I have found my people! I am so happy that my choices led me to finding them. I invited my online-to-real friend, Xiao, for brunch to thank her for helping me with Almondβs trip to Canada. Tapos sakto, merong stamp caravan event sa favorite stationery store ko (26 Market)βna malapit lang dun sa brunch place. We went to the stationery store after eating. There, I met a few fellow journalers. One thing led to another, and I got invited to join their bi-weekly planner hangout.
Wala naman ako talagang balak mag-intermittent fasting pero nahawa ako ni Kenneth na mag-skip ng breakfast. Hanggang sa nasanay na lang ako, at may bonus perk pa sya na 2x a day ko na lang po-problemahin ang kakainin ko imbis na 3x. Nung binilang ko, nakaka-16 to 17 hrs ako na fasting almost everyday.
Still trying to finish my book report for ‘Recapture the Rapture’ at medyo drained na ko so titigil na muna ako. Sobrang nagustuhan ko kasi yung libro kaya gusto kong i-extract yung mga napulot ko at i-summarize ko sya in a way na madali ko syang maa-absorb. Pag magbabase lang kasi ako dun sa mga hinighlight ko, minsan kailangan ko pang basahin ng ilang beses bago ko ma-gets ulit. At least sa book report ko, sarili kong words so madali kong maiintindihan.
Gusto ko lang i-share yung isang part na sinulat ko kasi medyo connected rin sya dun sa last post ko.
Ang tagal na pala nung last βHappy Thingsβ ko. One month ago na. Ang dami nang nangyari. Sana maalala ko pa. Siguro unang-una:
I Got My Refund!
Nabalik na sakin yung pinambayad ko sa French classes! Malaking halaga sya at may 5% sa isip ko na baka di na mapabalik sakin. Kasi baka hindi naman totoo yung promo nila. Baka pang-hikayat lang nila para mag-enroll ang mga tao. Pero iniisip ko na lang, madami naman akong natutunan at nag-improve talaga ko. Pero totoo ngaaa! Binalik nga nila! Mga 3 months siguro akong nag-aantay pero finally andito na. Yayyy!
My First Concert Experience
Nakailang ulit na ata ako dito π Pero hindi ko sya pwedeng i-leave out sa ‘happy things’ list ko. Basta andito yung full experience ko sa concert ng Kamikazee.
Tapos nakita ko sa IG na may come back concert ang Blink 182! Di pa namin napaguusapan ni Kenneth pero for sure gusto nya rin. Magkano kaya ang tickets..
TFC
Meron na kaming Cinema One! Tapos meron din nung mga lumang movies ni Jolina Magdangal, my grade school idol. Ang nostalgic ng feeling. Tsaka naiibsan nya talaga somehow yung pagka-miss ko sa Pilipinas kasi eto yung usual na naririnig kong pinapanood ng mga magulang ko, lolo at lola ko. Minsan nga hindi naman talaga ko nanonood pero gusto ko nasa background lang sya. Ang comforting nya sa tenga.
Klasik
Films and Shows and Podcasts
Eto yung mga na-enjoy kong panoorin the past month aside from Jolina movies:
Films
Shows
Podcasts
Telebabad
Sarap ng kwentuhan namin ni Arien. Naka tatloβt kalahating oras kaming magkausap. Feeling ko kaya pa namin ng mas matagal eh. Sa daldal ba naman namin.
Naalala ko yung college memory na seatmates kami sa bus papuntang Maynila kasi field trip namin. Mga ilang oras din ang byahe at non-stop talaga yung kwentuhan namin. Di kami nauubusan.
Parang dito lang sa blog ko, di ako nauubusan ng kwento. Dami ko pa ngang naka-pending na posts na di ko pa nasusulat. Tapos meron akong 46 posts sa drafts ko na hindi ko na siguro mapa-publish ever kasi ang outdated na.
Finished a Book
I-highlight ko na lang kaya yung buong book
Nakatapos rin ng libro sa wakas! Ang saya basahin ng book ni tita Oprah kasi ang dami kong wisdom na napulot. This book is called ‘What I Know for Sure‘. Mapapa sanaol ka na lang kasi parang naabot na nya ang self-actualization, the highest level in Maslow’s hierarchy of needs.
Late Night Trip
Sama si Cashew π
Sobrang rare mangyari na ma-convince ko si Kenneth na lumabas ng gabi para bumili ng impromptu snack. As in first time nga ata βto nangyari. Nakakatuwa lang kasi medyo nagiging carefree na sya. Kasi kung yung dating Kenneth, ang dialogue nya ay, βGabi na.β Pero kung iisipin mo, ano naman? Di pa naman tayo matutulog, may gasolina naman yung sasakyan, wala naman tayong ibang iniisip at this moment kundi tayo lang, bukas naman yung tindahan, etc. Haha bigla tuloy bumalik yung frustration ko pero babalik ako sa present. Mas nagiging loose at easygoing na sya and I am here for it.
Tinatamad akong maligo. Nanonood ng Cobra Kai si Kenneth at kahit dati pa, di ko magets bakit sya na-renew for season 2. At ngayon may season 5 na sya?! Tapos na-nominate pa sya for an Emmy for Outstanding Comedy Series! Huhh?? Emmy? Comedy?? Okay. Maliligo na ko. Dinadaan ko lang sa pagsusulat ang katamaran ko.
Yay start na ko next month! Open lang yung free French classes nila for permanent residents so sana matagal pang ma-process yung citizenship namin. Excited na ko! Plus buti online lang din yung classes. Hihi.
Bakit kaya hindi pa ko inaantok. Ang aga kong nagising, hindi ako nag-nap, tapos 3AM na ngayon pero buhay pa yung diwa ko. Mga 5-10% pa lang yung antok ko.
Siguro dahil masyado akong nadadala sa mga ganaps sa Stranger Things. Ang galing pa din ng Duffer brothers. Super engrossed at interested pa rin ako sa mga nangyayari sa kanila both major and supporting characters. Kelangan ko pang mag-warm up dun sa bagong monster nung una pero ngayon nakasakay na ko. I am here for the ride. Roller coaster talaga yung emotions kahit episode 4 pa lang kami.
Discovered a new, yummy and (most importantly) cheap pizza place
Although this took me 3+ hrs to edit, I enjoyed creating this. This was supposedly for my YT channel but I donβt have the energy to edit with Final Cut that day. IG reels will do.