
Ang tagal na pala nung last ‘Happy Things’ ko. One month ago na. Ang dami nang nangyari. Sana maalala ko pa. Siguro unang-una:
I Got My Refund!
Nabalik na sakin yung pinambayad ko sa French classes! Malaking halaga sya at may 5% sa isip ko na baka di na mapabalik sakin. Kasi baka hindi naman totoo yung promo nila. Baka pang-hikayat lang nila para mag-enroll ang mga tao. Pero iniisip ko na lang, madami naman akong natutunan at nag-improve talaga ko. Pero totoo ngaaa! Binalik nga nila! Mga 3 months siguro akong nag-aantay pero finally andito na. Yayyy!
My First Concert Experience
Nakailang ulit na ata ako dito 😂 Pero hindi ko sya pwedeng i-leave out sa ‘happy things’ list ko. Basta andito yung full experience ko sa concert ng Kamikazee.

Tapos nakita ko sa IG na may come back concert ang Blink 182! Di pa namin napaguusapan ni Kenneth pero for sure gusto nya rin. Magkano kaya ang tickets..
TFC
Meron na kaming Cinema One! Tapos meron din nung mga lumang movies ni Jolina Magdangal, my grade school idol. Ang nostalgic ng feeling. Tsaka naiibsan nya talaga somehow yung pagka-miss ko sa Pilipinas kasi eto yung usual na naririnig kong pinapanood ng mga magulang ko, lolo at lola ko. Minsan nga hindi naman talaga ko nanonood pero gusto ko nasa background lang sya. Ang comforting nya sa tenga.

Films and Shows and Podcasts
Eto yung mga na-enjoy kong panoorin the past month aside from Jolina movies:
Films





Shows



Podcasts

Telebabad
Sarap ng kwentuhan namin ni Arien. Naka tatlo’t kalahating oras kaming magkausap. Feeling ko kaya pa namin ng mas matagal eh. Sa daldal ba naman namin.
Naalala ko yung college memory na seatmates kami sa bus papuntang Maynila kasi field trip namin. Mga ilang oras din ang byahe at non-stop talaga yung kwentuhan namin. Di kami nauubusan.

Parang dito lang sa blog ko, di ako nauubusan ng kwento. Dami ko pa ngang naka-pending na posts na di ko pa nasusulat. Tapos meron akong 46 posts sa drafts ko na hindi ko na siguro mapa-publish ever kasi ang outdated na.
Finished a Book

Nakatapos rin ng libro sa wakas! Ang saya basahin ng book ni tita Oprah kasi ang dami kong wisdom na napulot. This book is called ‘What I Know for Sure‘. Mapapa sanaol ka na lang kasi parang naabot na nya ang self-actualization, the highest level in Maslow’s hierarchy of needs.
Late Night Trip

Sobrang rare mangyari na ma-convince ko si Kenneth na lumabas ng gabi para bumili ng impromptu snack. As in first time nga ata ‘to nangyari. Nakakatuwa lang kasi medyo nagiging carefree na sya. Kasi kung yung dating Kenneth, ang dialogue nya ay, “Gabi na.” Pero kung iisipin mo, ano naman? Di pa naman tayo matutulog, may gasolina naman yung sasakyan, wala naman tayong ibang iniisip at this moment kundi tayo lang, bukas naman yung tindahan, etc. Haha bigla tuloy bumalik yung frustration ko pero babalik ako sa present. Mas nagiging loose at easygoing na sya and I am here for it.