
Got accepted to Université de Saint-Boniface

Yay start na ko next month! Open lang yung free French classes nila for permanent residents so sana matagal pang ma-process yung citizenship namin. Excited na ko! Plus buti online lang din yung classes. Hihi.
Homemade Desserts
Buti may mga nakikita akong healthy dessert recipes na nagugustuhan ko talaga yung lasa. Etong vegan cookie dough, yung base nya ay made of ground oats at medjool dates. Ang sarap.

Mamaya gagawa uli ako nitong blueberry crumble.

Current Netflix Faves

Ang pinaka favorite ko sa mga ‘to ay Extraordinary Attorney Woo. Sobrang nakakaaliw. Ang fascinating nung main character and yung show is nakaka feel good overall. Minsan may konting iyakan pero mas angat yung funny moments.

Pero parang favorite ko din yung Never Have I Ever. Pure entertainment talaga at ang clever nung writing. Sobrang kinilig ako dun sa season finale. Excited na ko sa season 4—the final season ☹️
Yung The Sandman naman, disturbing and thought provoking. Hindi ko sya kayang panoorin ng sunod-sunod. Tingin ko ang favorite part ko ay yung interesting na “laban” ni Lucifer and Morpheus.

Started travel journaling

Nag-enjoy akong gawan ng travel journal yung Kenora trip namin. Excited ako sa mga future trips para mapuno ko na ‘tong notebook ko.

Kildonan Park

Thank you sa aming former kapitbahay at dinadala nila kami sa kung saan-saang part dito sa Winnipeg. Magugulat na lang kami na may ganito palang park na malapit lang samin. Sana magkaron ng YouTube channel na ang focus ay mga destinations dito sa Manitoba. Minsan kasi ang hirap maghanap ng mga pupuntahan.
