Categories
French Hobbies School

Estudyante Feels

After 2 months of online classes, first time namin mag-meet in person kagabi! Pero di lahat nakapunta. Siguro half ng class nasa Zoom tapos kaming other half nasa classroom. Feel na feel ko talaga yung pagka-estudyante kagabi tapos ang ganda nung campus. 1818 sya tinayo so 204 y/o na sya. Gabi yung klase namin so hindi ko sya na-picturan ng maganda.

Advertisement
Categories
French Hobbies

Walang “Dug-Dug”

Sabi ko kahapon, for sure kakabahan ako 30 minutes before mag-start ang klase. Eto na yung sinasabi kong free language program ng province of Manitoba para sa mga permanent residents na gustong matutong mag-French (CLIC program ang tawag). Ine-expect ko nang mag “dug-dug” yung dibdib ko pero hindi dumating. Hindi ko alam kung dahil ba may bisita kami kahapon kaya wala na kong time kabahan? 6PM kasi yung klase tapos mga 5:35PM na sila nakaalis so nagmadali rin akong kumain bago magsimula. Wala lang. Ang unexpected lang na hindi ako ninerbyos.

Categories
French Hobbies

Calm Before the Storm

Tomorrow will be the start of my French classes with Université de Saint-Boniface at hindi ako kinakabahan (for now). For sure, kakabahan ako ay 30 minutes before the class pag na-iimagine ko na kung anong mga pwedeng mangyari, na kelangan kong mag-introduce ng sarili, na baka ma-blangko ako, na baka slow ako at hindi ko maintindihan ang mga lessons… So I will make the most out of my chill self bago ako atakihin ng nerbyos.

Categories
Food Happy Things TV

Happy Things #9

Got accepted to Université de Saint-Boniface

Yay start na ko next month! Open lang yung free French classes nila for permanent residents so sana matagal pang ma-process yung citizenship namin. Excited na ko! Plus buti online lang din yung classes. Hihi.