ko yung gusto ko. Napapaluha tuloy ako ngayon. Hindi kasi ako makapaniwala. Sobrang supportive talaga.

Isa pa din daw na gusto nya ngayon na wala na kong full time work, ay yung pagaasikaso ko dito sa bahay. Yung laging may pagkain, areglado ang bahay. Hindi katulad dati na pareho kaming pagod tapos sobrang gutom na kami hindi pa namin alam kung anong kakainin. Pansin ko din na gusto nya yung inaasikaso. Feeling ko kung pagpapalitin kami ng situation at sya yung magiging houseband, parang mas pipiliin na lang nyang magtrabaho 😂

Tapos pag sinabi ko sa kanya na, baka kung anong iniisip sakin ng parents nya na wala akong regular work at sya lang yung may income, sasabihin ni Kenneth, “Anong pakealam nila.” Haha hindi parang ang harsh masyado pero parang ganyan yung thought. Siguro yung mas accurate is, “Eh ano naman. Pera naman natin ‘to.” Dun pa lang nawawala yung guilty feelings ko. As long as okay kami ni Kenneth yun ang mas importante sakin. Basta sabi ko sabihan nya lang ako pag may kelangan kaming baguhin. Ayoko kasi na may resentment sya sakin.

Hindi lang isang beses namin pinagusapan yung ganito kasi minsan nagiging suspicious ako kung totoo ba talaga yung mga sinasabi nya. Na baka pinapagaan lang nya yung pakiramdam ko. Pero nung last parang napuno na sya. Ayaw na daw nyang pagusapan namin yun. Ayaw daw nya na pinagtatalunan ang pera. So baka last na talaga yun. Pinagaaralan ko na rin na hindi ma-guilty. At dumadali na rin ngayon kasi medyo nagi-increase na yung sales sa shop ko. So mas nadadagdagan yung contribution ko dito sa bahay financially. Sana magtuloy-tuloy.

Ayun. Gusto ko lang ramdamin yung saya ng 100%. Back to work na muna ako.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s